Chapter 10

2014 Words
TRICE Ilang araw na akong nanghihina at hindi maganda ang pakiramdam ko, simula ng nangyaring parusa niya sa akin nong nakaraang lingo. Simula noon ay hindi na maganda ang pakiramdam ko, pero kaya ko pa naman alagaan si baby, ang hindi ko lang kaya ay ang makipag talik ulit kay Lorenzo, hanggang ngayon parang nanlalamig pa rin ako, parang naroon pa rin ang ice na pinasok niya sa akin, kong alam ko lang na ganito ang magiging epekto nito ay sana mas pinili ko na lang ang latigo, at least ang sugat ay nasa labas, pwedeng pahiran ng gamot. Simula din ng araw na iyon ay hindi na rin akong hinahayaang maka labas ni Lorenzo, dinadala lang niya lahat ng kailangan namin ni baby, gustuhin ko man lumabas pero naka lock lagi ang pinto. bubuksan lang niya ito kong gusto niya akong gamitin, pero dahil may sakit ako ay hinahayaan niya mona ako. Mabuti na lang at mabait na bata itong si Adam, iiyak lang siya pag nagugutom or may masakit sa kanya. Kasalukuyan akong nanginginig ngayon, nilalagnat ata ako, kailangan kong maka inom ng gamot, hindi ako pwedeng magkasakit dahil sa kalagayan ko ngayon at alam kong walang tutulong sa akin, na miss ko tuloy si mommy, ang boung akala niya ay nasa states ako at nag aaral. marahil karma ko ito sa lahat ng kasinungalingan ko. Kumain mona ako ng kaunti para malagyan ng laman ang sikmura ko bago ako iinom ng paracetamol.Kaka tulog lang ni baby Adam kaya sakto makakapag pahinga narin ako matapos maka inom. Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang gamot kaya nahulog ito, kasabay noon ay siyang pag bukas ng pinto at niluwa nito si Aleng Lorna " Hija magpahinga kana " mabilis siyang lumapit sa akin para matulungan akong pulutin ang gamot at saka inabot sa akin " Salamat Po " " hindi kita maintindihan bakit nagtitiis ka dito at kong bakit nagtitiis ka kay boss Enzo " naiiling nitong sabi sa akin, mabait naman itong si Aleng lorna pero, pera lang ang katapat ng lahat ng bagay, hindi daw sila mabubuhay ng mga anak niya kapag pinairal ang awa, wala na siyang asawa at mag isa lang niya binubuhay ang pitong anak , ang pinaka panganay ay dalagita at pinaka bunso ay dalawang taon, hindi pa naman siya ganon ka tanda ,kaya pa nitong mag buntis nong nabubuhay pa ang asawa. Nakilala daw nito si Lorenzo ng minsang nadaanan niya ang mga anak nito sa kalsada na parang basang sisiw dahil pinalayas sila sa bahay na tinitirhan nila kaya mula noon kinupkop daw sila ni lorenzo at dinala nga dito. May sarili silang inupahang bahay na malapit lang dito kaya hindi ko daw sila napapansin noon. " Gusto ko na pong umalis, pero hindi ko pwedeng iwanan dito si baby matutulungan niyo po ba ako? " bulong ko sa kanya " Naku pasensya kana hindi ko maaring traydorin si boss, pasensya kana " sabi nito, tatalikuran na sana niya ako pero hinila ko siya ulit. " Pangako po bibigyan kayo ng pabuya ng mga magulang ni baby mayaman po sila, ganito na lang po, ibigay niyo na lang sa akin ang susi at ako na ang bahala para hindi kayo paghinalaan ni Lorenzo " napa isip siya sa sinabi ko " mayaman ba? pero sigurado ka hindi niya kami ipapakulong? " yes, mukhang kumagat siya sa sinabi ko " pangako po kaya sige na please? " i duplicate nyo na lang po ako ng mga susi para hindi halata, ito po ang pera sige na baka mahalata tayo ni lorenzo " kinuha naman nito ang tatlong libong binigay ko at tumango lang ito saka lumabas. Bahala na buo na ang desisyon ko, kailangan kong maka alis dito at isasama ko si baby. Na alimpungatan ako sa kalaliman ng gabi ng may naririnig akong halinghing ng babae, kaya bumangon ako at hinanap kong saan nanggagaling ito, parang sa kwarto ni Lorenzo, tiningnan ko mona ang oras sa aking relo at alas dos na ng madaling araw, medyo maayos na rin ang pakiramdam ko at malaking tulong ang gamot na ininom ko kanina. Lumapit ako sa pinto at sinubukang buksan ito, hindi ito naka lock, siguro si Aling Lorna ang nag bukas nito, kaya pinihit ko ang siradora ng pinto at tumingin mona sa paligid, natutulog ang mga tauhan niya ang aking nakita pag labas ko, lumapit ako sa pintuan ng kwarto ni lorenzo dahil malakas ang kutob ko na may babae sa loob, dahan dahan kong binuksan ang pintuan nito dahil hindi rin naman ito naka lock, na wewerduhan man ako kong bakit parang umaayon sa akin ang lahat ay hindi kona ito pinansin dahil gusto kong makita mismo ng mga mata ko. Pag bukas ko palang ng pintuan niya ay lalung lumakas ang ungol kaya alam kong may babae nga siya " Oh, Enzo you're so good " sabi na nga ba, gustuhin ko man sila sugurin ay hindi ko na lang itinuloy, ito narin ang pagkakataon ko para tumakas kami ni baby. Nagkasakit lang ako ay naghanap na siya ng babae na nagpapainit ng gabi niya, akala ko ay sapat na ako sa kanya, nangako siya sa akin na ako lang ang magiging babae nito kaya ako pumayag na tulungan siyang alagaan ang anak ni Nicole. Ang tanga-tanga ko talaga, siguro tama na ang katangahan ko at kabaliwan sa kanya. Dahan dahan akong lumabas at pumasok ulit sa kwarto namin ni baby. nag bihis ako at binalot ko si baby sa kumot, kinuha ko ang mahalagang bagay na kailangan namin at pati narin ang bag ko, naroon ang passport at pera ko. " Please lord guide us " pag bukas ko ng pinto ay si Aleng lorna ang nabungaran ko, tinakpan niya agad ang aking bibig para hindi maka likha ng ingay. " sshh wag kang maingay, heto ang susi, tulog na silang lahat kaya umalis na kayo " bulong nito, " Salamat po Aleng Lorna, pangako po babalikan ko kayo " sabi ko " Oh, siya sige na " dahan dahan akong bumaba upang marating ang gate, hawak hawak ko si baby, gumagalaw na ito kaya alam kong gising na siya, " Shh baby wag kang maingay " akala mo naman ay maiintindihan ako ng sanggol na ito, hinanap ko ang pacifier niya para sana hindi siya iiyak agad pag naka ramdam ng gutom , kaya nilapag ko mona siya sa mesa para hanapin sa bag ko ang bagay na iyon, ngunit dahil sa aking pagmamadali ay nasipa ko ang upuan kaya nag likha ito ng ingay " Hoy ano yan ha, saan ka pupunta " nilapitan agad ako nito at pilit na inaagaw sa akin si baby, " kuya please hayaan mona po kami, baka magising si lorenzo please kuya " pakiusap ko " hindi pwede miss kami ang malalagot kay boss kaya akin na yan " hindi niya rin nilalakasan ang boses niya dahil ayaw din niyang magising si lorenzo at sigurado bugbog ang abutin nila " Sige na kuya__ " Hindi nga pwede " dahil mas malakas siya kaya naagaw niya sa akin si Adam, at bigla itong nag iiyak " Ano yan ha? Trice bumalik ka dito " sigaw niya ni Lorenzo, aagawain ko pa sana si baby pero dahil sa takot ko ay hindi kona nagawa at nagmamadali na akong lumabas " Mga wala kayong silbi habulin niyo siya " dinig kong sigaw ni Lorenzo, tanging sarili ko lamang ang aking dala at pati ang bag na may importanteng bagay ay naiwan ko, iyak ako ng iyak habang mabilis ang aking takbo, medyo looban ang lugar na ito kaya nahirapan ako kong saan ako lulusot. Nakaka rinig ako ng mga paang papalapit sa akin kaya nagtago agad ako sa ilalim ng tulay na puno ng basura at ibat-ibang klase ng insekto. Takot man ako sa mga daga at ipis na dumapo sa aking katawan ay pilit ko pa rin itong nilalabanan, dahil mas nakakatakot ang mahuli ako. Ilang minuto din akong naroon hanggang sa maka balik ang mga tauhan niya ay saka na lamang ako lumabas. ang baho baho kona at ang dumi dumi kopa. pero wala akong paki alam dahil ang importante maka takas ako, kaya tumakbo pa ako hanggang sa marating ko ang kalsada , saktong may dadaan na taxi kaya pinara ko agad ito at sumakay " saan tayo miss " tanong nito alam kong nababauhan siya sa akin dahil naka takip siya ng ilong " sa mansyon ng mga Mendez po sa Alabang hills " yon lamang ang aking sinabi at saka ko pinikit ang aking mga mata. ngunit nagising ako sa ingay sa aking paligid kaya nang buksan ko ang aking mga mata ay nanlumo ako sa aking nakita, dahil wasak ang harap ng taxi at patay na ang driver nito, medyo naka ramdam ako ng hilo kaya kinapa ko ang aking ulo at may dugo nga ito, at doon ako tuluyang nawalan ng malay. Nagising ako at puting dinding at ceiling pan ang aking nakita, masakit ang katawan at ulo ko, pero pinilit ko parin bumangon, sakto namang pasok ng nurse " Miss magpahinga po mona kayo tawagin ko lang po si doc " kaya napilitan akong humiga ulit at inalala ang lahat, pero bakit parang wala akong maalala? " Kumusta na ang pakiramdam mo ? " tanong ng doctor na kakapasok pa lamang " Doc maayos naman po bukod sa masakit ang ulo ko " " Naalala moba kong bakit ka napunta dito? " tanong nito, kaya nag isip mona ako pero wala akong makuhang sagot at tanging gusto ko ng umuwi ang naalala ko " hindi ko po alam doc basta po galing akong school tapos pauwi na sana " sagot ko " naalala moba ang pangalan mo at kong saan ka naka tira at mga magulang mo? " Ang weird ni doc " Doc tawagan ko po ang mama ko, na'san po ang mga gamit ko? " " Miss wala kang gamit at pagkaka kilanlan nang tinakbo ka dito tatlong araw na ang nakakaraan " nabigla naman ako sa sinabi ni doc " Ho? tatlong araw na akong tulog dito? " nanlalaking tanong ko " Oo miss__?" " Beatrice po ang name ko " " Okay miss Beatrice may papipirmahan kami sayo na waiver, at since alam mo naman kong saan ka nakatira kaya pwede kana mag check out " sabi ni doc " Sige po salamat " isip talaga ako ng isip kong paano ako naaksidente pero wala talaga, ang alam ko galing ako kay lorenzo non tapos ayaw niya akong papasukin dahil galit siya kaya umuwi na lang ako and then? " Ahh sakit ng ulo ko " nag-stay pa ako ng ilang oras sa hospital at ng matapos akong pumirma ay bingyan nila ako ng pera at damit na masusuot ko pero bago ako umalis ay tumawag mona ako kay Mommy para sana mag pa sundo pero hindi naman ito sumasagot kaya nag pasya na lang akong mag taxi na lang. On my way home ay nadaanan ko si Mr. Mendez sa labas ng building ng kompanya niya kaya nag pasya akong bumaba mona para tanongin sa kanya si Nicole " Manong dito na lang po " binigay ko ang bayad kaya lumapit ako kay Arturo, medyo nagkakagulo sila " Hello po Mr. Mendez may problema po ba? si Nicole? " lumingon siya sa akin at parang may taka sa kanyang mga mata " Trice? akala ko nasa China ka? " " China po? " " Si Angela nawawala, hindi ko pa nga nahahanap si baby Adam ay pati siya nawawala kaya hindi kona alam ang gagawin ko Trice" " Si baby Adam at Nicole? " bigla naman akong natumba kaya inalalayan agad ako ni Mr. Mendez " Ayos ka lang ba? " nakapa ko ang ulo ko sa sobrang sakit, saka unti unting pumasok sa akin ang eksena mula ng umalis ako hanggang sa nangyari tatlong araw na ang nakakaraan. " Alam ko po kong nasaan si Baby at baka nandon din si Nicole "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD