Chapter 1

1828 Words
1 "BATA! MATANDA! Ulyanin na nga mga palamunin pa! Magsilayas na nga kayo rito sa pamamahay ko at nakakaimbyerna na kayong lahat!" Umirap ako sa hangin nang marinig na naman ang sigaw ni Tiya Rosing sa labas ng aking silid. Ang aga-aga pero mainit agad ang ulo nito. "Hoana! Gumising ka na diyan! Aba'y ang kapal naman ng mukha mo! Porke pinapalamon kita't pinapatuloy rito sa pamamahay ko, matutulog ka na lamang riyan at magpapakatamad?!" Agad akong bumangon nang marinig ko ang boses nito na papalapit sa aking silid. Ito na naman tayo sa palaging eksena na sawang-sawa na akong masaksihan. "Ito na tiya! Babangon na po! Saglit lang!" sigaw na tugon ko rito. "Aba'y bilisan mo riyan at hinihintay na ng mga pinsan mo ang almusal na lulutuin mo! Kanina pa sila naunang nagising sa `yo, at baka ikaw pa ang dahilan kapag huli silang pumasok sa klase! Tamad ka na nga, bulilyaso ka pang bata ka! Bilisan mo riyan at kami'y nagugutom na!" Huminga ako nang malalim at pailing-iling na tinungo ang maliit na banyong kasya lamang para sa isang tao. Seryoso? Banyo pa ba ito o kulungan ng aso? Kung hindi sana namatay sina mama at papa. Hindi ko mararanasan ang pang-aaping ito sa akin ni Tiya Rosing at ng asawa nito't mga anak. Kung wala lang sana akong malaking utang na loob sa kanilang lahat matagal ko na sana silang nilayasan. Pero hindi ko magawa. Lalo pa't nangako ako kina Mama at Papa na kahit anong mangyari mananatili ako sa tabi nila Tiya Rosing. Minsan kasi nakakasakal na rin ang pang-aaping ginagawa nila sa akin. Hindi na makatarungan. Pero wala akong magagawa, tiya ko pa rin siya. Pinsan ko ang mga anak niya at tiyo ko ang asawa niya. Kunting tiis na lang din at makakatapos na rin ako sa aking pag-aaral. Kapag mangyari iyon, aalis na ako sa impyernong bahay na `to at magsasarili na lamang ng bahay. Mas maganda, magara at malaki pa sa bahay na ito ni Tiyang Rosing. Kung hindi lang sana inagaw nito ang lahat ng mga ari-arian ni Papa kundi sana ako na ang nagtatamasa. Pero dahil sa ganid at kasakimang taglay ni Tiya Rosing hindi na ito napigilan. Napunta ang mga kayamanan namin sa kanila. Bumihis na ako at mabilis na lumilis papuntang kusina. Agad kong itinali ang aking buhok pataas at nagsimula nang mag-gisa ng sibuyas. Napatingin ako sa orasan na nasa bandang itaas ng pader ng mansyon. Mayroon pa akong isang oras para magawa ang lahat ng dapat kong gawin. Halos magkandarapa ako sa aking pagluluto kung paano ko sasabayin ang lahat. This is so nice day. Napakagandang bungad sa umaga. Halos hindi ako magkahumayaw kung ano ang uunahin kong isunod pero on the process naman. "Ano? Ona? Luto na ba?!" Naghahain na ako ng pagkain sa plato nang maisipan ni Tiya na puntahan na ako sa kusina. Nagningning ang mga mata nito pagkakita sa pagkaing inihahain ko. Pagdating talaga sa pagkain ang usapan walang inaatrasan ang matanda. "Oo, tiyang. Kain na po kayo. Pagkatapos niyo pong kumain lahat pakiiwan nalang po ng mga plato sa lababo. Mamaya ko po huhugasan pagkauwi," banayad kong tugon dito na siyang ikinataas ng kilay nito. "Bakit? Saan ka pupunta?" Biglang lumikot ang aking mga mata. I should have an aliby para makatakas sa matandang 'to. I let out a deep sigh. "Kailangan ko na pong umalis, Tiya. May gagawin pa po ako sa school. Alam mo naman pong scholar ako roon 'di ba?" Wala na itong nagawa pa kundi ang tumango na lamang at tinawag na ang mga anak nito at asawa. "Margaret! Lenda! George! Halina kayo, at luto na itong almusal!" Halos mag-uunahan sila sa apat na upuang nasa mesa at pinag-agawan ang pagkaing nakahain doon. Iiling-iling ako habang papalabas na ng mansyon. So? Where I want to go to? Ang suot-suot ko ay isang simpleng t-shirt lamang at kupas-kupas na maong. Itinali ko ang aking buhok paitaas. Dala-dala ang pang-manang kong bag na ibinigay pa sa akin ni Tiya Rosing. Kaunting bahid ng pulbos sa aking mukha at hindi na ako nag-aksaya pa ng pag-m-make up. Wala namang dapat na ikaganda. Napahinga ako ng malalim saka nagsimula nang maglakad papunta sa paaralan. Ang paaralang pinangalanang Nestle University. Ang weird pero totoo. Napahawak ako sa aking tiyan nang bigla itong tumunog dahil sa gutom. Now, anong kakainin ko? NAPATINGIN AKO sa aking pitaka. Nanlulumo ako pagkakita sa laman niyon. Singkwenta pesos. Kulang na kulang para sa pambiling almusal at tanghalian. Magco-commute pa ako mamaya pauwi dahil kailangan kong mas mauna kina tiya sa bahay para magluto ng hapunan. Naririto ako ngayon sa isang bakanteng bench na nasa ilalim ng isang malaking puno ng manga. Nagtitingin sa mga estudyanteng dumaraan sa aking kinaroronan. Masarap dito sumabay lalo na't presko sa pakiramdam ang hangin na dumadampi sa aking pisngi. Napansin ko si Georgia na papunta sa aking pwesto habang may malaking ngiti sa labi. "Friend! Tara kain na tayo ng almusal. Kanina ka pa ba rito?" Umangat ang aking paningin nang marinig ko ang boses ni Georgia. Ngumiti ako ng mapait. "Ikaw na muna ang mag-almusal, Geor. Mukhang kukulangin pera ko, eh. Alam mo naman ang mga taong kasama ko sa bahay," mapait kong tugon dito. Kitang-kita ko ang pag-aalala nito sa mga mata. "Matagal ko nang sinabi sa `yo na umalis ka na sa poder nila. Pero ayaw mo, kita mo ngayon ikaw ang nahihirapan. Ang tigas rin kasi ng ulo mo." "Geor, alam mo naman na malaki ang utang na loob ko sa kanila. Kaya't hindi ko kaya silang iwan." Tinitigan ako nitong hindi makapaniwala. "Ewan ko sa `yo. Ikaw naman ang may gusto niyan. Hali ka na nga. Libre nalang kita ngayon. At huwag na huwag mo 'kong tatanggihan." Wala na akong nagawa pa nang hilahin na ako nito papuntang canteen. Ito na naman tayo. "Geor, ang dami naman yata ng binili mong pagkain. Hindi naman natin mauubos na dalawa iyan?" Printe na akong nakaupo sa isang bakanteng mesa rito sa canteen sa bandang sulok na malayo sa ilang estudyanteng kumakain rin, habang pinapanood si Georgia na papalapit sa aking pwesto. Dala-dala nito ang sandamakmak na pagkain. Natigagal ako nang makita ang daming pagkain niyang ini-order. Isang plato ng spaghetti, dalawang burger, dalawang french fries, at dalawang leche plan. With a two bottle of Mogu-mogu pa. Palibhasa kasi nag-iisang anak lang nila tito Marga at tito Obet. Mga matalik ding kaibigan nila mama at papa. Iyon rin ang isa sa dahilan kung bakit kami naging magkaibigan at close ni Georgia. "Kainin mo na iyan at ubusin. Bago pa dumating ang mga gatas boys rito sa loob. Hindi na naman tayo makakakain ng mabuti niyan," seryosong saad nito. Kumunot ang aking mga noo. "Gatas boys? Anong mga gatas boys? Nagtitinda ng mga gatas ganoon?" "Nope. They are a group of boys. Ay mali, magkakapatid silang mga lalaki, nag-gwagwapuhan at makalaglag panga ang dating pero mga gatas ang pangalan." Hindi pa rin kayang mag-process sa aking isipan ang sinabi sa akin ni Georgia. Well, hindi ko na iyon problema. Wala akong pakialam sa mga gatas boys na sinasabi nila. "Whatever. Kain na nga tayo," naging tugon ko na lamang dito. "EXCUSE ME! Wait! Miss! Wait for me!" Rinig na rinig ko ang maganda na boses ng isang lalaki sa aking likuran. Hindi ko naman pinapansin ang