Chapter 14 - Bakit mo nga ba siya iniisip, Zach?

1622 Words

Bago pa sila makarating sa apartment ni Sab, bumuhos na ang malakas na ulan. "Wheew! Lamig!" sigaw ni Zach. Mas binilisan pa nito ang pagpapatakbo kaya napahigpit ang yakap ni Sab likuran niya. Basang-basa silang dalawa nang makarating sila sa apartment ni Sab. "Magpatila ka muna ng ulan sa loob," alok ni Sab. Hindi na tumanggi si Zach na noo’y ginaw na ginaw na rin. Pagkapasok sa bahay. Agad na kumuha ng tuwalya si Sab at iniabot sa binata. "Saglit lang. Magtitimpla ako ng kape para mainitan ang sikmura mo," anang dalaga. "Mamaya na lang. Magpalit ka na muna." Biglang natigilan si Sab. Napaisip siya kung tama nga ba'ng pinatuloy niya sa loob si Zach. Mas kinakabahan kasi siya kapag mabait ito sa kanya. "Hindi na. Mamaya na lang ako magbibihis. Ipagtitimpla muna kita ng kape para

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD