Chapter 13 - Ano 'yan, Sab?

1310 Words

“Magaling talaga ‘yang, Zendy na ‘yan. Nabura agad ‘yung video. Hindi man lang tayo nakapag-save ng kopya,” nanggigil na sabi ni Ana habang naglalakad sila papunta sa tambayan sa ilalim ng punong Mangga kung saan sila laging nakatambay. “Asa pa kayo na mapaparusahan ‘yon. Pamangkin kaya 'yon ng Dean,” ani Lucas. “Diyan natin malalaman kung totoong fair sila sa lahat,”ani Ana habang paupo sila sa bench. "Ano naman kaya ang dahilan ni Zendy bakit niya ginawa 'yon? Magkasabwat kaya sila ni Zach?" tanong ni Lucas. Kumunot ang noo ni Sab. "Hindi naman siguro. Hindi naman malapit si Zach sa kanya,” ani Sab. "Huwag mong sabihing bibigay ka na sa mga patibong ni Zach?" ani Lucas. "Lucas, ano ka ba? Napaka-advance mong mag-isip. Malay mo naman kung hindi talaga ganoon kasama si Zach," ani Ana

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD