bc

Tales of Love

book_age16+
197
FOLLOW
1K
READ
drama
tragedy
comedy
twisted
sweet
humorous
heavy
lighthearted
serious
mystery
like
intro-logo
Blurb

Compilation of my One-Shot Stories. Different tales of love that I will be sharing to everyone for free. I hope you all enjoy this as my gift to all of you. This will be updated in a non-consistent manner.

chap-preview
Free preview
Last Day of Christmas
I dipped my fingers on the holy water and did the sign of the cross before entering the church.    Buhay na buhay ang makukulay na liwanag sa loob ng simbahan. Napangiti ako nang makita na marami na rin ang tao sa loob kahit may ilang minuto pa bago magsimula ang misa.    Ito na ang huling araw ng simbang gabi. Bisperas ngayon ng Pasko at napakasarap sa pakiramdam na hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa lahat ang tunay na regalo sa atin sa panahon na ito. Iyon ay ang pagmamahal at pagmamalasakit sa bawat isa.    I looked around and saw each families with a huge smile plastered on their faces. Mayroon ding grupo ng mga magkakaibigan na bahagyang nag-uusap habang naghihintay. Some are alone and silently observing the surroundings.    Huminto ang aking mata sa altar nang makita ang paglabas doon ng pari. Bahagya itong may kinuha bago diretsong naglakad patungo sa likod. Ganoon din ang mga sakristan at nakasunod lamang sa kanya.    Everyone stopped whatever they’re doing and became attentive when they noticed the formation of the priest and sacristan together with the readers of the gospel.    Napatayo ako nang tuwid. I crossed my fingers and listened to the introductory song. Paminsan-minsan ay sumasabay ako doon. Ganoon din ang lahat ng tao dito at nakikisabay pa sa mga kabataan na kumakanta sa choir.    Nagsimula ang misa. Nakangiti ako habang nakikinig sa panimulang salita ng pari. Tila nangangamusta ito at sa malalaki at maaliwalas na ngiti ay pinagmasdan niya ang maraming taong hindi nakalimot na dumalaw sa tahanan ng Diyos sa bisperas ng kapanganakan ni Hesus.    “Huling araw na ng simbang gabi. Alam ko kung ano ang nasa isip niyo. Sa siyam na gabi na nakasama ko kayo ay alam ko kung ano ang pinakahinihintay niyo ngayong araw. Iyon ay ang kahilingan na nais niyong matupad para sa susunod na taon.” Nakangiting pahayag ng pari.    Nagkaroon nang mahinang bulungan at pagsang-ayon mula sa mga tao. Even me, I smiled and got guilty with what he said. Totoo naman, the reason why I completed the ‘simbang gabi’ is for me to make a wish and hope that it will eventually happen by God’s grace.    “Ngayon ang tanong ko, ano ba ang kahilingan ninyo? Are you here to wish for yourself or for others? Is it for your own personal needs and wants or is it for the benefit of all? Iiwan ko ang tanong na iyan sa inyo. I want all of you to think about it properly and have an answer to yourself after this mass.” Tuluyan niyang iniwan ang topic na iyon at nagsimula na sa mismong misa.    Agad na nanuot sa aking pagkatao ang katanungan niyang iyon. I am here to make a wish. Ngunit ano nga ba iyon? Ano ang gusto kong hilingin sa Panginoon? Para kanino ang hiling na gusto kong matupad?    Bumuhos ang mga alaala sa aking isipan habang isinasapuso ang sagot na iyon.    “Maureen, congratulations! You made it, finally! I couldn’t be more proud of what you have become.” Nanlambot ang kanyang mukha habang pinagmamasdan akong umiiyak sa labis na kasiyahan.    After almost ten years of studying medicine, I can now finally say that I’m a doctor! I passed the board exam and got a very satisfactory rating.    