Chapter 37 Naku! Nangangamoy sila na ba?

1228 Words

Hindi mapakali si Zach nang gabing ‘yon. Panay na ang message sa kanya ni Manang Viring. Naghihintay na kasi sa bahay ang lolo niya. Pero hindi niya naman maiwan-iwan si Sab. Dinukot niya ang cell phone sa bulsa atsaka niya tinawagan si Jake. “Pards, pasuyo naman ako. Hindi ba kapitbahay niyo lang si Ana? Baka naman pwedeng pakikuha ‘yung number niya.” “Sure. Send ko sa’yo bukas nang umaga. Malapit lang naman sa amin ‘yung bahay nila.” “Pwede ba’ng ngayon na?” hirit niya. “Alanganin na, Master. Nakakahiya sa parents niya. Baka mayari ako sa daddy nun,” natatawang sabi ni Jake. Military officer kasi ang daddy ni Ana kaya medyo ilag sila. “Okay, sige. Bukas, ha?” Iyon lang at ibinaba na niya ang phone. Napabuga ng hangin si Zach habang nakatanaw kay Sab na noo’y mahimbing na natutulog.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD