“Si Zendy?” halos sabay nilang sambit. “Kilala niyo, Pards?” tanong ni Joel. Sabay napatango ang dalawa. “Regular customer niyo ba ‘yan, Boss?” ani Jake. “ ‘Yung isa, Oo.”anito patungkol sa babaeng katabi ni Zendy. “Pero ito, hindi,” anito sabay turo kay Zendy. “Iyan ang unang beses na pumunta siya rito.” Kabisado na ni Joel ang mga parokyano niya dahil iyon at iyon lang din naman ang mga estudyanteng naglalaro ng video games sa kanila. Bihira kasi ang may maligaw na may ibang pakay gaya ni Zendy. Puno raw noon ng mga batang naglalaro ang shop kaya napilitan silang ipagamit kay Zendy at sa kasama nito ang computer na gamit niya. Naka-pwesto ang computer malapit sa counter kaya sapul na sapul ang mga ito sa camera. Napailing si Zach habang pinapanood ang video. Katabi ang isang babae,

