Kabanata 2: Plan
Nagising ako na tagaktak ang pawis sa mukha hanggang sa katawan, hindi rin nakaligtas ang pag-alpas ng iyak at panginginig ng buo kong kalamnam.
I dreamed of my mother once again, and it hurts for the nth time.
“I-I’m okay,” I said as I hugged A1 and A2. “It’s fine,” bulong ko sa sarili.
Nagsimula na naman ako magkaroon ng masamang panaginip simula nang makita ko siya ulit. Anong oras na akong nakatulog kagabi dahil binabantayan ko na umalis ang buong pamilya nila. Hindi yata ako mapakali hanggang nandito ang mga tao na sa tingin ko ay naging dahilan kung bakit ako nagkaganito.
“Tantan, kain na raw sabi ni Mommy.” katok ni Doreen sa labas.
“Susunod na ako, maghihilamos lang ako sandali.”
Mabilis lang ang ginawa kong pag-aayos. Tinignan ko ang mukha ko sa salamin at nakitang namumugto iyon. Bumuntong-hininga ako. Kailangan ko na naman mag-isip ng idadahilan ko sa kanila dahil panigurado ay tatanuningin nila ako lalo na si Tita Regina.
“What happens? Your eyes are swollen.” she asked worriedly.
Bago pa ako makapagsinungaling ay nagsalita na si Doreen, “Right, Mommy? Kagabi sinasabi sa akin ni Tantan na nangangati iyong mata niya.” natural nitong sabi.
Tinignan ko siya at binigyan niya lamang ako ng isang tipid na ngiti. Ano na lang ang mangyayari sa akin kung wala si Doreen? She’s my biggest savior.
“Okay ka lang ba, ‘nak? Gusto mo ba na magpa-check-up?” tanong ni Tatay na tumigil sa pagbabasa ng dyaryo.
“Oo nga, samahan na muna kita bago ako pumasok sa school.” sabi naman ni Tita Regina.
“Hindi na po, hindi naman na po masakit. Kapag sumakit po ulit ay sasabihin ko po sa inyo.” nahihiya kong tanggi sa kanila.
“That’s good, I want to help you.” Banayad ang ngiti na iginawad sa akin ni Tita Regina.
What did I do in a previous life to deserve them? They are very nice to me, although I nearly ruin their family.
“Mom, Dad, late na kami ni Tan sa school. Baon po namin?” saka niya inilahad ang palad niya sa kanila.
“Ako po mayroon pa pong natira sa allowance ko.” mabilis ko wika dahil mukhang balak din akong bigyan ni Tatay.
Hindi naman ako laging gumagastos sa school. Nag-iipon na rin ako ng sarili kong pera para kahit papaano ay hindi ako pagkagastusan kapag tumuntong ako sa kolehiyo.
Sinamaan ako ng tingin ni Doreen. “Sinungaling, ang dami kayang bayarin sa school.”
“Tanika, wala akong pakialam sa allowance mo. Ito,” iniabot niya sa akin ang pera. Kinuha ko na rin dahil atat na atat nang umalis si Doreen. “Mag-iingat kayong dalawa. Doreen bantayan mo ang kapatid mo, bantayan niyo ang isa’t isa.” pahabol ni Tatay.
May service kami pero tuwing uwian lang kaya nag-ta-tricycle kami na pumapasok.
“Narinig kita kaninang madaling araw. Gusto mo tabi tayo ulit mamayang gabi?”
“I’m fine, Doreen.” nakangiti kong sagot sa kaniya.
Ayaw ko naman na istorbohin siya. Sa tagal naming magkasama ay alam ko na rin na hindi siya nakatutulog kapag may katabi, nalaman ko iyong unang beses kaming nagkatabi—sinabi niya sa akin na hindi siya makatulog.
“Okay, basta kauusapin mo ‘ko kapag may problema ka. Matanda ako sa iyo ng dalawang buwan kaya sundin mo pa rin ako.”
I chuckled and nodded.
Nagkahiwalay lang kami dahil magkaiba kami ng strand. HUMSS siya at ABM naman ako. Pero tuwing lunch break namin ay magkasabay kami. Madalas siya ang pumupunta sa building namin dahil nahihiya akong pumunta sa kanila.
“Tanika, pumunta kanina si Pres dito, hinahanap ka.” sambit ni Loren, ang class president namin.
Umupo na muna ako bago sumagot. “Ah, ganoon ba? May gagawin kasi kaming survey. Sige salamat, chat ko na lang siya.”
“Sige pakisabi na rin mahal na mahal ko siya.” saka siya tumawa.
Sandaling nanlaki ang mata ko sa sobrang straightforward niya. Parang normal na lang sa kaniya iyon na sabihin ang salitang ‘mahal’, hindi ko tuloy alam kung totoo o biro lang.
Dahil wala pa si Sir ay inilabas ko na muna sandali ang phone ko.
Me:
Good morning, pres. Anong oras tayo mamaya?
Hindi ko alam kung normal lang ba na kabahan sa tuwing mag-se-send ng chat sa kaklase. Ako kasi ay laging ganoon kahit na matagal ko na silang nakasasama. Natatakot kasi ako na sa simpleng chat ay ma-judge nila ako.
Clarence:
Yes, secretary. Anong oras ka free?
Me:
Lunch? Dito ka ba mag-la-lunch?
Clarence:
Nope, umuuwi ako. Uwian kaya?
Me:
Sige
Clarence:
K
Hindi ko mapigilan na hindi ngumiti. Napansin ko kasi na siya lagi ang nahuhuli sa chat. Hindi ko alam pero sa simpleng ganoon ay natutuwa ako. Parang hindi niya hinahayaan na ako ang sa huli.
“Okay, class, we will have a film making. It’s up to you what concept you want, but I want to see the concept we already tackled. You need to post it on our f*******: page, and whoever accumulated many reactions will be given plus grades. Are we clear?”
Kailan deadline?
“Ma’am kailan deadline?” tanong ng isa kong kaklase.
“I am giving you two weeks to do it.”
Sinong pipili ng groupings?
“Ma’am kami po ba pipili ng kagrupo namin?” tanong ni Loren.
“Yes, it doesn’t matter as long as wala akong mababalitaan na nag-aaway.”
“By friends!” hindi ko alam kung sinong sumigaw noon pero nanlumo agad ako.
Kapag by friends na ang pagkuha ng kagrupo ay lagi akong naiiwan na walang kagrupo. Kung sinong hindi napili ay sila lang din ang magiging ka-group ko.
Binigyan kami ng oras ni Ma’am na magrupo-grupo at nasa upuan lang ako dahil walang pumipili sa akin. Nagsisimula na naman akong mag-isip na baka bumagsak ako sa subject niya.
“Tanika, mine!” natatawang sigaw ni Loren.
I wanted to cry when I heard someone called my name. I bit my lower lip as I walked in their direction.
“Sakto mayaman ‘tong si Tanika. May magandang camera ba kayo?” tanong ni Jacob.
“Mayroon si Tatay, saka sa tingin ko ay kaya ko naman basta may kasama ako.” sagot ko sa kanila.
Tumango-tango si Loren. “Ako hihiramin ko camera ni Ate ko. Sa ngayon pag-usapan na muna natin kung anong gagawin.”
“What about mental health?” suwestiyon ni Eva.
“Ang lalim naman noon, saka dapat may alam ka sa ganoong bagay.” rejection ni Luis.
We are six in the group and I am contented with my groupmates.
“Maganda ang tungkol sa mental health, sa tingin ko papatok ‘yan kasi maraming… alam niyo na… depressed na kabataan lalo na sa social media.” biglang sabi ni Laura, our muse.
I wanted to correct her because what she said was completely incorrect, but I lacked the courage to do so. I'm afraid she'll misunderstand me.
“Laura, we are not going to use mental health for clout. If ever we will go for this subject, I want it to be inspirational and life changing.” seryosong sambit ni Loren. “Hindi naman porket marami kang nakikita sa social na depressed teenagers ay sa tingin mo ginagawa na lang nila iyon para magpapansin.”
Bahagya akong tumango-tango sa sinabi niya. Iyon ang gusto kong sabihin kanina na hindi ko masabi dahil sa takot.
“True, saka dapat hindi mo mine-make-fun iyong mga nag-ra-rant sa Facebook.” Dagdag ni Eva, “Palibhasa puro ka paganda,” rinig kong bulong niya dahil katabi ko siya.
Nakita ko ang pag-irap sa gilid ni Laura. “Okay,” sagot niya na lamang.
Sumapit ang lunch kaya dumiretso ako sa tapat ng building nina Doreen. Lagi kasi kaming nagsasabay kumain dahil alam niya na wala akong kaibigan bukod sa kaniya.
“Tantan, nag-aya friends ko. Sabi nila sa KFC daw tayo.”
Upon seeing her friends behind her back, I stepped backward.
“A-Ah, sasabihin ko sana sa ‘yo na hindi ako makakain kasi may gagawin ako sa library.”
“Ganoon ba? Gusto mo hatiran na lang kita pagbalik ko?” concern nitong tanong.
I heard her friends whispered to each other that they are already hungry.
“Hindi na, kakain na lang ako mamaya sa canteen.” Binigyan ko siya ng maliit na ngiti para malaman niya na okay lang talaga.
Napansin ko na may kaunting make-up sa mukha niya. Ang ganda niya talaga kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ang daming lalaki ang gusto siya sa school, at ang gusto ko siyang maging kaibigan.
“Okay, chat mo na lang ako kapag may gusto kang ipabili.”
Naglakad ako papunta sa library, diretso lang ang lakad ko at iniiwasan ko na huwag tumingin sa mga mata nila dahil sa oras na tignan ko sila ay magpa-panic na naman ako.
“Hi, ‘te. ‘Di ba kapatid mo si Doreen?”
Patuloy pa rin ako sa paglalakad. Kaunti na lang ay nasa library na ako.
“Sungit naman, buti pa iyong kapatid niya friendly.”
“Hayaan mo na, hindi naman maganda.”
Imbis na sa library ako huminto ay nagdire-diretso ako hanggang sa cr. Nagkulong ako sa isa sa mga cubicle at kusang naiisip ang lalaki kanina. Isinubsob ko ang mukha sa dalawang kamay.
Gusto kong umiyak pero nangingibabaw ang inis ko sa sarili ko dahil wala akong nagawa para magsalita kanina. Gusto kong sumigaw ng sobrang lakas para ibuhos ang galit dahil sa nangyari kaninang pambabastos sa akin.
Bakit wala akong nagawa?
“Abangan niyo sa gate si Loren mamaya. Huwag niyong ipahalata na kakilala niyo ako.”
Itinaas ko ang dalawang paa sa inidoro para hindi nila mapansin na may tao silang kasama. Halos pigilan ko na rin ang paghinga ako para wala silang marinig.
“Bakit? Anong nangyari?”
“Ipinahiya niya ako sa mga groupmates ko! Dapat ipahiya niyo rin siya mamaya!”
“Noted,”
Nang naramdaman ko na lumabas na sila ay doon lang din ako lumabas. Nakita ko ang repleksyon ko sa salamin na may makikitang takot at gulat sa mukha.
I should do something; Loren is my very nice classmate.
Naglakad ako pagbalik sa room pero wala siya roon kaya naisip ko na baka nasa canteen pero wala rin siya roon kaya panigurado ay umuwi iyon para kumain.
Dahil sa pagod kalalakad ay naupo ako sa pwesto ko. Hindi naman siguro sila seryoso roon, ‘di ba? Hindi naman sinasadya ni Loren na masasaktan pala siya sa pagtatama sa kaniya kanina. Madalas din naman naming itinatama ni Doreen ang isa’t isa at kahit kailan ay hindi kami nagkaroon ng sama ng loob.
I anxiously wait for her, and when she came, I remained seated.
Sakto rin kasi ang pagdating ni Laura sa likod niya. Dahil doon ay nawalan ako ng lakas na para paalalahanan siya sa plano ni Laura sa kaniya.
Nilapitan ako ni Loren sa upuan, “Hindi ka nag-lunch?”
“N-Nag-lunch,” sagot ko.
Kumunot ang noo niya, “Anong problema? Para kang natatae na ewan.”
Nilingon ko si Laura na nasa amin ang tingin habang hawak ang phone niya.
“Pwede ba tayong magsabay mamayang uwian?” yumuko ako dahil sa hiya.
“Oo nga pala! May meeting ka with the pres? Syempre sasama ako!” kinikilig nitong wika. “Sino ba naman ako para tumanggi?”
Kaya buong klase sa hapon ay naginahawaan ako. Noong uwian ay sabay kaming pumunta sa SSG office. Nakita ko si Laura na masama ang tingin sa akin kaya hindi ko mapigilan na hindi kabahan dahil baka madamay ako sa galit niya.
“Miss Puang—sino ‘yan?” kunot noong tanong niya sa kasama ko.
“Loren Sy at your service, Mister President.”
Napangiti ako sa sinabi ni Loren. Hindi nagbago ang itsura ni Clarence na nakaupo sa pwesto niya sa gitna ng mahabang table.
Pumasok na ako at sumunod sa akin si Loren na sinusuri ang kabuuan ng office. “Dito na lang ako,” tukoy niya sa pinakadulong upuan.
Napansin ko na may nakahandang dalawang bottled water. Kinuha ko ang isa at iniabot kay Loren. Mamaya kung mag-i-snack kami ay ibibili ko siya.
“Thank you, Miss Secretary.”
Sa totoo lang ay si Loren talaga dapat ang nasa pwesto ko, siya dapat ang secretary. Pinakiusapan niya lang ako dahil marami na raw siyang ginagawa bilang class president. Pero sinabi niya sa aking paano siya nagsisi noong nalaman niya na si Clarence ang naging president.
“Anong iinumin mo niyan?” tanong niya nang makaupo ako sa tabi niya.
“May dala akong tubigan, ipapa-refill ko na lang mamaya sa canteen.” may maliit na ngiti kong sabi sa kaniya.
“No need, sa ‘yo na iyan.” tukoy niya sa isang bottled water.
Umiling ako, “No, thanks, magpapa-refill na lang talaga ako.”
Iyong laptop niya ang ginamit namin sa paggawa ng google form para mabilis. Ako ang nagtitipa habang pareho kaming nag-iisip ng pwedeng itanong sa mga students.
“May mga sub clubs ba ang sports?” tanong ko dahil sa tingin ko ay maguguluhan kami sa survey para sa sports club. Hindi lang naman isa o dalawa ang sports dito.
Sandali siyang nag-isip, inayos na muna rin niya ang suot niyang salamin. “Hindi na siguro, isahan na lang natin.”
“Okay,”
Mahigit 30 minutes na kami na nagtitipa ng tanong at iba pa. Minsan ay sinusulyapan ko si Loren na pinanonood kami. Siguro nabo-bore na siya.
“Punta lang ako sa canteen,” kinuha ko iyong tumbler ko sa bag.
Aayain ko sana si Loren para samahan ako pero kita ko na agad ang pagtutol sa mukha niya kaya ako na lamang ang lumabas para kumuha. At kung minamalas nga naman, maagang nagsara ang canteen. Kaya lumabas ako sa school para bumili sa tindahan sa tabi. Wala naman na halos students sa labas at loob ng school.
“Isang bottled water po,” sabi ko sa matandang babae.
Kumuha siya sa ice box at iniabot sa akin. Nang magtama ang mata namin ay natigilan siya at kumunot ang noo.
“May kamukha ka,”
“Talaga po? Sino po? Baka nakita niyo lang iyong kapatid ko.” Bahagya akong tumawa dahil sa nararamdamang awkwardness. “Pabili na rin po ako ng mga ito,” tiniro ko iyong mga biscuits sa gilid.
“Hindi, e.” bulong niya at tinignan ako muna ulo hanggang paa. “Sige salamat,” sabi na lamang niya at iniabot ang sukli ko.
Weird.
Nagkibit-balikat na lamang ako at ipinagsawalang bahala ang sinabi ng matanda.
Kung ganoon pala ay hindi talaga unique ang mukha ng mga tao. Sabi nga roon sa nabasa ko na may kamukha ka pero hindi mo alam kung nasaan?
Umuwi rin kami noong natapos. Sinigurado talaga ni Clarence na hindi kami gagabihin.
Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko silang tatlo na nasa habang nanunuod. Wala sa sarili na huminto ako at pinakatitigan kung paano sila tumawa sa pinapanood. Nasa gitna si Doreen habang si Tita Regina at Tatay ay nasa magkabilang gilid niya.
“Oh, Doreen, nariyan ka na pala. Halika ka rito sa tabi ni Tatay,” tawag sa akin ni Tatay noon napansin niya ako.
Maging si Tita Regina at Doreen ay nakangiti habang naghihintay sa paglapit ko.
So this is how a healthy family looks like.
Umiling ako, “Hindi na po, may mga kailangan po kasi akong gawin.” I don’t want to spoil their bonding.
“Medyo late ka na nga umuwi tapos may gagawin ka pa rin? Baka sa sobrang talino mo ay malagpasan mo na si Albert Einstein.” natatawang sabi ni Doreen kaya bahagya rin akong natawa.
“Sige, anak. Maligo ka na muna, huwag mong kalilimutan na uminom ng tubig.” dagdag ni Tita Regina.
“Opo,” huling wika ko bago umalis at hayaan silang manood ng sila lang.
“Umuwi ka na nga! Pokpok kayo ng nanay mo, baka gawin pang kabit ng papa ko, e!” sigaw nang batang lalaki.
Kumunot ang noo ko, “Anong ibig-sabihin ng pokpok?” inosente kong tanong sa kaniya,
“Ayan kasi hindi nag-aaral, kawawa naman.” sabi naman noong isa kong kalarong babae na mapula ang labi. Ginamit niya raw ang lipstick ng mama niya.
Nahihiya akong ngumiti sa kanila, “Sabihin niyo na lang sa akin para may alam ako kahit na hindi ako nag-aaral. Wala kasi kaming pera,”
Imbis na sabihin sa akin kung anong ibig-sabihin ng salitang sinabi nila ay tinawanan nila ako. Kanina lang ay naglalaro sila, sinubukan kong sumali pero ayaw nila dahil pokpok daw ang nanay ko. Hindi ko naman kung anong ibig-sabihin no’n.
“Hoy! Layuan niyo ngayan. Toto! Uwi roon, sinabi ko nang huwag mong kausapin ang batang iyan! Kung ano-anong itinuturo sa inyo!” sigaw ng mama ni Toto.
Humakbang ako palayo dahil may hawak siyang walis tingting. Paano kung ipalo niya sa akin iyon? Madalas kasi ganoon ang pamalo sa akin ni Mama.
Nagsitakbuhan ang ibang bata, ako lang ang naiwan sa pwesto na pinaglalaruan nila kanina.
“Ikaw, bata ka. Huwag ka ngang lumabas ng bahay niyo at kung ano-anong itinuturo mo sa anak ko.”
“W-Wala po akong itinuturo sa kanila. Ako nga po ang may—”
“Kamukhang-kamukha mo nanay mo. Aba malay namin kung pati ugali ay nakuha mo sa kaniya?”
Nanubig ang mata ko, “M-Mabait naman—”
“Tanika!”
Nilingon ko si Mama na nagmamdaling nilapitan ako at inilagay sa likod niya.
“Hoy, Lulu, huwag mong sinisigawan ang anak ko kasi hindi ko sinisigawan ang anak mong mukhang hindi naliligo!”
“Aba’t!”
Pag-uwi sa bahay ay pinalo ako ni Mama. Hindi ko alam kung ilang beses pero imbis na magalit at masaktan ay natutuwa ako. Hindi ko makalimutan na ipinagtanggol niya ako kanina roon sa nanay ni Toto. Ganoon pala ang pakiramdam kapag ipinagtatanggol ka.
“Hindi ba sinabi ko na huwag kang lumabas ng bahay?! Anong ginawa mo? Sinuway mo ‘ko!” galit na sigaw ni Mama.
“S-Sorry po, hindi ko na po uulitin.”
“Tapos nang-aaway ka pa ng mga bata roon! Anong iisipin ng ibang tao?!”
“Sorry po, Ma.”
“Kamukhang-kamukha kita, anong iisipin nila? Ayaw kong maihantulad ka sa akin, naiintindihan mo ba?! Malas ka talaga!”
Those memories were so painful, but I loved them.
Exon