Hindi ako makapaniwala. Halos lunukin ko na ang lahat ng libro na binabasa ko habang nag-rereview ako. I sometimes felt hopeless whenever I got tired and when nothing is absorbed in my head. Gusto ko na lang umiyak dahil nahihirapan na ko sa dami ng dapat kong kabisaduhin but looking at the result, I can say that it was all worth it!    “Dra. Maureen Fabian. Sounds good.” I hugged him tight. This is not possible if he’s not with me every step of the way. Sobrang laking pasasalamat ko na hindi niya ako iniwan. Hindi siya nagsawa kahit ilang beses na akong nawawalan ng oras sa kanya.   When I made time for him, he would always caught me sleeping on our dates but he never got angry. Lagi niya akong iniintindi at pakiramdam ko ay napakaswerte ko dahil hanggang ngayon, nandito siya sa tabi ko. He was with me in every milestones of my life.   “Thank you so much, Ethan.” I kissed him deeply to express my gratitude. Matapos ang halik na iyon ay muli ko siyang niyakap. I felt his warm embrace on me. This always felt like home.    He celebrated with my family. Matagal na ang relasyon naming dalawa. We were together for almost five years now. We met unexpectedly inside the hospital. I just graduated from my pre-medicine course that time.    Binibisita ko kasi ang doctors kung saan ako nag-intern noon. Napagkamalan niya akong staff doon at tinanong ako sa mga bagay-bagay at dahil may knowledge naman ako sa medicine ay sinagot ko ang tanong niya. He didn’t realize that I was not one of the staff until my nurse friends told him.    Tanggap at kilalang kilala na siya ng pamilya ko at ganoon din ako sa side niya. I’m actually close to his parents. Minsan nga ay halos ituring na nila akong mas anak kaysa kay Ethan but he seems unbothered by it. Tuwang-tuwa pa nga ito dahil malapit ako sa pamilya niya.    Habang nagkakasiyahan ay napansin ko si Ethan na humiwalay saglit at nagtungo sa balcony ng bahay. I followed him and hugged him sideways.    Agad na lumitaw ang ngiti sa kanyang mukha. Pumalibot ang kanyang braso sa aking bewang at niyakap ako ng mahigpit. He hid his face on my neck.    “Maureen…” Malambing na sabi nito.    “Hmm?” Napangiti ako nang lalo niyang siniksik ang kanyang mukha sa aking leeg. Naramdaman ko ang bahagya niyang pag-amoy sa aking balat.    “I’m really happy for you.” Mahinang sambit ni Ethan.    “I know. I’m also happy because you never leave my side until I reached this point of my life. It was all worth it, Ethan. Makakabawi na ako sayo.” Unti-unti siyang lumayo sa akin. Marahan niyang hinaplos ang aking buhok.    We’ve been together for five years but my love for him never faded. Lalo lang itong lumago at lumalim sa puso ko. He is the man that every girl could wish for.    Kung pagbabasihan ang pisikal na katangian nito ay may ibubuga si Ethan. He is handsome, really handsome. Hindi nakakasawang makita ang maamo nitong mukha. His sincere smile could melt my heart countless of times. Ang malamlam nitong mata ay punong-puno lagi ng emosyon. His nose is on point and his natural red lips is very attractive.    Ngunit hindi naman dahil doon kaya ko siya minahal. His heart is so pure. Napakabait niyang tao. Napakamaintindihin niya rin. Halos hindi ito marunong magalit. Sa tuwing nag-aaway kaming dalawa ay madalas ako ang nagkakamali pero siya pa rin ang unang kumakausap sa akin.    He is so mature in every possible way. He makes me see his point without offending my feelings. Hindi siya nagsasawa na ipaintindi sa akin ang lahat ng pagkakamali ko para sa susunod ay hindi na iyon muling mauulit.    Aside from that, he is very religious. Noong mga panahong hindi pa ako abala sa pag-aaral sa board exam ay lagi kaming nagsisimba tuwing Linggo. Kapag kakain kami ay pinapangunahan niya ang dasal. Siguro iyon ang dahilan kung bakit napakabait niya.    He respects me so much. Ni minsan ay hindi ako nagkaroon ng problema sa kanya pagdating sa babae. He is friendly, yes, but he knows his limitations. He is very faithful to me and that’s making me love him more.    After passing the boards, reality hits me. Akala ko mas magiging magaan na ang schedule ko pagkatapos kong mag-aral ngunit hindi. Mas naging doble ang pagiging busy ko at halos sa ospital na ako tumira.    “Doc, nasa labas po si Sir Ethan.” Uminom ako ng tubig at pagod na tumayo. Lumabas ako ng staff room at nilapitan siya. I’m still wearing my white coat at hindi pa ako nakakapag-disinfect kaya kahit gustong-gusto kong yakapin siya ay hindi ko magawa.    Ethan smiled at me and just like that, naging magaan na ang pakiramdam ko. Pagod na pagod ako kanina ngunit sa isang ngiti niya lang ay parang nilipad ang lahat ng iyon sa malayo.    He opened his arms wide for me but I shook my head.    “I can’t. Hindi pa ako naliligo.” He chuckled and pulled me for a hug.    “It’s okay. Come here.” Mahigpit kong ginantihan ang yakap niya. His warmth enveloped my body. It was very relaxing to be in his arms.    Hindi ko na alam kung kailan kami huling nagkasama ulit. Madalas ay binibisita niya ako dito sa hospital ngunit hindi iyon nagtatagal dahil agad akong pinapatawag sa emergency.    “I’m so sorry, Ethan. Sabi ko, babawi ako sayo pero lalo lang akong naging busy.” Malungkot kong sabi. He reached for my hand while he is driving. Mahigpit niyang hinawakan iyon at binigyan ako ng matamis na ngiti. Halos matunaw ang puso ko sa ginawa niyang iyon.    “It’s okay, Maureen. I understand your job.” Malambing na sabi nito. Natahimik ako at pinakatitigan siya.    Anong nagawa ko sa buhay para mapunta siya sa akin? He is almost perfect. Pakiramdam ko minsan ay hindi na niya deserve ang isang tulad ko. He deserved all the love, time and attention in this world. Hindi dapat siya nanlilimos lang ng atensyon sa akin. Hindi dapat niya pinagkakasya ang sarili niya sa kakapiranggot na oras na naibibigay ko sa kanya.    “Ethan…” Mahinang sabi ko sa kanya.    “Hmm?” Naupo ako ng tuwid saka humarap sa kanya.   “What made you stay? Hindi ka ba nagsasawa sa akin?” Saglit siyang tumingin sa akin.    “Why are you asking me that all of a sudden?” Magaang sabi niya. Hindi niya alintana ang pagiging seryoso ng tanong ko.    “Bakit kahit na mawalan na ako ng oras sayo ay nandito ka pa rin? Why do you keep on choosing me when my attention is divided between you and my work?” Ako ang nalulungkot at nasasaktan para sa kanya. He didn’t deserve this kind of relationship.    “I stay because I chose to stay with you. Wala akong pakialam kung nakikihati lang ako ng oras sa trabaho mo. It’s you that I’ve always wanted, Maureen. I will never get tired of understanding you if that means that I’ll have you forever.” Naluluha akong tumingin sa kanya. What did I do to deserve him?   “Mahal na mahal kita, Maureen. Umpisa pa lang ay alam ko na maaaring mawalan ka ng oras sa akin but I really do understand. In fact, it makes me so happy that you’re helping others. I’m proud of what you’re doing and I want you to continue saving people’s lives.”    Ilang araw akong binagabag ng pag-uusap naming iyon. May kumikirot sa puso ko sa tuwing inaalala ko kung ilang beses akong hindi nakakasipot sa lakad namin dahil sa emergency sa ospital.    Sa tuwing nakikita ko ang mukha niyang malungkot at nanghihinayang kapag tatawag ako at sasabihing hindi ako makakapunta ay parang pinipiga ang puso ko. Sa tuwing sasabihin niya ang mga katagang “Okay lang. Naiintindihan ko.” ay parang gusto kong umiyak na lang.    Hindi dapat ganito ang nararanasan niya. Hindi dapat niya kinukulong ang sarili niya sa akin dahil maraming babae sa mundo na kayang-kaya na ibigay ang kanilang buong atensyon sa kanya. They are more than willing to be with him everytime he needed someone.    I want to be with him but my work requires more attention. Totoo nga ang sinasabi nila. Being a doctor means having a lot of sacrifices.   I want him to be happy. I want him to be free. Gusto kong malaman niya na marami pang choices sa mundo. He shouldn’t settle on something like me. Kapag nagpatuloy kaming dalawa ay maaaring matali siya sa akin at hindi siya maging masaya.    Pinilit kong matupad ang natatanging day-off ko sa linggong iyon. I asked Ethan for a dinner date today in my condo. Naalala ko pa ang pagkabigla sa kanyang mukha noong sinabi kong day-off ko ngayon. The look on his face when I invited him for dinner made my heart hurt. He was very happy.    Maaliwalas ang mukha niya at sinalubong ako ng yakap. He is radiating with too much happiness.    “I’m so happy, Maureen. Thank you. Thank you for doing this. Kahit kaunting oras lang na makasama ka ay sobrang saya na para sa akin.” Malambing na sabi ni Ethan. Tipid akong ngumiti sa kanya at umiwas ng tingin.    Inaya ko siya sa kusina para kumain. Pinaghanda ko siya ng mga paborito niyang pagkain. Hinayaan ko siyang maupo at pinagsandok siya ng mga iyon. Halos hindi ko na matandaan kung kailan ko siya pinagsilbihan ng ganito.    Nagsimulang mag-init ang mata ko nang makita ang tuwa sa kanyang mga mata. Naupo ako sa harap niya at uminom ng tubig. Nilunok ko ang malaking bara sa aking lalamunan.    I was silent when we started eating. Alam kong naramdaman iyon ni Ethan ngunit hindi niya iyon binigyan ng pansin. He tried to start a conversation with me. Kinamusta niya ako at ang trabaho ko sa ospital. Matipid ko lamang siyang sinasagot. Ang tingin ko ay diretso lamang sa plato dahil sa oras na magtama ang aming tingin ay alam ko sa sarili kong maiiyak na ako.    “Maureen…” Mahinang sabi niya. He reached for my hand. Nag-aalala ang mukha nito habang nakatingin sa akin.    “May problema ba?” Malumanay na tanong nito. Umiling lang ako at hindi manlang siyang tinapunan ng tingin.    “Maureen, please? Let’s talk about it. May problema ba? Sa ospital, may nangyari ba? O sa akin, may problema ba tayo? Please, answer me…” Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Tumulo ang isang luha sa aking pisngi at maya-maya pa ay sunod-sunod na iyon hanggang sa tuluyan na akong umiyak sa harap niya.    “Ethan, let’s end this.” Parang asido sa aking bibig ang mga katagang iyon. Tinignan ko sa mata si Ethan at nakita kong napahinto siya.    “Huh? Maureen, what are you talking about? You want to end our dinner? Pero hindi ka pa kumakain.” Patay-malisya siya habang dinadagdagan ang pagkain sa aking plato.    “Ethan, let’s break up!” Umiiyak kong sabi dito. Tuluyan siyang tumigil sa ginagawa. Napuno ng sakit ang kanyang mukha.    “Bakit? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? What is it, tell me so that I can change myself. Huwag ka namang makipaghiwalay agad sa akin.” Nagmamakaawang sabi nito.    “I’m sorry but you don’t deserve me, Ethan. Hindi kinakaya ng konsensya ko na palagi kitang napapabayaan dahil sa trabaho ko. Hindi ko kayang nakikita ka laging disappointed sa tuwing kailangan kong bumalik sa loob ng emergency room. I want to give you the best and I can only do that if I’ll set you free.” Kumunot ang kanyang noo.    “Maureen, napag-usapan na natin ito diba? It’s okay for me. Alam ko ang mangyayari sa relasyon natin noong sinabi ko sa sarili kong liligawan kita. I already prepared myself for this. Don’t leave me, Maureen. My love for you is deep and I will always find a way to understand you.” Namumula na ang mata nito. Lalong sumakit ang puso ko habang pinagmamasdan siya.    Tumayo ako at lumayo sa kanya. Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan dahil sa akin.    “Maureen, please. Let’s talk about it first. Huwag ka namang magdesisyon agad ng ganito.” Hinawakan niya ang aking kamay at nagmakaawa sa akin. Nanlaki ang aking mata nang lumuhod siya sa harap ko. Nilabas niya ang maliit na kulay pulang box at binuksan iyon.    “Maureen, pakasalan mo ako. I am willing to spend my life with you. Mahal na mahal kita at handa akong samahan ka sa kahit na anong desisyon mo sa buhay.” Bumuhos ang panibagong luha sa aking mukha.    Marrying him means he’s tied with me. Habang buhay niyang titiisin ang buhay na mayroon ako. Habang buhay siyang makikihati sa atensyon ko at sa trabaho ko. I can’t let that happen. Hindi siya magiging masaya sa akin.    “Ethan, I’m sorry.” Tumakbo ako palabas at iniwan siya doon.    I cried my heart out. Ilang araw akong absent sa trabaho dahil wala ako sa focus at baka imbis na mabuhay ko ang pasyente ay lalo lang itong mamatay. Every night I would hear Ethan pleading outside my condo. Wala akong ibang magawa kundi umiyak at tiisin ang sarili kong puso kahit sobrang namamanhid na ito sa sakit.    He will heal. Darating ang araw na makaka-move on din siya sa akin. Makakalimutan niya ako at makakahanap siya ng iba na handang ibigay ang buong oras at atensyon sa kanya.    “Ang tunay na kahulugan ng Pasko ay ang pagmamahal na binibigay natin sa kapwa at sa ating sarili. Ito ang purpose kaya dumating si Hesus. To bind us and to reconcile with everyone who wronged us for the past year. To make up for all the sins we did to others.” Naluluha akong tumingin sa pari habang nagsasalita ito.    “Kaya ngayon, gusto kong ibalik ang tanong ko kanina and I hope everyone of you have your own answers. Para saan at nandito ka ngayong huling araw ng simbang gabi?”     Natapos ang misa at ang lahat ng tao ay nagsilapitan sa altar upang mag-bless sa pari. Hinintay kong humupa ang tao at nang makitang isa na lang ang naroon ay saka ako lumapit.    Nagtama ang tingin namin ng pari. He smiled at me genuinely.    “Merry Christmas, Father Ethan.” Nakangiting bati ko dito.    “Merry Christmas, Maureen. I’m glad you’re here. Kamusta ka?” We talked for a while. It’s been ten years since I last saw him. Huling pagkikita namin noong pinaalam niyang magpapari siya.    Hindi ko makakalimutan ang sinabi niya noon. “If it’s not you then I will surrender myself to the Lord.”    I looked on his face. He is still that very same Ethan I loved before. He will always be my great love.    “Mommy, let’s go? Hinahanap ka na ni Dad sa labas.” I heard my daughter. Ethan smiled at her and carefully held her hair. Sa huling pagkakataon ay muli siyang tumingin sa akin.    “I’m happy for you, Maureen. I will always pray for you and your family’s safety. If you needed a friend, don’t hesitate to call me.”    My wish is for him to find his happiness. It has been my wish right from the start and I’m glad that he found it in God’s arms.     

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook