bc

The Mafia Don's Prostitute

book_age18+
5.1K
FOLLOW
42.6K
READ
possessive
sex
dominant
boss
mafia
bxg
kicking
city
teacher
prostitute
like
intro-logo
Blurb

Kind and compassionate, Samantha Rodriguez is the epitome of a reputable student teacher sponsored by a local church. She's perfect except for one thing— she's a dishonourable prostitute behind the scenes.

Sam's secret life could potentially ruin her scholarship and her reputation as an aspiring educator. The Mafia Dolore Squisito's Don knows this. Will Don Valerio use her deepest secret to take advantage of her?

AUTHOR’S NOTE:

Don't forget to 'heart' this book so it would be automatically added to your library. Never lose track of what you're reading again. Enjoy!

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Prostitute
SAMANTHA "Kaya mo 'to. Hindi ka na bago sa trabahong ito. Katawan lang ang makukuha nila sa'yo, hindi ang buo mong pagkatao." litanya ko sa sarili bago sumalang sa pinagtatrabahuan kong club. Ngayong gabi, tulad ng lagi kong ginagawa ay hindi lang ako mag-se-serve ng mga pulutan at beer sa customers; pikitmata ko ring ihahain ang laman ko sa kanila para sa halagang karampot man sa iba ay magdurugtong naman sa buhay ng aking ama. Huminga ako ng malalim bago maglagay ng pagkakapalkapal na makeup sa mukha ko. Nakaharap ako sa vanity mirror, katabi ang isang hair curler na pinaiinit ko bago gamitin at sa ulunan ko ay ang ceiling na dumadagundong sa ingay ng mga kalalakihang binubuyo ang pole dancers sa stage. Nasa ilalim ang dressing room kaya rinig na rinig mula rito maski ang taguktok ng mga bote ng alak sa taas. Umpisa na naman ng 'happy hour' nila pero para sa'ming mga kalapating mababa ang lipad, ang gabing ito ay panibago na namang bangungot. Tinapos ko ang pag-aayos ng sarili sa pamamagitan ng pag-a-apply ng red lipstick na 'singpula ng sa payaso. Ganitong itsura ang gusto ng manager ng club, itsura na kung ako ang tatanungin ay imbis na magpaganda sa'min ay mas pinangangalandakan lang kung anong uri ng trabaho mayroon kami. Baka 'yun naman talaga ang gusto niya, na magmukha kaming pokpok habang siya ay nagmamagandang cuarenta anyos na naaadornohan ng gintong mga alahas. "Hindi ko na kaya!" niluwa ng pinto ang humahagulgol naming baguhan na si Lilia. Lusaw sa mukha niya ang itim na mascara nang salubungin siya ng kasabayan kong si Betty para aluin. "Wala na, Ate! Wala na! Nagalaw na ako at ang malala pa niyan, si Joey pa na may asawa na! Ano na lang ang sasabihin ko sa mga magulang ko sa probinsya, Ate?!" Makahulugang napatingin sa'kin si Betty. Iyon pala ay may umaagos nang dugo sa mga hita ni Lilia. She's been penetrated and it cannot be undone. Maliban sa aksidenteng pagkakabuntis ay ito na ang pinakamalalang pwede mangyari sa trabahong pinasok namin, ang makuha ng lalaking hindi namin mahal ang pagkabirhen namin. "Paano mo nalaman na may asawa siya?" tanong ni Betty. "Nakikita ko siya, Ate. Taga roon siya sa lugar namin." mas tumindi ang hagulgol ni Lilia. "Sinadya niya talaga ako rito. 'Wag daw akong tatanggi at magsusumbong kung hindi ay ipapakalat niya sa amin ang trabaho ko." "Gagong iyon! Ipapa-ban ko 'yon kay Madam! Hinding-hindi na siya makakapasok dito!" galit na tukoy ni Betty sa manager. Mariing umiling si Lilia. "Hindi 'yan gagawin ni Madam, Ate. Wala siyang pakialam sa'tin, hindi siya tatanggi sa pera. Mapera ang lokong 'yon." "Ililipat kita ng tirahan." ngayon lang ako nakisali sa usapan. Blangko ang mukha ko dahil nakasanayan ko nang mamanhid dito sa trabaho. "Irerekomenda kita sa kakilala kong nangangailangan ng kasambahay. Magiging ligtas ka na ro'n, may regular ka pang trabaho." "T-Talaga, Ate?" Ngumiti lang ako bilang tugon. Hangga't maaari ay gusto kong ilayo ang buhay ko mula sa trabahong ito. Kapag oras ng trabaho, gusto kong iwan ang puso't kaluluwa ko sa labas ng establisyemento para pagpasok ko rito ay ibang tao na ako; isang babae na walang pangalan, walang pangarap, babae na nandito lang at pinatitibay ang sikmura para sa pera at wala nang iba pa. Nagbabago lang 'yon kapag nakakakita ako ng baguhang kagaya ni Lilia. Nakikita ko ang sarili ko sa kanila no'ng unang beses kong pasukin ang trabahong ito. Dahil sa kanila ay nabubuhay ang malasakit ko at naaalala ko na isa akong babaeng nag-aaral sa unibersidad para maging guro. Hindi ko ba talaga mailalayo ang inaasam kong propesyon mula sa maruming trabaho na ito? "Samara, labas na." tawag ng manager sa'kin sa alyas ko. "Hinihintay ka na ng parokyano. Bayad ka na. Alam mo na ang gagawin." DINALA AKO NG customer sa kalapit na motel kung saan may naghihintay sa'king mayamang lalaki. Iniwan niya ako sa kanya at no'ng kami na lang ang natira sa silid ay hindi na nag-aksaya pa ng oras 'yung lalaki. Tinulak niya ako sa kama, ginapang, at kaagad na hinubaran. Nagpakasawa siya sa katawan ko na ang bawat kurba't kasingkit-singitan ay hindi nakaligtas mula sa malandi niyang halik, pisil, at lamyos. Habang pinepeke ko ang pag-ungol ay napansin kong pamilyar ang pagka-agresibo niya— bagay na hindi mo mapapansin dahil sa unang tingin ay mukha siyang maginoo at mataas ang pinag-aralan; hindi 'yung tipo ng binata na pupunta sa ganitong lugar para makipagtalik sa bayarang babae. "Ah!" hindi peke ang pagkislot ko nang hamigin niya ang namimintog kong dibdib. Nabigla ako sa panggigigil niya. Nang umpisahan niya na akong pasukin ay nakasiguro na ako na ilang beses niya na nga akong narentahan. Kilala ko siya, at mas lalo pang nakikilala dahil sa pamilyar na pagbayo niya sa'kin at sa paborito niyang mga posisyon na ginawa namin buong gabi. Sa kanya, may mga pagkakataong hindi na peke ang pagdaing ko dahil mala berdugo siya kung umararo. Makailang ulit kaming nagniig hanggang sa bumagsak siya sa katawan ko sa sobrang pagod. Nang mawalan siya ng malay ay tinulak ko na lang siya para matulog sa tabi ko. Hindi ko ugaling kilalanin ang mga customer ko pero dahil malaki magbayad ang binatang 'to ay kusa ko na lang siyang natandaan. Kinaumagahan, tumambad sa'kin ang hubad kong katawan na nakapailalim sa kumot. Wala na 'yong lalaki. Nagkalat ang mga damit ko sa sahig pero wala ro'n ang buong atensyon ko. Kumakabog ang dibdib ko habang hinahanap ng mga mata ko ang proteksyong ginamit niya kagabi... kung mayroon man. 'Yon ang una kong ginagawa palagi pagkagising. Nag-pi-pills ako pero priority ko pa rin na may condom ang katalik ko dahil dagdag proteksyon din 'yon. Nang makita ko na 'yong rubber sa paanan ko ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. "Okay, Samantha, kumalma ka." sunod kong hinanap ang pera. Kung tama ang hinala ko na siya nga 'yung customer na buwan-buwan ako nirerentahan, dapat nandito lang sa ilalim ng unan ang tip niya sa'kin. Sinuot ko ang kamay ko sa ilalim ng unan at tama nga ako, limpak-limpak na paper bill nga ang naroon! Tantiya ko ay nasa 40,000 din ito lahat, malaki para sa tip at mas malaki pa sa susuwelduhin ko sa club. Mahigpit kong niyakap ang mga salapi. "Nay, 'Tay, hintayin niyo ako diyan."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

His Obsession

read
74.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook