Napahinto sa ginagawa si Sab. Gumapang ang kilabot sa mukha niya. “Ano’ng ibig niyang sabihin? Ano na naman kaya ang binabalak ng mokong na ‘to?” Binitiwan niya ang baso atsaka niya inabot ang tinidor at itinutok niya ‘yon kay Zach. “Bakit? Ano’ng binabalak mo, ha?” nakataas pa ang kilay na sabi ni Sab. Natawa si Zach sabay taas ng dalawang kamay. “Wala akong binabalak na masama, okay? Gusto ko lang masiguro na hindi ka babalikan ng mga ugok na 'yon," ani Zach na noo’y napapangiwi pa habang dahan-dahang inabot ang tinidor sa kamay niya. Hindi nakaimik ang dalaga. Iyon din kasi ang ikinatatakot niya. Mahirap din kasing panghawakan ang takbo ng utak ng mga lalaking ‘yon. “Sige. Pero sa sala ka lang matutulog,” aniya. Ngumiti si Zach atsaka tumango. Pumasok siya sa kwarto para ikuha nan

