Chapter 12

1370 Words
TRICE / JULIA " Julia nariyan sa labas si Sir Julio, kaya pwede ka nang lumabas " sigaw sa akin ng manager namin. Actually, taga hugas lang ako dito sa bar kung saan ako nag tatrabaho. Ito lang ang alam kong trabaho sa gabi na medyo kumikita ako ng maayos, may mga tip kasi na nagbibigay sa akin, sapat na para makapag-aral ako sa umaga at may sideline din ako ng hair and make-up. " Sige po maam " nag punas ako ng kamay at nagtungo muna sa may dressing room para magpalit ng ibang uniform kung saan waitress naman ako. Ako na ang dakilang masipag, kumbaga sa simcard dual sim ako at openline naman kung cellphone. Nag make-up muna ako ng makapal para medyo hindi naman ako maputla pag nailawan. " Hi, po Sir. " " Trice, sinabi ko naman sayo wag mo ako tawaging Sir, Julio na lang just liked before, at hindi naman malayo ang edad natin, were schoolmates, right? " Siya si Julio ang schoolmate ko noon na medyo nerdy at ka team sa basketball noon ng lalaking minsan ko nang minahal. " Eh, Congressman naman hindi naman po pwede 'yon " opo isa na siyang kagalang- galang na Congressman sa distrito nila.Kapag nagagawi siya dito sa maynila ay hindi maaring hindi niya ako puntahan para mag kwentuhan at ligawan ako. Mabait naman siya at hindi ako binabastos gaya ng ibang lalaking gusto akong i-table pero ayaw ko dahil ang gusto lang nila ay ang aking katawan at wala ng iba, hindi katulad nitong si Julio na nirerespeto ako at hindi tinitingnan kong anung pinagdaanan at kung saan ako nag tatrabaho. " Trice isa pang tawag mo ng Congressman sa akin ay magtatampo na ako, mawawalan kana nang mabait ay guapong manliligaw" pagbibiro nito sa akin. " Okay, Julio alamo naman na ayaw ko nang mag mahal matapos yong trauma na binigay sa akin noon ni_ nevermind, kilala mo naman siguro kung sino? " " Julia malinis ang hangarin ko sa'yo " hinawakan nito ang aking kamay nasa VIP room kami,marami na siyang order kahit ako naman dapat ang mag-serve sa kanya. " Julia, I love you, alamo yan, at sinabi ko naman sa'yo noon pa kita mahal kahit hindi mo ako napapansin ". Ipinatong ko ang isa kong kamay sa kamay nitong naka hawak sa akin " Julio, alamo naman na hindi na ako malinis, tira- tira na lamang ni Lorenzo kaya marami pang babae diyan na karapat dapat sa pagmamahal mo, wag mong sayangin ang buhay mo sa akin, at isa pa pinangako ko noon na magtatapos ako ng pag-aaral para may mukha akong ihaharap sa mga magulang ko " nagpakawala siya ng malakas na buntong hininga bago muli tumitig sa aking mukha " Sinabi ko naman sa'yo na wala akong pakialam sa nakaraan mo, mahal kita at kahit ngayon din ay kaya kitang pakasalan, seryoso ako sayo Juls " sa totoo lang hindi mahirap mahalin si Julio pero parang sarado na ang puso ko, at wasak na wasak na dahil sa ginawa sa akin noon ni Lorenzo dalawang taon na ang nakakaraan. " Alam ko naman yon, pero hindi pa ako handa , wag kang mag-alala ikaw ang una kong lalapitan kapag handa na akong magmahal muli, sa ngayon lets be friends muna, ayos lang ba 'yon? " sabay ngiti ko sa kanya. " Hay, wala na akong magagawa, pero sana tanggapin mona ang inaalok kong trabaho sa'yo sa opisina nag aaral ka naman kaya tiyak ko kayang-kaya mo ang trabaho " " Ayos lang ako dito, madali lang naman ang trabaho ko, hugas lang ng pinggan at i-table ka, yon lang " naka ngiti kong ani pa sa kanya, siya lang kasi ang bukod tanging napapayag ako makipag table. Malaki magbigay ng tip itong si Julio, kapag dumadating siya ay nakakapag bayad ako ng ilang buwang matrikula at renta sa apartment na tinutuluyan ko. Third year student na ako taking up Mass Communication, hindi kasi uso sa akin ang summer at vacation kaya imbes na itulog ko sa bahay na mag-isa eh pinapasok ko na lang ng summer class para mabilis ako maka-graduate. Sa loob ng dalawang taong lumipas ay hindi na ako umuwi pa sa magulang ko, hindi rin naman nila ako hinanap, sa bagay nagpalit ako ng credentials sa tulong ni Julio ay ako na Ngayon si Julia, si Julio ang nag register ng pangalan ko kaya wala na akong magawa pa, natatawa tuloy ako kasi para kami yong bidang cartoon character series na si Julio at Julia ang weird at ang ginawa pa niyang apelyido ko ay Chavez kung saan iyon din ang surname nito, " Pero bakit hanggang ngayon patuloy mo pa rin siyang pinupuntahan, did you still loved him "ang tinutukoy nitong siya ay walang iba kundi si Lorenzo. " Hindi na, naawa lang ako sa kanya dahil sa labis na pagmamahal ay tuluyang nawala sa katinuan, mabuti na lang at hindi ako natuluyan noon, ha ha " dalawang buwan noon ang nakakalipas nang magulat akong biglang sumulpot ang mommy ni Lorenzo, naki-usap siya sa akin na kung pwede ko daw tingnan at dalawin kong minsan ito kung saan siya naka lagak ngayon. " Once a week lang naman 'yon at naawa kasi ako sa kanya, tuluyan na siyang tinalikuran ng parents niya, parang ako lang " " Pero hindi mo na siya obligasyon Juls, working student ka lang hayaan mo ang mga magulang n'yang dalawin siya, baka pag hindi kana pupunta ay magpapakita din ang mga 'yun sa kanya. " mahabang sabi ni Julio . " Sinibukan ko na, pero nagwawala siya pag hindi niya ako makita, at sabi ng doctor n'ya malaking tulong daw ako para tuluyang gumaling at bumalik siya sa dati " " 'Yun lang ba talaga ang dahilan? " nginitian ko lang ito at hindi na sinagot pa ang mga tanong 'nya. " Congressman ang dami mo naman pong tanong, kain na tayo " nagkwentuhan lang kami ni Julio at nag kantahan, sobra niya akong nirerespeto kaya kahit halik ay hindi nito kayang hingin sa akin, pero bilang pasasalamat ay ginawaran ko na lamang ito ng halik kaibigan sa pisngi, walang malisya sa akin. " Salamat sa paghatid Julio " 1 am na kaya oras na nang aking pag-uwi " Sige mag-lock ka ng maigi at wag mong kalimutan na tawagan ako pag may problema " habilin pa nito " Opo sir, sige na malayo pa ang byahe 'nyo " kumaway pa ako sa kanya habang papalayo na ito sa akin. Ganito ang naging takbo ng buhay ko simula nang itakwil ako ni papa. Miss na miss ko na sila. Na-tetemp akong umuwi kung minsan pero wala pa akong naipagmamalaki kaya napapa-atras na lamang ako, nagiging masaya na ako sa simpleng pag sulyap sa kanila sa malayo hindi ko alam kong hinahanap ba nila ako or baka hindi na, hindi na rin matuntun ang dati kong pangalan, kaya kong hinahanap man nila ako ay medyo malabo na rin nila ako makita pero dahil sa aking propesyon ay malapit na malapit na nila ako mapapanood sa telebisyon 'yon nga lang Julia Chaves na ang screen name ko.Wala pang nakakikilala sa akin maliban lang kay Julio dahil medyo malayo ang trabaho ko at tinitirhan ko sa dati naming bahay at eskwelahan, ang pinagtatakhan ko lang talaga ay kong paanong nagawa ni Julio na palitan ang aking pangalan mula kinder hanggang sa kasalukuyan, pati ang pangalan ng aking mga magulang ay iba na rin, kaya madali lang sa akin ng mag enroll ako sa bago kong school. Nalungkot ako sa kaalamang iba ang magulang ko sa bago kong pangalan pero ang sabi ni Julio ay tanging sa papel lamang daw 'yon at kung gusto kong ibalik ang dati kong pangalan ay madali lang naman daw ito sabihin ko lang daw sa kanya. Pero naisip ko din saka na lamang atleast may dahilan akong magkaila kong sakali man, hindi ko pa alam pero alam kong malaking bagay ang pagpapalit ko ng aking pangalan lalu na kong magharap na kaming dalawa kapag matino na siya, sana ay gumaling na siya para tuluyan na rin akong maka takas sa anino ng nakaraan na labis kong pinagsisihan hanggang ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD