KELLY JOANNE
Maaga akong gumising para pumasok ng maaga. True to her words ay mas maaga pang gumising si Ate Lin sa akin. Kaya ang ginawa ko na lang ay kumain at naligo. After ay nagpaalam na ako sa kanya na papasok na ako sa office. Dahil sa natulog ako kahapon ay may mga hindi ako natapos na gawain.
Habang nag-aabang ako ng jeep ay may bigla na lang tumigil na motorsiklo sa harapan ko. Kumunot ang noo ko dahil dito talaga sa mismong harap ko kahit malawak naman ang kalsada.
“Hop in,” utos sa akin ng driver.
“Who are you?”
“I said hop in,” utos niya sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko dahil ka-boses niya si daddy ninong.
“Daddy ninong?” tanong ko sa kanya.
“Hop in, bago pa tayo makita ni Mavie,” sabi niya sa akin at nagulat ako dahil bigla na lang niya akong sinuotan ng helmet.
“Magjeep na lang ako–”
Nagulat ako dahil bigla siyang bumaba at parang papel lang niya akong binuhat at isinakay sa motor niya. Ako itong gulat na gulat sa ginawa niya. Parang hindi man lang siya nahihirapan na sumakay.
“Kumapit ka at baka mahulog ka,” sabi niya sa akin at nagulat na naman ako dahil pinatakbo na niya ang motor niya kaya napakapit ako sa kaya.
“Nakakagulat ka naman.”
“I don’t take no,” sabi niya sa akin.
“Halata nga na kapag gusto mo ay gusto mo,” sabi ko sa kanya.
“Bakit kasi ang bagal mo?”
“Eh bakit mo naman ako isasabay?” tanong ko rin sa kanya.
“May pupuntahan kasi tayo bago pumasok sa office,” sabi niya sa akin.
“Sana sinabi mo sa akin agad hindi na isasakay mo na lang ako,” sabi ko sa kanya.
“Hindi ka naman kasi masunurin,” sabi pa niya.
“Bakit ka–ayy! Ano ba?! Bagalan mo nga lang baka naman mahulog ako!” nagugulat kasi ako sa kanya.
Ang cool na sana pero paano kung bigla na lang akong mahulog dito. Jusko po, ayaw ko naman na masagasaan ako ng malaking sasakyan sa ginagawa niya.
“Kumapit ka kasi ng mabuti para hindi ka mahulog. Mabaho ba ako kaya parang ayaw mo kumapi–”
“Mabango ka kaya lang kasi ang hirap kayang umupo dito lalo na naka-skirt ako,” sabi ko sa kanya.
“From now on ay ‘wag ka ng magsuot ng skirt,” sabi pa niya sa akin.
“Eh, ano naman ang isusuot ko.”
“Kung ano man ang gusto mo,” sagot niya sa akin.
“Ha?”
“Kung gusto mo ay magpanty ka na lang,” sabi niya kaya hindi ko na naman alam kung nagbibiro ba siya o hindi.
“Baliw,” sabi ko at bigla akong nagsisi sa lumabas sa bibig ko dahil boss ko at daddy ninong ko pa ang kausap ko.
“Matagal na akong baliw. Ngayon mo pa lang ba alam?”
“Daddy ninong, ano ba ang nangyayari sa ‘yo? Ang weird mo kasi?”
“I don’t know,” sagot niya sa akin.
“Nakakapanibago ka kasi,” sabi ko sa kanya.
“We’re here,” sabi niya at tumigil kami sa isang boutique.
“Anong ginagawa natin dito?” tanong ko sa kanya.
“Remember, the auction? Sabi mo wala kang damit kaya pumili ka ng gusto mo,” sabi niya sa akin at inalis niya ang helmet na suot ko.
Hinila na niya ako kaya naman napatingin ako sa kamay niya na hawak ang kamay ko. Nahihiya ako pero ang higpit kasi ng hawak niya sa kamay ko.
“Good morning,” nakangiti na bati sa amin ng isang magandang babae.
“Help her,” sabi ni daddy ninong.
“Ako ang bahala sa kanya, Mr. El Salva,” nakangiti na sabi ng babae.
“Tara sa loob, dear. Choose whatever you want at sa tingin ko naman ay babagay sa ‘yo ang kahit na ano dahil ang ganda mo, hindi lang maganda dahil super gorgeous,” sabi niya sa akin.
“Thank you po,” nahihiya na sabi ko sa kanya.
“Ikaw ba ang bagong girlfriend ni Charlie?” tanong niya sa akin pero pabulong lang.
“Hindi po, secretary po niya ako,” sagot ko sa kanya.
“Charlie, ang swerte mo naman. Ganito ka ganda ang nakikita mo araw-araw,” natatawa na sabi niya kay daddy ninong na para bang close silang dalawa dahil first name basis sila.
“Tulungan mo na siya dahil papasok pa kami sa office,” sabi ni daddy ninong na para bang hindi man lang siya agree na maganda ako.
Pero kung sabagay, bakit naman ako magiging maganda sa mga mata niya? Dapat lang na mas maganda para sa kanya ang anak niya. Kasi maganda naman talaga si Mavie. Kahit pa hindi ko pa nakikita ang mommy niya ay sure ako na maganda ang mommy niya. Gwapo rin naman kasi si ninong kaya maganda talaga ang anak niya.
“Maganda siya diba?” tanong pa ng babae.
“Ang kulit mo, bilisan niyo na nga may trabaho pa kami sa office,” sabi ni daddy ninong.
“Ang sungit naman, nahihiya ka lang yata sa secretary mo eh. Ikaw rin kapag pabagal bagal ka ay baka makuha pa ng iba an–”
“Miss, excuse me po. Tama po ang boss ko may trabaho pa po kami,” sabi ko sa kanya.
“Ingat ka sa boss mo. Gwapo pa naman,” natatawa na sabi niya kaya ako itong nahihiya sa kanya.
Gusto kong sabihin na daddy ninong ko ang tinutukoy niya pero nahihiya naman ako kaya nanahimik na lang ako. Sumunod na lang ako sa babae at pumasok kami sa show room nila at namangha talaga ako sa dami ng mga gowns na nandito.
Ang ganda ng mga gawa niya. Sa tingin ko ay siya ang may gawa ng mga ganito.
“Sa tingin ko ay mas bagay sa ‘yo ang mga silver gown dahil para kang anghel,” sabi niya sa akin.
“Kung ano po sa tingin mo,” nakangiti na sabi ko sa kanya.
“Sa tingin ko ay mas okay na hindi alam ng boss mo ang kulay ng gown mo. Para magulat siya,” nakangisi na sabi niya sa akin.
“Trust me, ako ang bahala sa ‘yo. Ipapadala ko na lang ang mapipili natin sa address mo,” sabi niya sa akin.
“Okay po,” sabi ko sa kanya at hinayaan ko na lang siya.
Lahat naman kasi maganda at may tiwala ako sa taste niya sa fashion. After namin magsukat ay lumabas na kami. Si daddy ninong ay nakaupo lang sa may couch.
“Tapos na ba?”
“Tapos na po at ipapadala ko na lang sa bahay niya.”
“Good,” sabi ni ninong at lumabas na siya.
“Alis na po kami, thank you so much po,” nakangiti na sabi ko sa kanya.
“Ingat kayo, lalo ka na,” nakangiti na sabi niya sa akin.
Kaya naman lumabas na ako. Si daddy ninong naman ay nakasakay na sa motor niya. Lumapit ako sa kanya. Kukunin ko sana ang helmet pero siya na ang mismong nagsuot sa ulo ko.
“Next time ay ‘wag ka ng maglagay ng makeup,” sabi niya sa akin na ikinagulat ko.
“Po? Pero nakalagay po sa contract na dapat presentable ang secretary mo,” sabi ko sa kanya.
“Masyado ka ng maganda para maglagay pa ng makeup,” sabi niya sa akin kaya nagulat ako.