pagtawag nito dahil hindi naman ako ang tinatawag mukhang iba naman. Kung kaya't hindi na ako lumingon pa. Baka mamaya lumingon ako tawagin pa akong assuming. Diretso na lamang ako sa aking paglalakad sa hallway. Kailangan ko pang makahabol sa bahay ngayong gabi. Isang oras na lamang at nandoon na si tiyang sa bahay. Kailangan ko siyang maunahan. "Wait! Miss! A lady in black t-shirt with a basket bag!" Napapreno na lamang bigla ang aking mga paa nang marealize ko na ako ang tinatawag ng lalaki sa aming likuran. Napatingin ako sa aking suot na t-shirt at kulay itim nga ito. Maging sa aking bag na dalang pang-manang. Lumingon ako rito. Luminga-linga pa ako sa paligid at hinanap ang lalaking tumawag sa akin sa mga estudyanteng naglalakad din pauwi sa aking likuran. Tinuro ko ang aking sarili. "Ako?" "Yes. You," agaran na sagot nito. Ngumisi ito ng pilyo at pakiramdam ko nalaglag ang panga ko dahil sa ang gwapo ngayon ang nasa harapan ko. Gwapong lalaki. Ang tangos ng ilong, ang ganda ng mga labi na mapupula at ang mga pilik matang parang inilaan lang para rito. Tumikhim ako saka seryoso ko itong tinapunan ng tingin. "What do you want from me, Mister?" Tumawa ito ng pagak nang marinig ang aking sinabi. "Mister? Haha. So hindi mo pa pala ako kilala." "Excuse me? Do I know you?" takang-taka kong tanong dito. Mukhang may pagka-presko pala ang dating ng isang 'to. No wonder, maybe dahil sa kagwapuhan na taglay nito kaya ganito ito. "Then confirm. Hindi mo nga ako kilala. Hindi mo ba ako natatandaan, Miss?" Mas lalong kumunot ang aking noo dahil sa naging sagot at tanong nito. Natatandaan? Siya? "No." Humakbang ito papalapit sa akin. Hinawakan nito ng mahigpit ang aking dalawang braso sa magkabilaan kong gilid. Nanlalaki ang aking mga mata dahil sa ginawa niyang iyon. What the hell! Tsantsing! "Kung ganoon. I have to do something para matandaan mo ang lahat at maging ako." Kunot na kunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. "What do you mean by that?" "This baby," husky nitong bulong sabay angkin sa aking mga labing nakaawang. What. The. Hell. Nanlalaki ang aking mga mata nang maramdaman ko ang mga labi nito na nakapatong sa mga labi ko. Sa dala ng gulat hindi agad ako nakakilos at parang natuod lamang sa aking kinatatayuan. Ramdam na ramdam ko ang lambot ng mga labi niya. Lasang parang...lasang gatas ang mga labi nito. Matamis na masarap. Lasang...lasang Nido? Biglaan ko siyang tinulak at sinampal. "What the hell!" Sigaw nito na gulat na gulat. "Gago! Anong ginagawa mong hayop ka?! Bakit ka nanghahalik?!" Ngumisi ito na para bang hindi makapaniwala. "I am disappointed to you, Miss beautiful. It hurts me that you didn't remember me." Mas lalong kumunot ang aking mga noo. "I am the guy, in that night. Saved you from your bastard ex-boyfriend, miss beautiful. Its been six month and a half. Kaya't hindi na ako nagtataka kung bakit ganoon mo na lamang iyon nakalimutan, pati ang halik ko sa'yo. By the way, I am Nido Monteneille. And nice meeting you again. I am the baddest bidder who kiss you in that night under the moonlight." Nanlalaki ang aking mga mata nang bigla na lamang may mga eksenang pumasok sa aking isipan. "What the..." "And for the second time, you have again the baddest bidder's kiss." Natatawa nitong sabi sabay kindat sa akin. Nido Monteneille. The Baddest Bidder. And he kiss me. That is the baddest bidder's kiss, na usap-usapan rito sa campus namin at nabiktima ako nito! Oh God! Makakapatay ako ng gwapong nilalang ngayon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD