Changes

3013 Words
Kabanata 1: Changes "Tantan! Halita ka rito!" sigaw ni Doreen sa labas. "Ang saya-saya lumangoy! Bumaba ka naman diyan, lagi na lang nakakulong sa kwarto mo!"  Nakatanaw lang ako sa kaniya mula sa kwarto habang naliligo siya sa pool. Hindi ako mahilig sa mga ganiyang bagay, mas pipiliin ko na lamang na magbasa.  Imbis na sumigaw pabalik sa kaniya ay itinaas ko ang hawak na libro. Sumimangot siya na ikinatawa ko nang bahagya. Magkaibang-magkaiba talaga kami ng personalidad, siya ay mas gugustuhin na sa labas ng bahay nila, habang ako naman ay halos hindi na lumabas pwera na lang tuwing may klase.  I smiled looking at her swim with so much fun wearing her blue two-piece. I remember that I chose and bought that for her.  Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagbabasa. Hindi ko maintindihan iyong mga tao na nagsasabi na boring ang magbasa. Para kasi sa akin ay pareho lamang ang panonood at pagbabasa, ang pinagkaiba lamang nila ay tamihimik ang pagbabasa at para kang nasa posisyon ng mga bida. Nahinto lamang ako sa pagbabasa nang makatanggap ng chat mula sa group chat namin para sa mga SSG officers. Naligo agad ako at nag-ayos dahil kailangan namin na mag-meeting tungkol sa ipinatutupad na club sa schools. Nagkaroon kasi ng votings ang students sa Horizon na gusto nila ng mga club para kahit papaano ay ma-showcase ang mga talent nila. I wore black skinny jeans and a simple white shirt with a 'Secretary' on it. I know, I have no sense of fashion unlike Doreen who takes her time preparing for her outfits.  "Saan ka pupunta, secretary?" nakasalubong ko siya. Nakabalot na ng towel ang katawan niya pero kitang-kita ko pa rin ang magandang hubog nito.  "Sa school, may meeting kami. Tapos ka na maligo? May cake pa pala sa ref, kung gusto mo."  Nanlaki ang mata niya, "Anong flavor?"  I chuckled, "Syempre iyong paborito mo."  "Oh, my gosh! Chocolate cake here I come!" nagmamadali siyang pumunta sa kusina. Nakangiti lamang ako habang nakatingin sa kaniya at umiling. She's so adorable, one of the reasons why many likes her as their friend. "Nandito na si Miss Puangco," Miss Puangco... I am carrying their surname. No one knows except for the Puangcos that I am just my Tatay's mistake.  "Let's start?" sabi sa harap ni Clarence, ang president namin. According to him, there will be 4 clubs namely the drama, math, science, and sports club. I listen as he talks seriously about the plan, he wants to have a survey so that the students can have their own opinion about these clubs.  Kilala ko na si Clarence simula grades school kami. Hindi ko masasabi na close kami, hindi rin naman kami stranger sa isa't isa. Alam ko na noon pa na seryoso talaga siya sa bagay na ginagawa niya kahit minsan ay loko-loko siya.  I actually... have a crush on him because he's smart and responsible. No one knows, even Doreen. He is only my happy crush, and I admire him a lot as a leader to us. "What do you think?" Tanong niya sa lahat na naroon. Walang sumagot dahil sa tingin ko naman ay naintindihan naman naming lahat ang gusto niyang mangyari.  Luminga-linga siya sa mga taong naroon hanggang huminto iyon sa akin. "Miss Secretary?"  Pigil na pigil ko ang hininga ko upang huwag makagawa nang hindi maganda sa harap niya. "N-None," sagot ko.  "Okay, me and my secretary will focus on making the survey while the rest will personally ask students who is interested to be the President of each clubs. Are we clear?" seryoso niyang sambit. Nagsialisan din ang lahat matapos ang meeting. Naiwan ako sa SSG office dahil kailangan ko pa na kausapin si Clarence tungkol sa survey na gagawin ko.  I'm confident in my abilities. I'm not comfortable being alone with him just because I have a crush on him. Except for my family, I'm not good at being comfortable with others. Hinintay ko siya na matapos niyang ayusin iyong mga gamit niya.  "Hey, about doon sa survey. Are you going to send me the questions or I'm making one?" tanong ko.  "WE will talk about this tomorrow." sagot niya emphasizing the word ‘we’, bago ako iniwan sa office na mag-isa.  Hindi ko napigilan na kumapit sa malapit na upuan dahil sa bilis ng t***k ng puso ko. Ibig-sabihin kaming dalawa talaga ang gagawa? Nag-init ang mukha ko sa mga naiisip na ideya sa isip ko. Hindi na dapat ako kinakabahan sa mga ganito dahil matagal na naming kilala ang isa’t isa pero hindi pa rin ako mapakali. Dumaan na muna ako sa National Bookstore dahil naubos na iyong mga sticky notes ko. Mahilig ako sa ganoon lalo na tuwing may quiz or exam, nakatutulong talaga sa akin iyon na mag-review.  "Miss?"  Nagpatuloy ako sa paglakad. Ayaw kong lumingon.  "Miss!" Nahigit ko ang hininga ko nang hawakan ako sa balikat ng isa sa saleslady ng botique na naraanan ko. "A-Ano po iyon?" kinakabahan kong tanong.  "Ah, nahulog mo kasi wallet mo." saka niya iniabot sa akin iyon. "Sa susunod huwag kang magbingi-bingian, akala mo naman namimilit kami na pumasok kayo sa store namin," masungit nitong sabi bago umalis.  Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng t***k noon, akala ko kung ano na. Huminga ako ng malalim bago nagmamadali na umuwi. Hindi nakatulong na maraming tao na sumasakay sa jeep kaya nahirapan ako.  I started sweating and my hands are trembling while sitting at the corner of the jeep.  "Miss, pakisuyo ng bayad."  I recall what I searched about this. I continue mainting my breathing. "Miss pakisuyo naman raw," sabi ng babae sa may bandang likod.  Nang matauhan ay nagmamadali kong kinuha iyon at inabot sa driver. Nagkatinginan pa kami ng driver at nakita ko ang pag-iling nito na parang dismayadong-dismayado sa akin. Nakahinga lamang ako nang maluwag nang makababa na roon. Para akong hindi makahinga at tagaktak ng pawis ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako sanay kahit an araw-araw naman akong sumasakay sa jeep.  Bago pa ako tuluyang makapasok sa gate ay napansin ko agad ang mga tao sa garden. Agad akong lumiko ng daan patungo sa maisan malapit dito sa amin. Nandito na naman ang mga kapatid ni Tatay, panigurado ay nariyan din ang mga pinsan ni Doreen sa loob.  Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako komportable sa presensiya nilang lahat. Si Doreen lang talaga ang kinauusap ko at pati na rin si Ate Cheri.  Naglakad lamang ako ng ilang minuto at nakita ko na naman ang puno kung saan ang lagi kong pinagtataguan sa tuwing nariyan sila.  Dalawang beses sa isang taon kadalas silang bumisita. Sa tuwing ang pamilya naman ni Doreen ang pupunta sa kanila ay nagpapaiwan na lang ako minsan ay  nagdadahilan ako na maraming ginagawa sa school o kaya ay masama ang pakiramdam. Kailangan ko lang naman na mag-stay dito ng ilang oras bago sila umalis. Hindi katulad ng dati ay hindi sila nagtatagal diyan dahil may mga pasok din ang mga anak nila. Kinuha ko ang sticky note sa bag ko at nagsulat doon.  'I wish life has a switch button... so I can turn it off whenever I am feeling sad.' Itinupi ko iyon at tinabunan ng lupa. Wala namang makakakita dito bukod sa mga magsasaka na malabong makita dahil sa tapat ng puno ang maisan.  "Dito ka pala nagtatago,"  Nanigas ako sa kinauupuan ko.  "I wonder why I never see you. Nandito ka lang pala."  Tanging sapatos niya pa lang ang nakikita ko pero nanginginig na ang kamay ko sa takot at kaba. Pinagpapawisan ulit ako at nagkagulo-gulo ang nasa isip ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.  "E-El," tanging nasambit ko.  "Kuya," pagtatama niya. "Hinahanap ka sa bahay, bakit nandito ka?"  His voice changed; it got much deeper the last time I heard it—and it causes my hands to shake a little faster.  "Hey, okay ka lang? Your hands are shaking."  Hindi ko magawang i-angat ang ulo ko para makita siya. Hindi ko gustong makita niya na ako pa rin iyong batang maliit na takot sa kaniya... ayaw kong maalala na siya ang dahilan kung bakit ngayon ay nahihirapan akong makisalamuha sa ibang tao.  Everything about him reminds me of my past. I'm afraid I may break down in front of me because it's too much. "O-Okay lang ako,"  Beads of sweat form on my forehead, I try brushing it away but it doesn't help. Itinago ko na lang ang kamay ko sa likod ko para hindi niya makita.  "Tinatakot mo 'ko," wika niya at umatras ang paa. "Balik na lang ako roon. I hope you're fine."  Nang makaalis na siya ay roon tumulo ang luha ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil... bakit ganito ako? Bakit hindi ako katulad ni Doreen na madaling makipagkaibigan? Bakit hindi ako katulad ng mga kasing edaran ko na madaling makipag-unawaan sa ibang kaedaran ko? Bakit ang hirap para sa akin?  "I cannot leave you here,"  His eyes met mine and I almost lost my breath. Looking at him now I know that God took His time on him. Making him beautiful than before. He grew taller, his skin now is golden and most importantly he looks matured at the age of 19.  Hindi ko alam ang gagawin ko kaya yumuko na lamang ako habang pinagmamasdan ang mga kamay na naglalaro sa isa't isa.  "Umiiyak ka? Bakit ka umiiyak?" Naguguluhan ako, bakit sa tingin ko ay may bahid ng pag-aalala sa boses niya. Iwinasiwas ko iyon sa paraan ng pag-iling. “Hey,” nang humakbang siya ay umatras ako. “T-Tatambay ka rin ba rito? Si… sige alis na ako.” Saka ako tumalikod pero hindi pa ako nakalalayo ay naharangan na niya ang daanan ko. Muntik akong masubsob sa dibdib niya mabuti na lamang ay napigilan ko ang sarili. “You got weirder, are they treating you right?” Saan naman niya nakuha ang tanong na iyon? Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nila at walang dahilan para hindi ko sila mahalin. He doesn’t know a thing. “I… I have to go, p-pasensiya na,” Ngayon ay patakbo na akong umalis. Hinihingal ako nang marating ko ang bahay. Sa likod ako dumaan para hindi nila ako mapansin at dumiretso agad ako sa kwarto ko. Sa isang araw na ito ay hindi ko mabiling kung ilang beses sinubok ang puso ko. Kaya ayaw kong lumalabas ng bahay dahil ganito ang lagi kong nararamdaman. Paano kaya kung kailangan ko nang mabuhay mag-isa? Sinong magiging kasama ko? Paano na ako? Sa dami nang tanong sa utak ko ay kahit isa ay wala akong maisagot. Ang mga tanong na iyon ay naging pangamba ko na sa buhay. Nakatanggap ulit ako ng chat kay Clarence. Clarence: WE will do the survey. WE are going to talk tomorrow. WE. Sa simpleng ganoon ay napangiti ako. Nagtipa ako ng sasabihin. Me: Yes, Pres. Clarence: Thank you that you understand it now, my secretary. Naidlip na muna ako at kahit na gutom na gutom na ako ay hindi ko nagawang bumaba para kumain. Mas gugustuhin ko na mamatay sa gutom kaysa mamatay sa presensiya nilang lahat. Isang katok ang gumising sa akin. Tinignan ko na muna ang oras at nakumpirming alas-siete na ng gabi. Tumayo ako at pinagbuksan ang kung sino man na iyon. “Anak, kakain na.” May ngiting aya sa akin ni Tita Regina. She’s been good to me since I came here. And I think I will never get used to it. “Busog pa po ako,” A flash of worriedness on her face, “Hindi ka pa kumakain sabi ni Doreen. Gusto mo ba hatiran n—” “Hindi na po, susunod na lang po ako pagtapos niyong kumain.” “Okay, ipatatawag na lang kita kay Doreen. I know you’re not comfortable around those people. But next time at least try to make friends with your cousins?”   They are not my cousins, they are Doreen’s cousin. “Sige po,” Hinintay ko na muna na tuluyan siyang umalis bago isara ang pintuan. It makes my heart ache feeling a burden to them. Nagbasa lang ako hanggang sa sumapit ang alas-nueve. Gutom na gutom na talaga ako kaya naman nang may kumatok ay nagmamadali kong ibinaba ang binabasa at binuksan ang pinto. Pero nang makita ko kung sino iyon ay nawala ang nararamdaman kong gutom. “Sabi ni Tita Regina tawagin kita para kumain,” seryoso niya sambit. “A-Ah, sige salamat.” Umalis din siya agad. Dahan-dahan akong bumaba para makita kung may naiwan pa sa side ni Tatay, salamat at mukhang nasa garden silang lahat. Nagpunta ako sa kusina at sa pangalawang pagkakataon ay nawala ang gutom ko dahil naroon na naman siya at sumasandok ng pagkain. “Hindi pa kasi ako kumakain, sabay na tayo,” aya niya, Bakit pakiramdam ko nag-iinarte lang ako? Masyadong big deal ang nangyari sa akin noon at sa kaniya parang wala lang iyon. Sa tingin ko masyado ko lang ginagawang big deal ang lahat, bata lang kami noon at malamang ay hindi namin alam ang ginagawa. Baka nga nakalimutan na niya ang nangyari. Sumandok lang ako ng pagkain at umupo sa pinakamalayong upuan sa kaniya. Alam kong napansin niya iyon dahil panay ang sulyap niya sa akin, nararamdaman ko. Nauna akong matapos kumain kaya hinugasan ko agad ang pinagkainan ko. Nagulat ako na pagtalikod ko ay naroon na siya hawak ang pinggan niya. Gumilid ako para magkaroon siya ng pwesto sa lababo. “Why do I feel like you hate me?” tanong niya habang naghuhugas. Dapat umalis na ako, pero dahil nagsalita siya ay natigilan ako. “H-Ha?” Hinarap niya ako at iyong kaba ko simula naming pagkikita ay naroon pa rin. Umabante ako kaya napunta ang tingin niya sa paa ko. Kahit kailan ay hindi ako makakapante habang nasa paligid siya o kahit sino man na hindi ko ka-close. “Napansin ko lang na lagi kang umaabante sa tuwing narito ako.” “Sorry,” mabilis kong sagot sa kaniya. “Why—” “Kuya El!” sigaw ni Doreen. “Tan, ‘di ba may gagawin ka pang homework? Mahirap ‘yon alam ko kaya simulan mo na para hindi magpuyat.” “O-Oo,” sagot ko at nagmamadaling umalis sa harap ni El. Alam ni Doreen ang nangyayari sa akin. Lalo na ang trauma ko sa tuwing may nakahaharap akong hindi pamilyar sa akin. Kusang sinasabi ng utak ko na ang batang El ang mga iyon, kahit hindi ko naman gusto. I couldn't sleep that night because I was crying. Everything is exhausting for me. “Tanika, anak.” Nilingon ko ang pamilyar na boses na iyon. Kalalabas ko lamang ng school nang may tumawag sa akin. “M-Mama?” Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin. Ibang-iba na ang itsura niya ngayon, mas lalo siyang gumanda. Ngayon alam ko na kung sino ang kamukha ko. Nanubig ang mga mata ko dahil ngayon ko lang nakita na nginitian ako ni Mama nang matamis. Humakbang ako palapit sa kaniya pero siya naman itong umatras palayo sa akin. Kumunot ang noo ko, “Mama!” tawag ko nang talikuran niya ako at naglakad palayo. Dahil marami pa ring estudyante ay nawala siya sa paningin ko pero hindi ako tumigil an hanapin siya lalo na ngayon na alam ko na narito lang siya sa paligid. Ang bilis nang t***k nang puso ko, hindi ko maikaila ang saya na nararamdaman. Binalikan niya ako, binalikan ako ng Mama ko. Hinihingal na ako sa pagtakbo ngunit hindi ako tumigil, desidido ako na mahanap siya ulit. Halos tumalon ang puso ko nang makarating ako sa isang pamilyar na bangin. “Mama!” Tumulo na ang mga luha sa mata ko. Nanlamig ako nang humangin nang malakas dahilan para tumabon sa mukha ko ang buhok. “Mama!” buong lakas kong sigaw. “Tanika, anak.” Mabilis akong lumingon. “Mama, uuwi na ba tayo? Gusto ko pang makasama ka ulit. Please, Mama, iuwi mo na ako.” Iyak ko sa kaniya. Hindi katulad kanina ay humakbang siya palapit sa akin pero may naiwan pa ring distansiya sa aming dalawa. Umiling siya at mapait na ngumiti na nagpatigil sa akin. Sa isang iglap ay napalitan ang maamo nitong ngiti at mata ng panlilisik habang nakatingin sa akin. “Alam mo ba na inggit na inggit ako sa ‘yo?” puno nang galit nitong tanong sa akin. Humangin muli nang malakas, “M-Ma, hindi kita maintindihan.” “Kinuha mo ang lahat nang nasa akin! Dahil sa ‘yo nawala lahat nang pinaghirapan ko! Dahil sa ‘yo nawala ang buhay na gusto ko!” Umiling ako nang ilang beses, “Ma, miss na miss na po ki—” “Ah!” Nakalapit agad siya sa akin at buong pwersa na itinulak ngunit mabilis akong nakawakan ang kamay niya. “M-Mama, please, huwag…” pagsusumaamo ko, “Hindi,” matigas nitong sabi. Umiling muli ako, humanging muli. Kusang pumikit ang mata ko at doon ko lang naramdaman ang kapayapaan at katahimikan. “Hindi lang dapat ako ang naghihirap, Tanika.” Tumulo sa gilid ng mata ko ang mga luha ngunit wala akong naging reaksiyon. Unti-unti ko nang tinatanggap ang kahahantungan ko. Ayaw sa akin ng Mama ko, gusto niya akong mawala. Kung pagkawala ko ang magpapasaya sa kaniya, buong puso kong gagawin iyon. Dahan-dahan kong niluwagan ang pagkakahawak ko sa kaniya. I'll gladly accept this as my fate if this is where my life ends. “Huwag! Tanika!” sigaw nang pamilyar na boses. “Please, huwag mo akong iwan!” Kasabay ng pagmulat ko ang ang pagtulo ng luha sa magkabilang gilid ng mata ko  ngunit bago ko pa makita kung sino iyon ay nasa ere na ako at naghihintay nang pagbasak. I thought I was ready, but hearing that voice makes me want to live my life. Exon
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD