Chapter 11

1433 Words
TRICE Wala kaming sinayang na oras at sinamahan ko agad sila sa hide out kong saan naroon si Lorenzo, bahala na kong magalit siya sa akin. Hindi ko na kaya ang lahat ng kahayupan niya, sana ay hindi pa huli ang lahat. Habang nasa daan kami ay sinabi ko na ang lahat sa asawa ni Nicole, mula umpisa, kita ko ang pag kuyom ng kanyang mga palad at malakas na buntong hininga 'nya habang nag kukwento ako, siguro kong lalake lang ako ay malamang naka tikim na ako ng suntok mula sa kanya, Dahil may dala siyang mga tauhan kaya madali lang para sa amin ang maka pasok. Dali dali akong tumakbo sa taas at saktong saktong huling huli ko si Lorenzo sa kahayupan niya kay Nicole, hubot hubad sila pareho at tulala si Nicole, maya maya lang ay nasa likuran kona si Mr, Mendez para daluhan ang asawang tulala pa din, hinubad nito agad ang suot na jacket para matakpan ang hubad na katawan ng asawa nito, habang ako naman ay nilapitan ang noo'y naka ngisi na si Lorenzo " Hayop ka talaga Lorenzo napaka sama mo " pinag papalo ko siya, pero parang bali wala lang ito sa kanya, maya maya pa ay dumating ang mga pulis, pinag bihis mona nila ito bago pinusasan lumapit naman agad si Mr.Mendez kay Lorenzo at ginawaran ng suntok, pero naka ngisi lang siya , nagtalo pa nga silang dalawa, kong hindi lang siguro narito ang mga pulis ay baka mapapatay ni Mr. Mendez si Lorenzo, wala sa mukha nito ang pagsisisi. Nang madala lahat ng mga pulis ang mga kasabwat ni Lorenzo ay pati siya dinala na rin, sumama din ako dahil may mga kailangan din akong sagutin, Sinabi ko ang lahat sa mga pulis at inamin ko lahat kay Mr. Mendez, Alam kong galit siya sa akin pero nagpasalamat pa rin ito dahil sinabi ko pa rin sa kanya, Pero huli na ang lahat dahil wala na dito si baby Adam kaya galit na galit siya dahil hindi namin makita ang anak nila ni Nicole, ang baby na inalagaan ko, na pa mahal na rin 'sya sa akin, hindi rin namin ma pa amin si Lorenzo kong saan niya dinala ang bata. Dahil sa hindi ako kasama sa kinasuhan ni Mr. Mendez kaya abswelto ako, pero kailangan ko ring makulong ng isang araw. Hindi ko alam kong saang presinto dinala si lorenzo, Nag-stay ako ng 24 hours sa presinto at kinabukasan ay pinalabas na din nila ako, kinakabahan man ako pero wala na akong mapuntahan, alam kong alam na ng mga magulang ko kung nasaan ako, kaya alam ko rin na galit sila sa akin Kaya pinilit ko pa ring umuwi, anak naman nila ako at alam ko hindi ako matitiis ni mommy. " Manong sa tabi na lang po" bumaba ako at nagbayad, tahimik sa bahay, bakit kaya hindi nila ako sinundo? Alam naman nila na ngayon ako lalabas mula kulungan. " Mommy " " Mom nandito na po___ " Get out of here, i don't have a daughter anymore " nagulat lamang ako sa mga damit na tumilapon sa aking mukha, at mukha ni daddy ang aking nakita, galit na galit ito " Please Chen don't do this, she's still our daughter nag-iisa lang siya " pag - aawat na sabi ni mommy, kakapasok ko pa lang sa loob at wala pang isang metro ang layo ko sa pinto " Daddy, mommy patawarin 'nyo po ako " lumuhod ako sa aking mga mgulang habang humahagulgol sa pag iyak, " Hindi ko po sinasadya, nagmahal lang po ako at nagkataon sa maling lalake , please daddy " gumapang ako papunta kay daddy at nagmaka-awa na patawarin ako, halos halikan kona ang mga paa nito mapatawad lamang ako, " Dad, please " hindi kumikilos si daddy at nananatili lamang 'sya sa kinatatayuan, ramdam ko ang pigil nito ng kanyang galit wag lang ako nito mapagbuhatan ng kamay, hindi siya naka tingin sa akin, pero kita ko sa mga mata nito ang nagbabadyang luha, luha ng ama na tinitiis ang kanyang anak dahil naka gawa ng mali, " Chen Please patawarin mo na siya " nakikiusap ding sabi ni mommy " U-umalis K-kana " mahina at naka pikit nitong sabi sa akin,pinipilit 'nyang tanggalin ang mga kamay kong naka hawak sa kanyang mga paa " No daddy, please Daddy hindi na ako uulit daddy___" napagtagumpayan niyang maka alis, akala ko ay lalapitan ako nito para tulungan at sabihing ayos na ang lahat ,dahil halos tumilapon na ako malapit sa pinto pero lumapit lang pala siya para lalo akong itaboy pa labas " Daddy please daddy patawarin niyo na po ako " lalapit sana si mommy pero hinawakan agad nito ng kamay si mommy. tatayo na sana ako para makapasok muli sa loob pero hindi pa umaangat ang aking pwetan ay nagbitaw na agad siya ng mga salita na higit ikina durog lalu ng puso ko " From now on, we don't have a daughter anymore, because she's dead " hinila nito si mommy at malakas binagsak ang pinto, tumayo ako at pilit pa ring nakiusap, " Daddy, mommy please buksan 'nyo to " kinalampag ko nang kinalampag ang pinto hanggang sa mapagod na lang ako ay hindi pa rin ito nag bukas, lalu akong nanlumo at naawa sa aking sarili, Hindi ko masisi si daddy dahil wala nga naman kapatawaran ang aking nagawa, i betrayed them dahil mas pinili ko at pina iral ang puso kong bulag kong magmahal. Tiningnan ko ang mga damit kong nagkalat sa sahig, gustuhin ko man iwanan ito pero sa kalagayan ko ngayon ay minabuti kong pulutin para kahit papaano may masuot ako, wala akong mapag lagyan nito kaya wala na akong magawa kundi bitbitin na lamang, nasa ganoon akong sitwasyon ng magbukas ang pinto at niluwa nito si mommy kaya laking tuwa ko ngunit napansin ko ang hawak ng kanyang kamay, isa itong maliit na luggage kaya napag tanto kong hindi pa pala nila ako pinapatawad " Mommy " lumapit agad ang mommy ko sa akin at hinagkan kaagad ako nito, " Mom i'm sorry kong na disappoint ko kayo ni daddy " " Sssh tahan na hindi ako galit sa'yo dahil anak kita, naintindihan kita dahil nagmahal din ako noon ng maling lalake mabuti at nakita ako ng daddy mo at tinulungan maka ahon, kaya pasensya kana anak kong wala akong magawa , may sakit ang daddy mo kaya hindi ko siya pwedeng iwanan at suwain, narito lang ako para ibigay sayo ang mga natitira mong gamit, may pera na rin 'dyan at cellphone para may magamit ka para kontakin ako" " Mom, " umiiyak kong ani sa mommy ko " Wag kang mag-alala huhupa rin ang galit niya, pero sa ngayon mag tiis ka mona hmmpp, i love you anak, tinawagan ko na ang Tita Lucia mo at alam na niyang papunta ka " " Thank you mommy akala ko pati kayo galit po sa akin " kumalas siya ng pagkakayakap at tiningnan ang aking mukha at pinunasan ang aking mga luha " Nagalit ako syempre dahil mas pinili mo siya kaysa sa amin, pero anak kita at hindi kayang tiisin nang magulang ang anak at alam ko ganun din ang nararamdaman ng daddy mo kaya hintayin na natin na kusang mawawala ang galit niya, sa ngayon kailangan mo na nating magtiis na hindi magkasama, tatawagan kita okay, sige na hindi ako pwedeng magtagal,i love you anak tatandaan mo yan" umiiyak nitong sabi sa akin " I love you too mommy " tinalikuran na ako nito at hindi na nilingon pa, nilagay ko ang ibang damit sa luggage saka ako tumayo at tuluyang nilisan ang bahay namin. Sabi nga nila laging na sa huli ang pagsisisi, ngayon ko lamang napatunayan na totoo nga ito, dahil kong pwede ko lang ibalik ang nakaraan ay gagawin ko, totoong buhay na ito at hindi na pwede i-rewind at i delete ang scenes kong saan ako nagmakaawa noon kay Lorenzo na mahalin 'nya ako. Ngayon saan ako magsisimula? hindi ko alam kong saan ako dadalhin ng aking mga paa pero isa lang ang sigurado ako, simula sa araw na ito hahanapin ko ang aking sarili at papatunayan na kaya kong mabuhay na walang tulong ninuman. Hinawakan ko ang cellphone na binigay sa akin ni mommy " I'm sorry mom " at tuluyang iniwan sa basurahan ang hawak ko,nilingon kong muli ang bahay namin na may luha pa rin sa aking mga mata " Babalik po ako at sa pagbabalik ko sinisigurado ko na magiging proud na kayong muli sa akin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD