“Huwag ka nang umapila. Ginawa ko lang ‘yon para makabawi sa ginawa mong kalokohan sa kanya. Nang dahil sa’yo walang sinasahod si Sab sa karinderyang pinapasukan niya. At gustuhin man niyang umalis, hindi niya magawa dahil pinagbabantaan siyang ipapakulong ng may-ari kapag hindi siya nakabayad.” Napaawang ang mga labi ni Zach. “Totoo palang nawalan siya ng trabaho.” “Bakit ba ako ang sinisisi mo sa lahat nang kamalasang inaabot ng babaeng ‘yon?” kunwa’y sabi niya. “Dahil ikaw naman talaga ang puno’t dulo ng lahat ng ‘yon,” ani John. Kumunot ang noo niya. “Ewan ko sa’yo. Magsama kayong dalawa!” aniya atsaka niya ito iniwan. Napailing na lang si John. Walang idea si John na sa mga sandaling ‘yon, nagi-guilty na si Zach. Pagkatapos ng klase. Dumiretso ito sa karinderyang pinapasukan n

