Chapter 2

1603 Words
Chapter 2 "SARAP SAPATUSIN ng lalaking 'yon! Naku kung hindi lang talaga ako nagtitimpi kanina, napatay ko na ng wala sa oras ang Nidong gatas na 'yon!" Ang kapal ng mukhang halikan ako. Porket niligtas niya ako ng gabing 'yon. Saka nabayaran ko naman na siya ah? Bakit pa siya nanakaw ulit ng halik. Nakakarami na talaga ang lalaking 'yon. Kasing banto't ng pangalan nito ang ugali. Umirap ako sa hangin saka napatingin kay Georgia na takang-taka. Salubong ang mga kilay nito habang nakanganga ng kaunti't nakatitig sa akin. "Friend?" "Wala, huwag mo na lang akong pansinin." Tumaas ang isa kilay nito. "Sure ka? May narinig kasi akong kakaiba. Nido ba? Nido ba ang narinig ko?" "Sa tingin mo?" Nagningning ang mga mata nito nang matukoy kung ano ang ibig kong sabihin. Nagtitili itong lumapit sa akin mabuti na lamang at narito kami sa bench kung kaya't malaya siyang sumigaw. Ngunit hindi maiwasan na mapatingin sa kaniya ang ilang estudyante dahil sa malakas na tili nito. "O to the M to the G! Girl! Nilapitan ka ng isa sa mga gatas boys?! Hindi lang iyon ang panganay pang si Nido Monteneille!" Hindi ako kumibo kundi umismid na lamang. Iniisip ko ang pangyayaring nangyari kanina. Kahit hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa pakiramdam ko ang malambot na labi nitong dumampi sa aking mga labi kanina. s**t! Pinagnanasaan ko na ba ang baddest bidder na iyon? Umiling-iling ako saka tarantang inalis ang mga isipin na iyon sa aking isipan. Hindi ko na pinapansin pa si Georgia sa mga sinasabi nito. Mas focus ako sa lalaking nagngangalang Nido. Seriously? Nido? Saka hindi ba't lasang gatas ang mga labi nito? Lasang Nido? "Grrr!" Bigla akong napatayo saka sinabunutan ang aking sarili. Anong nangyayari sa akin? Pinagnanasaan este iniisip ko ba talaga ang walang hiyang lalaking 'yon? Dahil sa halik lang niyang 'yon? "Huwag ka nang basta-bastang tatayo diyan, Haona! Kita mong nagkwekwento ako rito. Ang ganda-ganda pa naman ng pagsasalita ko rito, pero bigla ka na lamang diyan mag-re-react? Ano? May gusto ka sa panganay ng Gatas boys na iyon no?" Tinapunan ko ito ng pamatay na tingin. "Tumahimik ka na nga Georgia! Imbes na tulungan mo ako, mas lalo mo pa akong pinapalapit sa kasamaan!" Nanlalaki ang mga mata nito saka gulat na gulat akong tinuro. "Sinasabi mo bang kasamaan ang dala ni N-nido?" "Oo, kaya't tumahimik ka na diyan! Kayo na lang na dalawa." "Sorry but not sorry, I have my boyfriend na. Haha! Ikaw nalang ang napang-iwanan, girl. Kaya grab the opportunity na." Inirapan ko ito. Ngaling-ngali na ako na sakalin ito kanina pa. Ako ba naman i-reto sa Nidong gatas na 'yon. Pero hindi ko masisisi, masarap talaga itong humalik lalo pa't lasang Nido ang mga labi nito. Omg! Ano nang nangyayari sa akin? "SUMBAY KA nalang kaya sa akin?" Kasalukuyan kaming naglalakad ni Georgia papalabas ng gate ng Nestle University. Agad akong umiling sa offer nito. "Huwag na, Geor. May dadaanan pa kasi ako eh, alam mo na. May iniutos sa akin si Tiya Rosing. Hindi ko iyon pwedeng hindi sundin, baka bukas ang dami ko nang pasa sa mukha." Natawa ito saka inis akong tinapunan ng tingin. "Ayaw mo naman kasing umalis sa poder ng tiya mo. Pwede ka naman kasi doon sa bahay namin tumira, ikaw naman ang ayaw. May sayad ka talaga." "Alam mo namang may malaki akong utang na loob sa tao, Geor. Kaya sana naiintindihan mo ako." Pagod kong paliwanag rito. Rinig na rinig ko ang malalim na pagbuntong hininga nito dahil sa aking sinabi. "Ay, ewan ko sa'yo. Basta kung kailangan mo ng tulong dito lang ako. Huwag kang mahihiyang mag-sabi sa akin," nakangiti na nitong sambit. Humalik na siya sa aking pisngi at tuluyan nang pumunta sa kotseng sundo nito. "Bye, Haona! Ingat ka ah!" Tumalikod naman na ako at tuluyan nang pumara ng kotse papuntang mini store sa hindi kalayuan. Kailangan ko pang bilhin ang mga kagamitang pinabibili sa akin ni Tiya Rosing. "This is life!" sigaw ko habang naglalakad dala-dala ang mga pinamili kong pagkain para sa bahay. Kung bakit ba naman kasi sa dinami-raming utusan ni Tiya ako pa ang napili niya. Paborito talaga ako nong utusan. Palibhasa gusto akong pahirapan. Nangangalay na aking mga braso dahil sa malaking tatlong plastic bag na aking dala. Mabibigat pa ang mga laman no'n. Parang sa kahit na anong oras pakiramdam mo papanawan na ako ng lakas. "Miss beautiful." "Ay gatas na Nido!" Bigla kong tili nang may biglang humawak na lamang sa aking balikat. Pakiramdam ko tumakbo ako ng ilang kilometro dahil sa lakas ng t***k ng aking puso. Kinabahan ako bigla. Ganoon na lamang umusok ang ilong ko pagkakita sa nakangiting mukha ng Nidong gatas. "Gusto mo ba akong patayin?! Pagkatapos mo akong halikan ng dalawang beses na walang paalam?! At teka, anong ginagawa mo rito?! Sinusundan mo ba ako?! May binabalak kang masama sa akin?! Naku, huwag ako Nido! Ibebenta talaga kita kasama ang mga lahi mo!" Binitawan ko na ang aking mga dala saka pinakatitigan siya at dinuro-duro ng aking hintuturo. Naha highblood talaga ako. Paano kung natuluyan ako sa gulat na iyon? Paano na lamang ang pangarap ko? Gusto ko pang makapag-asawa ng gwapong lalaking mahal na mahal ako. Tumawa ito ng pagak. "Ang dami naman ng tanong mo, Miss beautiful. Isa-isahin mo naman." Titig na titig lang ito sa akin pagkatapos ng mahaba kong speech sa kaniyang harapan. Ngising-ngisi ito habang nakikitaan ko ng pagka-amused ang kaniyang mga mata. Ipinilig ko ang aking ulo, at baka namamali lang ako ng pagbasa. "Ano?! Sumagot ka! Ayy, bahala ka na nga diyan!" Hindi ko na lamang siya pinansin. Muli kong pinulot ang mga pinamili ko saka nagpatuloy na sa aking paglalakad. Bakit ba kasi ang layo pa ng sakayan ng tricycle rito? Nakakapagod na. Hinabol ako nito na siyang dahilan para makaramdam ako ng ilang. Bakit ako niya 'ko sinundan? "Miss beautiful, mukhang napag-utusan ka yata?" biglang salita niya. "Pakialam mo ba?" Balik sagot ko sa kaniya. Tumawa na naman siya. Seriously? May nakakatawa ba sa sinasabi ko? Baliw na Nido! Ganoon na lamang ang pintig ng puso ko nang bigla niyang hawakan ang braso ko. Napatigil ako't nawalan ng hininga nang unti-unti niyang kunin sa akin ang mga dala kong plastic bag na malalaki. Napalunok ako ng laway nang mas lalong bumakat ang matipuno niyang katawan sa suot na puting t-shirt. s**t! Kita ko kung paano umangat ang mga labi niya para mauwi sa ngisi. Mukha namang nagising ang diwa ko at bumalik na sa realidad. "A-akin na iyan, anong ginagawa mo?" "Ihahatid kita. Mukha kasing hindi ka na makakaabot ng buhay sa inyo, kapag hahayaan kitang dalhin 'tong mga 'to. Saan ka ba nakatira?" Sinserong sagot nito. Bigla na lamang uminit ang pisngi ko dahil sa hiya. "H-huwag na. Kaya ko pa naman. Amina na 'yan," sa halip na sagot ko. Pilit kong inaagaw sa kaniya ang mga plastic bag pero pilit naman niyang nilalayo sa akin. "Isipin mo na lang na ito ang kapalit ng walang paalam na panghahalik ko sa'yo kanina. Para quits na tayo, okay na ba iyon?" sabi nito sabay kindat sa akin. Pakiramdam ko tumigil ang aking mga dugo sa bandang pisngi ko. Buti na lamang at medyo madilim na rin. Hindi niya makikita kung paano pumula ang pisngi ko dahil sa sinabi nito. Bakit yata ganito siya sa akin? Sadyang mali lang ba ang pagkakakilala ko sa isang Nido Monteneille na baddest bidder? "Pero—" "No buts, Miss beautiful. Isipin mo na lamang sa mga oras na itong nangangailangan ka ng tulong. At bigla na lamang dumating ang tagapagligtas mo. Ang gatas ng buhay mo, si Nido Monteneille." Napangiwi ako dahil sa sinabi nito. Oh, sadyang nagkakamali lang ako? Baka gusto lang rin niyang mapabilang ako sa mga babaeng naloko na niya para ibenta sa bidding. "Sabi ko nga hindi ka matatawa," biglang bawi niya nang makita niya akong hindi natuwa sa sinabi niya. Inirapan ko siya. "Maglakad ka na nga lang. Ang dami mo pang sinasabi diyan." "Haha. Okay, miss beautiful. As you wish is my command." Nag-bow pa ito sa aking harapan na siyang ikina-iwas ko ng tingin sa kaniya nang mag-angat na siya ng tingin sa akin. "Salamat nga pala," bigla ko na lamang nai-usal. Dahilan upang mapalingon siya sa akin at mapahinto ng saglit. Seryoso na siya. Wala na akong mababakas na biro sa mukha niya "Mamaya ka na magpasalamat kapag naihatid na talaga kita sa inyo." "No, its not that. About six months and a half ago." Ayon na naman ang ngiti niyang nakakaloko. Malamang at sa malamang iba na naman ang iniisip niya kesa sa iniisip ko. Hindi na talaga mababahiran ng katinuan ang isip niyang puro kalokohan. "Oh, about that. Your welcome, alam ko namang masarap ako humalik. Sabihin mo lang kung gusto mo ulit sundan ang kanina. Para maka-three session na tayo, ano miss beautiful? Gagawin na ba natin ang third try? Right here, right now?" Hindi na yata ma-ipenta ng magaling na pintor ang mukha ko sa mga oras na iyon. Ang huli ko na lamang yatang natatandaan ay napuno niya ng malakas na halakhak ang buong kalsada. Halos lahat na ng mga tao at mga sasakyan ay kulang na lamang tumigil para lang makinig sa halakhak niya. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya ng malalim sa mga oras ding iyon. Hindi nga nagkakamali ang mga kababaihan sa campus. Gwapo nga ang panganay ng Gatas boys. Ang Monteneille boys na si Nido Monteneille. At hindi ko inaasahan na ang gabi palang iyon ang maging dahilan ng paglalapit namin sa isa't isa. ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD