“Uy, ano’ng mayron? Bakit bigla kang nag-ayang lumabas?” tanong ni John nang magkita-kita sila sa bar. Kasalukuyan na sila noong nakapaikot sa isang bilog na mesa. “Wala lang. Gusto ko lang uminom,” walang emosyong sabi ni Zach sabay tungga ng beer. Nagkatinginan ang tatlo na tila hindi kunbinsido sa isinagot niya. Halos ubusin kasi ni Zach ang laman ng bote. Umusog si Paul sa tabi ni Zach atsaka niya ito inakbayan. “Mukhang problemang pag-ibig ‘yan, ah,” anito. Sumulyap lang sa kanya si Zach bago nito dire-diretsong tinungga ang beer. Halos sabay-sabay nilang pinigilan ang kamay ni Zach. “Wait lang, Pards. Malalamangan mo kami niyan, eh,” biro ni John. Sa porma kasi ng pag-inom ni Zach siguradong maaga itong babagsak. “Ano ba ang nangyari, Master?” tanong ni Jake habang kinukuha ang

