KELLY JOANNE
“Ikaw kaya ang humalik sa akin,” sabi niya pa kaya lalong uminit ang ulo ko sa narinig ko mula sa kanya.
“Excuse me? Ako pa talaga ang humalik sa ‘yo eh ikaw nga itong—”
Bigla na lang tumigil ang sasakyan niya kaya nakakunot ang noo ko habang nakatingin ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin.
“Bakit tayo tumigil sa gitna ng daan?” tanong ko sa kanya pero nakatingin lang siya sa akin na para bang may binabalak na hindi ko mahulaan kung ano.
“May problema ba?”
Hindi pa rin siya sumagot pero nakatingin lang siya sa akin kaya naman nagulat ako nang bigla na lang niya akong kabigin at hinalikan na naman niya ako. Tinutulak ko siya pero ayaw niya at nagpatuloy siya kaya nagulat ako nang mas lumalim pa ang halik niya.
Hanggang sa narinig na namin ang mga kotse sa likuran na maingay kaya naman tuluyan na siyang tumigil at ipinagpasalamat ko naman ito. Nakahinga na ako ng maluwag dahil tumigil na siya. Ako naman ay hawak ko pa rin ang palabok ko. Ayaw ko naman na masayang ito kaya habang tumatakbo ang sasakyan niya ay kinain ko na ito.
Wala na akong pakialam sa kanya. Sa totoo lang gusto ko na maging magkasundo kami. Gusto ko rin na bigyan siya ng respeto at paggalang pero siya rin ang dahilan kaya hindi ko ‘yon magawa.
Ang lakas kasi ng trip niya kaya bahala siya. Kakain na lang ako dito. Hindi ko rin siya inalok dahil alam ko naman na hindi siya kumakain ng ganito. Naubos ko na ito kaya okay na ako.
“Is that your favorite?” tanong niya sa akin.
“Medyo,” sagot ko sa kanya.
Mas gusto ko kasi ito kaysa sa iba pang pasta. Kumakain naman ako ng iba’t ibang pasta, mas gusto ko lang talaga ang lasa ng pagkain na ito. Sinanay kasi ako ng yaya ko kaya nagustuhan ko na rin ito.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko sa kanya.
“Kakain,” sagot niya sa akin.
“Saan ka ba kakain at kanina ka pa nagmamaneho?” tanong ko sa kanya.
“Malalaman mo rin,” sagot niya sa akin kaya nanahimik na lang ako.
Isang oras ang itinagal ng biyahe namin. Sa isang fancy restaurant kami pumunta. Mayaman talaga siya kaya kalokohan ang sinasabi niya kanina na gusto niyang kumain sa karinderya dahil hindi ‘yon totoo. Mali ang sinasabi niya dahil sa pang mayaman naman kami kumain na dalawa.
“Dito na lang ako,” sabi ko sa kanya.
“Hindi puwede,” sagot niya sa akin.
“Bakit?”
“Kailangan kita doon,” sabi pa niya sa akin.
“Okay,” sabi ko na lang at tahimik akong sumama sa kanya.
Binati nila kami at dinala kami sa isang silid. Ang buong akala ko ay kaming dalawa lang pero mali ako. Dahil may iba kaming makakasama. Binati sila ni Daddy ninong kaya ngayon ko naisip na lunch meeting pala itong pinuntahan namin at hindi talaga lunchtime para sa aming dalawa.
Pero ano naman ang dahilan para kumain kami na kami lang dalawa. Tahimik akong nakaupo dito at nakikinig lang sa kanila. Katabi ko si daddy ninong at may kaharap kami na isang magandang babae at kasama nito ang daddy nito. Hindi ko alam kung ano ba ako dito pero hindi naman ako ipinakilala na secretary niya.
Nakaupo lang ako at kumakain na lang ako habang sila ay nag-uusap ng tungkol sa business.
“Mr. El Salva, baka puwede kayong lumabas ng anak ko? Alam mo na, getting to know each other dahil siya na ang pupunta sa mga meetings na dapat ay ako ang pupunta,” sabi pa ng matanda.
“Puwede naman, but it’s a–”
“Thank you, Mr. El Salva,” nakangiti na sabi ng matanda.
“Ikaw ba ang bago niyang secretary, iha? Ang ganda mo naman,” tanong naman ng matanda sa akin.
“She’s not my secretary,” sabi ni daddy ninong kaya kumunot ang noo ko.
“Is she your girlfriend?”
“Yes, she’s my girlfriend,” sabi niya na naging dahilan para magulat ako.
“Ang ganda naman ng girlfriend mo–I’m sorry, we need to go,” sabi ng matanda dahil bigla na lang tumayo ang babae at lumabas ito kaya naman naiwan kami ditong dalawa.
Tahimik kaming dalawa at nawalan na ako ng gana kumain kahit pa nasa kalahati pa lang ako. Wala akong balak na kausapin siya kaya tumayo na rin ako para umalis. Bahala siya kung susunod siya pero ng makalabas ako ay poumara agad ako ng taxi para makabalik ako sa office.
Lumingon ako at nakita ko si daddy ninong na lumabas na rin sa restaurant. Nang makarating na ako sa office ay ilang sandali lang ay dumating na rin siya. Hindi ko siya binati, hindi ko rin siya pinansin dahil wala akong balak. Natapos na lang ang trabaho ko ay lumabas agad ako para umuwi.
Masaya kong niyakap ang anak ko at wala akong balak na isipin ang mga hindi naman kailangan. Nakipaglaro ako sa anak ko dahil nagluluto si ate Lin ng hapunan namin. Masaya ako kapag kasama ko ang anak ko. Sa totoo lang ay hindi naman ako naghahangad ng kahit na ano.
Ang tanging hangad ko lang ay ang lumaki ng maayos ang anak ko. Kaya gagawin ko rin ang lahat para sa kanya. Kahit pa mahirap ay gagawin ko ang lahat mapalaki ko lang siya ng maayos. Ibibigay ko sa kanya ang kaya kong ibigay.
********
Lumipas pa ang mga araw. Papasok ako sa trabaho at uuwi lang ako sa bahay. Hindi ko na rin pinapansin si daddy ninong. Kapag may utos siya ay ginagawa ko pero kapag wala naman ay tahimik lang ako.
At ngayon ay friday na at dumating ang gown na isusuot ko para bukas. Binuksan ko ito at ang ganda. Ang ganda ng pinili niya para sa akin.
“Ang ganda,” napalingon ako dahil narinig ko si Ate Lin.
“Ate, may kailangan akong puntahan bukas ng gabi. Okay lang po ba?”
“Sa trabaho ba ‘yan?” tanong niya sa akin.
“Opo, ate.”
“Okay, ako na ang bahala kay Kingston,” nakangiti na sabi niya sa akin.
“Thank you po, ate.”
“Trabaho ko ito kaya hindi mo kailangan na magpasalamat sa akin.”
“Gusto ko lang po,” sabi ko sa kanya.
“Gawin mo lang ang mga kailangan mong gawin,” sabi niya sa akin kaya naman niyakap ko siya.
Masaya ako na may tao na puwede kong pagkatiwalaan. Kaya naman nakakatulog ako ng maayos at payapa kahit pa ang totoo ay nalulungkot ako kapag nasa office ako. Bago pa lang ako sa trabaho ko pero parang gusto ko na umalis. Kasalanan talaga ng matanda na ‘yon kaya ako ganito ngayon.
Bago ako matulog ay sinilip ko ang phone ko at nakita ko ang message niya. Marunong akong tumupad sa usapan kahit pa masama ang loob ko. Kaya naman matutulog na ako dahil bukas ay maglalaba pa ako. Gabi pa naman ang pupuntahan namin.
Kinabukasan ay ginawa ko ang mga dapat kong gawin. At nang hapon na ay maaga pa akong nag-ayos. Saktong six pm ay dumaan na siya kaya lumabas na ako at sumakay na ako sa sasakyan niya.
May driver siya ngayon kaya nandito kaming dalawa sa likuran. May inabot siya sa akin kaya nagtataka ako.
“Para saan ito?” tanong ko sa kanya.
“Para sa ‘yo,” sagot niya sa akin kaya naman binuksan ko ito at bumungad sa akin ang…