REMEMBER ME, BABY
"Si Rhys daw yon, kawawa nga eh"
"Sino kaya gumawa sakanya non? Grabe naman ang inabot n'ya"
"Oo girl, sayang wala tayo rito nong nangyari. Pwede kaya bisitahin si Rhys sa ospital mamaya? Hayy kawawa naman ang baby ko" rinig kong bulong-bulungan ng kaklase ko mula sa loob dito sa labas
mga tao talaga, bumubulong pero dinig na dinig ang boses hanggang labas. Psh.
"Sino na-ospital?" deritsong tanong ko pagkapasok ng room, nilapag ko ang bag sa silya ko at lumapit sa grupo nila
"Hindi mo alam?" ani ni Klaren, hinampas ito ni Joy, kaibigan n'ya
"Ano ka ba! Break na sila!" mahinang sabi nito sa kaibigan, bumaling ito sakin
tinaasan ko ito ng kilay, pinag krus ko ang braso ko at mataray silang tinignan
"Ah kasi, Si Rhys daw naospital kahapon. Nabugbog ata, K. Hehe " sagot nito
bahagya akong nagulat pero hindi ko pinahata
"Sino bumugbog?" I asked casually, Nagkibit balikat lang sila. Inikutan ko sila ng mata at iniwan
bumalik ako sa upuan ko at umupo, wala pa ang Prof. namin. Sana pala nagpa late nalang ako. Argh, kulang pa ako sa tulog!
Bakit nabugbog si Rhys? Is he out of his mind? Nasaktan ba s'ya ng sobra sa nangyari samin? Lol, s'ya naman nakipag hiwalay, Oh well I don't care. Tapos na kami. I need to have a new boyfriend! Ang boring!
"Hey, bebe!" Umakbay si Kian saakin pagkaupo nito sa tabi ko
oh speaking, seems like I don't need to find one
he's my bf naman. BF as in BestFriend. Dzuh.
"Get your nasty hand off me!" asik ko at sinamaan ito ng tingin
"Easy. Okay okay" tinaas nito ang kanyang dalawang kamay at humalakhak, inirapan ko ito sa inasta
"Wala sa mood ang bebe, badtrip ka ba ngayon? What do you want? Coffee? Tea? Or me?" siniko ko ito, humalakhak naman ang loko
"Shut up! Where's Danna?" Inis kong tanong
"Ouch!" humawak ito sa puso nya "ako ang nandito pero iba hanap mo, You're so bad bebe" umakto pa itong parang nasasaktan habang hawak ang dibdib
"Whatever! Stop pissing me off!" irita kong saad
ngumuso ito at umayos ng upo "Hindi papasok ang pinsan ko. I don't know where she is" nagkibit ito ng balikat, Tinaasan ko ito ng kilay, umaktong hindi ako naniniwala
"Really, Kes? Totoo! Hindi ko alam!" tinaas nito ang isang kamay senyales na nagsasabi s'ya ng totoo
Inirapan ko muli ito
whatever! I hate that girl
Huminga ako ng malalim, inayos ko ang uniform ko at sumandal sa sa upuan ko
"You okay, Bebe?" Napangiwi ako ng mapagtanto kong andito pa pala sa tabi ko ang tukmol na 'to
"Stop calling me that disgusting endearment!" singhal ko sakanya, humalakhak nanaman muli ito
Ba't ba ang hilig nitong inisin ako? Noong nakaraan 'Bebs' ngayon naman Bebe. Wtf???
biglang sumeryoso ang aura nito. The hell wrong with this guy huh?
"Key..." bakas sa boses nito ang pagkalungkot pati na rin sa mga mata nito
"What's your problem, Key?" mataray kong tanong
mamaya n'yan pinagt-tripan na naman ako nito
nabigla ako ng bahagya itong isinandal ang ulo n'ya sa balikat ko, kinuha nito ang kamay ko at pinaglaruan ang mga daliri ko
oh I guess, may problema talaga ang ulok na 'to
hinayaan ko lamang ito na paglaruan ang mga daliri ko, bahagya ko ring sinandal ang ulo ko sa ulo n'ya
we used to be like this. I miss this s**t.
ramdam ko ang paghinga nito ng malalim
"I'm leaving" inaasahan ko na ang sasabihin nito
"I know, Key. I know." pinagsiklop ko ang mga kamay namin
"Babalik ka pa naman, right? I'm just here, My Bestfriend. I'll wait, Key." dagdag ko. Umayos ako ng upo at tinignan s'ya ng mabuti
"mamimiss mo ba 'ko?" Nakangising tanong nito
Ngumisi rin ako "hindi." deritso kong sagot at nginiwian ako, mahina nitong winaksi ang kamay ko, tumawa ako at inakap ang braso nito at isinandal ko ang ulo ko sa braso nito
"Wala ng mang iinis saakin at pipili kung sino dapat i-boyfriend ko. Hihi" mahina akong humagikhik
"Yea. You're gonna be free." pinitik ako nito sa noo
ngumuso ako
"Mamimiss kita, sobra." ginulo nito ang buhok ko
"Me too, Key. Andaya mo eh. Simula nong baby tayo 'di naman kita iniwan!" Siniko ko ito at sinamaan ng tingin
"Wala akong choice. Pero babalik ako. Sira!"
tinapik ko ang balikat nito
"siguraduhin mo ah!" maangas ko itong tinignan "Hayy! pareho talaga kayo ni Danna, Hilig n'yong iwan ako!" pinagkrus ko ang mga braso ko at nag-aktong nagtatampo
"Ikaw din naman ah? mahilig ka rin mang-iwan!" he chuckled
I get what he meant
sinamaan ko lang ito ng tingin at inilingan
umayos ako ng upo dahil dumting na ang Prof namin, bumalik naman si Kian sa upuan nito, Magkaklase kami ngayong subject
halos dalawang oras ang naging discussion, Break time na at dahil wala akong boyfriend ngayon kaya kay Kian muna ako sasama at tutal malapit na rin ang alis nito papuntang Canada, napagdesisyunan ko na hindi na muna ako magboboyfriend para mas masulit ang bonding namin ni Kian, Tsaka nalang ulit pag nakaalis na. Haha!
"ano ba yan! dapat ikaw ang mang libre ngayon! iiwan muna ko, ilibre mo naman ako sa mga natitirang araw mo rito!" angal ko ng sinabi nitong ilibre ko raw s'ya. Nasa Cafeteria kami ngayon para kumain
nagugutom ako dahil hindi ako nakapag breakfast kanina. Err
"fine!" bumusangot ang mukha nito at nagmartsa na papuntang counter para mag order ng pagkain
agad akong humanap ng Table, kaunti lang ang tao rito at halos mga seniors lang din, nakahagilap ako ng Table para saamin ni Kian, umupo ako ron at inabala ang sarili sa phone ko. Maraming unread text messages pero hindi na'ko nag-abalang basahin ang mga ito. Inopen ko ang i********: ko para mag scroll lang
"excuse me" isang baritonong boses ang umupo sa harapan ko
tinaasan ko ito ng kilay at isinilid ang phone ko sa bag
"uhh hmm" mahina itong umubo
i mumbled "what"
"So, Kesleigh, Right?" dinilaan nito ang labi at malagkit na tumingin saakin
Ew, not my type.
"yea." tipid na sagot ko at sumandal sa sandigan ng upuan, pinagkrus ko ang mga braso ko at tamad na tumingin sa kanya
he got the looks, naka ayos ang buhok nito, mukhang mayaman. hmm. malinis at walang gusot ang uniform. But I'm not interested.
"I'm Chris Ethan" inilahad nito ang kamay n'ya, tinignan ko lamang ito
"oh okay, sorry," binaba nito ang kamay nya sa kanyang lap "so I heard wala na kayo ni Rhys?" nakangising saad nito
sabi na nga ba. I almost forgot, I'm Kelseigh Mayers, Everyone's dream girlfriend.
"ya know what. I'm not interested, Christian right? So do me a favor and leave. " mataray kong asik
"It's Chris Ethan, Kes" ani nito
inirapan ko ito "what ever! Don't call me Kels, We're not close. You're not my type. Leave now" iritado kong sabi
"come on! Gwapo ako, can't you see? Try me!" nagulat ako sa pagsigaw nito, tumayo ito at lumapit saakin, tumayo rin ako para iwan ang baliw na 'to ngunit hinawakan nito ang kamay ko
"let go of me! are u crazy!" pilit kong winawaksi ang kamay nito saakin, malademonyo itong nakangisi.
medyo malayo ang table na to sa ibang table, si Kian ay hindi mahanap ng mata ko. Walang pakialam ang mga tao sa nangyayari sa paligid. Argh. I can't handle this one
"Wag ka ng pakipot, Mayers. I've been fantasizing you for damn so long. Wala ka ng boyfriend so why can't you be with me now?" ngumisi ito at mas nilapit ang mukha saakin, akmang hahalikan ako
sinampal ko ito "you jerk!"
napahawak ito sa pisngi n'ya at sandaling nag igting ang panga
agad itong ngumisi at tumingin sakin "oh really, Kelseigh? if I'm a jerk, so what are you?" nanunuyang tanong nito at humalakhak
wala na halos mga tao sa paligid. Argh. Kian where are you? I need you here!
humalakhak rin ako para maibsan ang kaba "ako? oh, ako lang 'to, si Kesleigh, ang pinapangarap n'yo. " I tried to sound seductive and cool
fuck. wrong move, Kelseigh
hinapit nito ang bewang ko "yes, pangarap kita, pangarap ka ng lahat" bulong nito sa tenga ko, bahagya ko itong tinulak ngunit mas malakas ito saakin, damn!
"let go of me!" tinulak ko ulit ito pero sadyang malakas ito, ginapos nito ang kamay ko gamit ang kamay n'ya
nagulat ako ng halos wala ng tao sa buong cafeteria, may dalawang lalaki ang nakaupo di kalayuan sa table namin, tumatawa sila, wala na rin pati mga tindera sa counter
what the heck is going on?!
"you two! help me!" sigaw ko sa dalawang lalaki ngunit nginisian lang kami nito
"they're gone, pinaalis ko na lahat ng tao sa loob ng cafeteria. Wala kang kawala" malakas itong tumawa na para bang demonyo
oh my god, what is he trying to do to me?
"sino ka ba!" Sigaw ko sa mukha nito
"Oh. You dont remember? kahit pangalan ko lang, Kelseigh? you're so good at playing. Really huh?" humalakhak ito
i don't know what he's saying. he's insane
"sabagay, sa dami ng pinaglaruan mo how can you remember? I'm one of your boytoy, Kesleigh. Remember me, Baby. Its just been a year, I changed a lot, you still don't want me? mayaman ako, Kesleigh! mayaman na'ko! Gwapo! Hindi na ako ang dating Ethan! Ethan na Nerd! Ethan na lampa! Ethan na wala lang!" bakas ang poot sa mga mata nito
fuck, this can't be.
"I-ikaw?" I stuttered when I finally realized who is he
ngumisi ito, nakakatakot na ngisi "yes, baby. You remember me now?" tinulak ako nito, dahilan ng pagkakatumba ko
"aaahh!" ungol ko ng matumba
"you're still the old Kesleigh" tumawa ito "wala kang pinagbago, you still love breaking men's heart huh. Slut!" sigaw nito sakin, nagsquat pa ito para pumantay ang paningin namin
sinampal ko ito ngunit tawa lang ang sukli nito at matalim na titig
"look, You're not Ethan I know. Why are you doing this? wala akong ginawa sayo!" i exclaimed
"you made me like this. And what? wala kang ginawa saakin? oh you want me tell all the bullshi--"
biglang tumilapon si Ethan
and then I saw Kian running towards me
"hey, hey, are you okay?" he asked on very concerned tone and checking every part of me
I hugged him