Chapter 7- Naku! Iba na 'yan, Zach

1555 Words

Nakahiga noon si Zach sa mahabang sofa sa kwarto niya nang dukutin niya sa bulsa ang nilukot na flyers na ipinamimigay ni Sab. Parang wala sa sariling tinitigan niya ‘yon. “Kailangan ko ba talagang gawin ‘to?” aniya patungkol sa pinaplano niyang pagkuha kay Sab bilang tutor. Napailing siya sabay tayo. “ Bakit ba masyado akong apektado sa nangyayari sa buhay niya? Sino ba siya?” wala sa loob na sabi niya. “Baka naman kasi mahal mo na, Master,” ani Jake na noo’y hindi niya namalayan na nakapasok na pala sa loob ng kuwarto niya. “Baliw!” aniya sabay bato ng unan. “Sino ba kasi ‘yang gumugulo sa isip mo, ha?” anito na noo’y naupo na sa tabi niya. “Wala!” aniya. Sa pagpihit niya, nahulog sa sahig ang flyers. Napakunot ang noo ni Jake. Dadamputin sana nito ang nahulog na papel pe

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD