Chapter 13

1980 Words
TRICE POV Lumipas pa ang taon at ilang buwan na lang ga-graduate na ako , kinaya kong lahat, hindi ko pa masasabi kong nagtagumpay naba ako hangga't wala pa akong napatutunayan. Sa loob din nang nagdaang taon ay patuloy pa rin sa panliligaw sa akin si Julio pero gaya ng sabi ko ayaw ko pang makipag relasyon, ginalang naman nito ang desisyon ko at sinabing handa pa rin daw siya mag hintay sa akin. At about naman kay Lorenzo ay patuloy pa rin ako sa pag suporta sa kanya, ang sabi ng doctor nito ay malapit na raw siyang gumaling at pag nangyari 'yon hindi ko pa alam depende sa sitwasyon. Araw ngayon nang sabado day off ko sa bar at wala din akong pasok sa school kaya ngayon ang schedule ko para puntahan si Lorenzo, maaga pa lang ay nag gayak na ako para mamalengke ng lulutuin ko upang madala sa kanya. Kahit naman may galit ako sa taong 'yon ay hindi ko pa rin siya matiis lalu na at sobrang nangayayat ito, ibang iba na ang kanyang hitsura sa ngayon. Kung noon ay malaki ang pangangatawan at muscle ngayon ay nabawasan iyon ng 50 percent, wala na ang dating maangas nitong aura, naroon pa rin naman ang guapo nitong mukha pero hindi na kagaya nang dati. Para sa akin iniisip ko na lang ang pagiging mag-kaibigan namin, hindi man kami naging close gaya ng closeness nila ni Nicole pero masasabi kong naging mabuti siyang kaibigan, nag-iba lang ito nang aminin ko sa kanya na mahal ko siya. Matapos akong magluto nang mga paborito n'yang pagkain ay isa-isa ko itong nilagay sa mga lalagyan at isinilid ito ecobag. " Julia pupuntahan mo na naman ba ang boyfriend mong sinto-sinto? dito ka nalang sa akin paliligayahin pa kita " sabi nitong si Nestor ang dakilang tambay na walang ginawa kundi bwesitin ako lalu na pag araw ng dalaw ko kay Lorenzo. " Nestor kahit anong gawin mo hindi pa rin kita papatulan, maghanap ka na lang ng trabaho makakatulong kapa kay Aling Tess " " Naku tama lang yan Julia, tumanda nang ganyan batugan pa rin " sabat naman ng mama nito. " Nay naman wag n'yo naman po ako ipahiya kay Julia, wag kang mag alala pag naging millionario ako bibilhan kita ng sarili mong broadcasting para doon ka makapag balita pag naka graduate kana " " Oo na , sige po Aling Tess aalis na po ako " " Sige mag-iingat ka " Julia ang alam nilang pangalan ko dito, hindi ko sinabi ang totoo kong pangalan kaya kahit hanapin ako ay wala silang makikita na Beatrice sa lugar na ito, medyo iniba ko na rin ang buhok ko, kong dati ay mahaba at blonde ngayon naman ay hanggang tenga ko na lamang at ang kulay naman ay pa iba-iba kailangan ko kasi ito lalu na pag nasa trabaho ako pero kapag nasa school ako ay ang totoong kulay ng buhok ko ang gamit ko, madali lang naman yon, spray color lang ang katapat, nag susuot din ako ng contact lens para proteksyon na rin sa aking mata at para mawala ang bakas nang dating ako. Pero kapag ka pumupunta ako kay lorenzo ay tinatanngal ko na lamang ang aking contact lens at nag wiwig ako ng gaya ng dati kong buhok, sinusot ko na lamang 'yon pag malapit na ako. " Good morning po " masayang pag bati ko sa nurse na nag aalaga sa kanya, isa pa ito sa pinagkakagastusan ko dahil sa lagay ni Lorenzo kaya wala akong magawa kundi kuhanan siya nang tagapag-alaga, lalaki ito at medyo may edad na, matagal tagal na rin siyang Nurse dito dahil sa malaki ang kanyang pangangatawan kaya kinakatakutan siya ng mga pasyente dito. " Good morning, Beatrice mabuti naman at dumating kana, kanina pa nag mumukmok ang boyfriend mo akala ay hindi kana dadating " ang akala nila boyfriend ko si lorenzo dahil ang tawag nito sa akin ay Girlfriend, ang sarap sana pakinggan kong noon pa sana niya ito sinasabi. " Nasaan na ho siya? " " Naroon na sa tambayan n'yo at kanina kapa hinihintay " " Sige po kuya pasok na po ako " naglakad na ako papasok, binabati ako ng mga ibang nurse at yong ibang pasyente na medyo maayos na rin at malapit nang gumaling, mga harmless naman sila gaya ni Lorenzo kaya malaya silang nakakalakad sa labas , ibang case naman yong medyo malala. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang hitsura nito na naka pangalumbaba sa mesa, dahil ang sabi nang doctor ay kailangan masaya daw ako pagkakausapin siya kaya malayo pa lang nginitian ko na ito " Boyfriend ko " yan ang tawag ko sa kanya, pagkakita pa lang nito sa akin ay tinakbo agad nito ang pagitan namin para salubongin ako " Girlfriend ko " tawag din nito sa akin habang tumatakbo. Hindi ko ma explain itong nararamdaman ko, tila ba nakakaramdam ako ng saya sa tuwing ganito siya sa akin, ginawaran agad ako nito nang yakap at halik sa labi pagdumadating ako, at itong pasaway kong puso ay hindi ko maawat sa pag kabog pag ginagawa niya ito sa akin. " Oh, heto mga paborito mo " sabay taas ko ng aking mga dala-dala " Wow gutom na ako girlfriend ko, akala ko hindi kana pupunta " narating namin ang mesa at nilapag isa-isa ang mga pagkain, " Pwede ba naman 'yon " naka ngiti lang ako sa kanya pero deep inside nasasaktan pa rin ako sa sinapit nito. iniisip ko na lang paano kong naging ganito rin ako sino kaya ang dadalaw sa akin. tanging awa lang naman ang nararamdaman ko sa kanya at wala nang iba. Yan lang lagi ang isinisiksik ko sa aking isip lalu na sa tuwing nilalambing ako nito at lalu na pag bumibilis ang pintig ng puso ko pag ginagawa niya sa akin 'yon. " Heto kain na " masaya nitong kinain ang hinanda kong pagkain sa kanya habang panaka-naka ako nitong sinusubuan, nasa ganoong kaming sitwasyon nang marinig ko ang tawag sa akin ng isang nurse. " Miss Beatrice may naghahanap po kay Mr. Dela Vega Angela daw po " iisa lang naman ang kilala kong Angela walang iba kundi si Nicole, wala na akong balita pa sa kanya at aaminin ko hindi ko ito napag handaan. " Nicole " tawag ko sa pangalan nito , mukha siyang nagulat, hindi niya siguro expected na narito ako, nagawi ang kanyang tingin sa aking katabi, lumapit ito sa amin, nakatingin lang ito sa amin pero hindi pa rin ito nagsasalita hanggang sa makalapit siya at siya ring lapit sa amin ni Lorenzo " Girlfriend ko sino siya? " tanong nito sa akin, " S-siya si Nicole kaibigan natin siya " lumapit naman agad si lorenzo sa kanya at pinaka titigan ito, na alarma ang mga Nurse kaya medyo lumapit sila ng bahagya. " Nicole, Nicole, " sabi nito habang naka hawak na ito sa kanyang ulo hanggang sa sumigaw ito at biglang lumuhod sa harap ni Nicole, patuloy lang itong humihinge ng patawad habang sinasabi nito kung gaano niya ka mahal si Nicole. hanggang ngayon siya pa rin ang iniisip ni Lorenzo at naalala n'ya pa rin samantala ako hindi maalala kahit ang aking pangalan. Dahil nagwawala na naman si Lorenzo kaya minabuti nilang ipasok na muna ito sa loob. Naiwan kaming dalawa, inaya ko siya sa isang kwarto kong saan kami lang ang tao para makapag usap kami. " Upo tayo don " umopo kami sa mahabang upuan, namayani ang katahimikan sa amin hanggang sa hindi ako naka tiis kaya ako na ang unang nag basag ng katahimikan. " Ganyan na si Enzo Nicole, minsan nakakausap ng matino pero minsan nagwawala at paulit-ulit binabanggit ang pangalan mo, mula noon hanggang ngayon na wala na siya sa tamang pag-iisip ay ikaw pa rin ang laging bukang bibig n'ya, alamo ba kong gaano ka hirap 'yon ha? "totoo naman ang sinasabi ko dahil pag nagwawala ito ay pangalan daw ni Nicole ang sinasabi niya noon ayon sa mga nurse na nagbabatay sa kanya. " Na sa tuwing nagtatalik kami ay pangalan mo ang binabanggit nito imbes na ako " pagsisiwalat ko sa kanya, nakikita ko sa mata nito ang pagka gulat dahil sa nalaman. " Sapat ba na dahilan na dukutin niyo at ilayo sa akin ang anak ko? alamo ang pinagdaanan ko, nawalan ako ng magulang at wala akong pamilya na maituturing, tapos yan na lang ang meron ako, ang anak ko nalang Trice at ang asawa ko. Alamo mo ba ang feeling na hindi ka makatulog sa kakaisip sa anak mo kung kumain naba siya , kong maayos ba siya, para niyo na akong pinatay ni Enzo Trice, sana pinatay nyo na lang ako kaysa idamay ang anak ko " " At ang ibig mong sabihin after all this year's na magkaibigan tayo hindi pala totoong lahat ng yon? sabihin mo, gusto kong marinig lahat, lahat ng sama ng loob mo sa akin, sana hindi mo nalang ako kinaibigan , sana inaway mo nalang ako , kasi mas matatangap ko 'yon " umiiyak nitong sumbat sa akin. " Gusto mo malaman ang totoo? oo kinaibigan kita dahil kay Lorenzo dahil baka pag kaibigan na kita mapapansin din niya ako pero anong ginawa mo. tanggap kona na talo ako kung minahal mo lang sana siya, alamo kong gaano ka sakit na makita mo ang taong mahal na mahal mo na umiiyak dahil sa ibang babae? wala akong magawa nagmakaawa ako para lang mahalin n'ya ako , sana ako na lang at hindi ikaw, tapos dumating ang pagkakataon ko, ang sabi niya tulungan ko daw siya sa plano niya dahil ayaw niyang lumigaya sa piling mo si Mr.Mendez. Maniniwala kaba kong sasabihin ko sa'yo na hindi ako pumayag? dahil bata 'yun at walang kinalaman pero ang sabi niya mamahalin daw niya ako pag tinulungan ko siya at for the first time sa loob ng taon, pangalan kona ang binabanggit nito at hindi ikaw " umiiyak lang si Nicole dahil sa sinabi ko, may pagka totoo ang sinabi ko sa kanya dahil nagalit ako sa kanya noon, dahil siya ang sinisisi ko sa lahat, pero totoo ang pinakita ko sa pagkakaibigan namin. at lalung totoong minahal ko ang anak nilang si baby Adam na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kong nakita naba nila ito or hindi na. Pero hinihiling ko na sana matagpuan nila si Adam. siguro pag dumating ang pagkakataon na mag krus muli ang landas namin na wala na ang sama ng loob gagawin ko ang lahat mapatawad lamang nila ako. Nagsumbatan pa kami ni Nicole hanggang sa tuluyan itong umalis. Kung alam lang niya ang pinagdaanan ko sa piling ni Lorenzo ay marahil hindi niya ako susumbatan nang gano'n. Napakasakit na mawalan ng isang mabuting kaibigan, alam kong hindi pa ito ang tamang pagkakataon para mapatawad niya kami ni Lorenzo pero dadating din ang araw na 'yon.Tanging iyak na lamang aking nagawa napa hagulgol akong nakasalampak sa sahig ngunit laking gulat ko nang may bisig na yumakap sa akin. " I'm sorry Trice if i hurt you so much before, hindi ko alam na ganito ang kalalabasan nang kahibangan ko, patawad at nasaktan ko kayo ni Nicole at nasira ko ang pagkakaibigan nating tatlo " natigilan ako sa kanyang sinabi " Lorenzo kailan kapa gumaling? " " Trice " " Sagutin mo ako kailan pa? " sigaw ko sa kanya " Ilang buwan na rin, I'm sorry, natatakot akong__" natigil itong magsalita nang gawaran ko siya ng malakas na sampal " Pinag mukha mo akong tanga, pa ulit-ulit na lang Lorenzo hanggang kailan mo ba ito gagawin sa akin ha? " masaya kana ba? sinira mo ang buhay ko.Ayaw na kitang makita mag mula ngayon at bahala kana sa buhay mo, mag kanya kanya na tayo at magkalimutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD