Chapter 11- Finding the culprit

1610 Words

Nang gabi ring iyon. Inalam ng mga magkakaibigan kung sino ang nag-set up kay Sab. Nakapalibot sila kay Jake habang kinukutkot nito ang computer. “Ano? Matagal pa ba ‘yan?” ani Zach na noo’y dumukwang na sa likod ni Jake. “Hindi pa siya nag-oonline, eh,” sagot ni Jake habang nag-aabang sa reply ng salarin. Kailangan kasi nitong sumagot para magawa na niya ang susunod na hakbang para makuha ang IP address. Bumalik si Zach sa sofa atsaka nahiga. “Hay! Nakakaantok naman pala ‘yan.” Halos nakadukdok na rin sina John at Paul sa mesa sa sobrang antok. Ilang oras pa silang naghintay hanggang sa nag-give up na si Jake. “Negative,” ani Jake na noo’y napasandal sa silya. Sa kanilang apat, si Jake ang maituturing na IT expert. Basta tungkol sa computer, kahit yata nakapikit kaya nitong sagutin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD