C-15

1191 Words
KELLY JOANNE “Masyado ka ng maganda para maglagay pa ng makeup,” sabi niya sa akin kaya nagulat ako. “Po?” “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya. “Sumakay ka na,” utos niya sa akin. “Pero–” “Gusto mo na naman bang buhatin kita ulit?” tanong niya sa akin kaya naman nagmamadali akong sumakay sa motorsiklo niya. Ayaw ko na kasi na buhatin na naman niya ako. Hindi naman kasi kailangan na buhatin pa niya ako. Kumapit ako ng mabuti sa baywang niya para hindi ako mahulog kasi ang matandang ito ay ang bilis niyang magpatakbo na para bang nakikipag-karera siya. “Daddy ninong, hindi mo ba kayang bagalan lang?” sabi ko sa kanya pero hindi man lang niya ako narinig. Hinayaan ko na lang siya hanggang sa nakarating na kaming dalawa sa office. Inayos ko ang sarili ko bago ako pumasok sa loob. Nakasunod naman sa akin si ninong. Medyo nagulo kasi ang buhok ko hangin kanina. Pero mabuti na lang at kahit kulot ito ay malambot pa rin dahil maalaga ako sa buhok ko. Hindi ko talaga alam kung bakit ba sinabi ni daddy ninong kanina na ‘wag na akong mag-aayos ng sarili ko. Pero nakalagay naman sa kontrata na dapat ay presesntable ang mukha ng secretary niya. Kaya hindi ko alam kung bakit ba kailangan na sabihin niya sa akin na hindi ko na kailangan dahil maganda na ako. Like pinuri niya ako na maganda pero nang tanungin siya kanina na maganda ako ay wala naman siyang naging reaksyon. Ginawa ko na lang ang dapat kong gawin. Pinag-timpla ko siya ng kape at pumasok na ulit ako sa loob ng office niya para ibigay sa kanya. Lumapit ako sa kanya dahil nakita ko na magulo ang suit niya kaya naman inayos ko ang necktie niya. After kong ayusin ay lumayo na ako sa kanya. “Tawagin mo na lang po ako kapag may kailangan ka,” sabi ko sa kanya. Sumenyas siya na lumapit ako sa kanya. Kaya naman lumapit ako sa kanya at nagulat ako dahil bigla na lang niya akong nilapit sa kanya. “S—Sir,” nauutal na sambit ko. “May kailangan ka ba?” tanong ko sa kanya. “Mayroon,” sagot niya sa akin at bigla na lang niya akong hinalikan sa labi kaya naman nagulat na naman ako. Saglit lang naman ang halik niya at binitiwan na niya ang labi ko. “Go back to your work now,” sabi niya sa akin na para bang wala siyang ginawa sa akin. “Why did you do that?” hindi ko mapigilan na hindi itanong sa kanya. “Ang alin?” “You kissed me,” sabi ko sa kanya. “Kissed you? Wala naman akong ginawa.” “Ewan ko sa ‘yo,” sabi ko at mabilis akong lumabas dahil bigla na lang akong nainis sa kanya. Nagkukunwari siyang wala siyang ginawa. Habang nagtatrabaho ako ay naiinis ako sa kanya at wala akong balak na kausapin siya. Lumabas siya para pumunta sa meeting room at dumaan siya sa harap ko pero hindi ko siya pinansin. Hanggang sa nagulat na lang ako ng hilain niya ako dahil kasama pala ako sa meeting niya. Pilit kong binabawi ang kamay ko dahil kaya ko naman kasing maglakad ng mag-isa. Ayaw niya pero ilang beses kong binabawi kaya naman binitiwan na niya ng makarating kami sa board room. Siya ang nauna at nasa likuran lang niya ako. Tahimik lang ako na nakikinig sa kanila at nag take down notes na rin ako. Dalawang oras rin ang itinagal ng meeting niya bago kami lumabas. Ang tagal at masasabi ko na masyado talaga siyang magaling dahil ang mga small details ay napapansin niya. Break time na kaya pumunta na ako sa cafeteria para kumain na muna dahil nagugutom ako. Kakain na sana ako pero nakita ko na tumatawag ang boss ko kaya naman sinagot ko ito. “Where are you?” “Why?” “Why are you asking me, I’m your boss?” “Break time na po kaya dito ako sa cafeteria,” sagot ko sa kanya. “Nang hindi nagpapaalam?” “Kailangan ko pa bang magpaalam?” tanong ko rin sa kanya. “Go back here,” sabi niya sa akin. “Okay,” sabi ko at dala ko na naman ang palabok ko. Nakakainis siya dahil kailangan talaga niyang guluhin ang break time ko. Bumalik ako at dala ko ang palabok na binili ko. Pagbalik ko ay nakatayo siya sa pinto ng office niya. “That again?” tanong niya sa akin. “Ano naman?” naiinis na sabi ko. “So, nagmamaldita ka na ngayon?” “Sabihin mo na lang ang kailangan mo,” sabi ko sa kanya. “Buy me food. Nagugutom ako,” sabi niya sa akin. “Bakit hindi na lang ikaw ang bumili,” mahina na sabi ko. “I hear you,” sabi niya sa akin. “Narinig mo naman pala kaya bumili ka na,” sabi ko dahil wala ako sa mood na makipag-usap sa kanya ng matino. “What do you want?” tanong ko sa kanya. “Gusto ko ng pagkain sa karinderya,” sagot niya sa akin. “Bakit hindi ka na lang sa cafeteria pumili ng gusto mo?” “Ayaw mo bang sundin ang utos ko?” “Sabihin mo na lang kung ano ba ang–Ayyy!” Nagulat ako dahil bigla na naman niya akong hinila. Hawak ko na naman ang palabok ko. Saan ba kasi ako dadalhin ng matandang ito. Sumakay na kaming dalawa sa sasakyan niya. Mayaman talaga dahil kanina ay motorsiklo tapos ngayon ay may sasakyan na dito. “Maiwan mo na ang lahat ‘wag ang palabok mo,” sabi niya sa akin. “Kung hindi mo sana ako hinihila na lang bigla ay sana hindi ko dala ito ngayon,” sabi ko sa kanya pero bigla na lang siyang tumawa kaya ako itong nagtataka na nakatingin sa kanya. “What’s funny?” “Bakit ganyan ka makipag-usap sa akin? Nakalimutan mo na ba kung sino ako?” tanong niya sa akin. “Dapat pa ba kitang igalang?” tanong ko sa kanya dahil naalala ko ang kiss. Naalala ko ang ginawa niya sa akin kahapon at kanina. Namimihasa na siya at nagpapanggap na para bang wala siyang ginagawa sa akin. “Wala naman akong sinabi na galangin mo ako. Kung gusto mo ay bastosin mo ako eh,” sabi niya at bigla na lang napunta ang kamay niya sa legs ko kaya sa inis ko ay sinampal ko siya bigla. “Bastos!” “Hinalikan mo nga ako,” sabi niya sa akin kaya laglag ang panga ko sa narinig ko mula sa kanya. “Napasokan ba ng hangin ang utak mo?” tanong ko sa kanya. “Ikaw kaya ang humalik sa akin,” sabi niya pa kaya lalong uminit ang ulo ko sa narinig ko mula sa kanya. “Excuse me? Ako pa talaga ang humalik sa ‘yo eh ikaw nga itong—”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD