Nagsiubuhan ang mga guests na kasama namin. Mapanuksong tingin naman ang ipinukol ni Janine sa akin. Hindi ko alam kung anong nakain ni TJ at ginagawa niya ito ngayon sa harap ng maraming tao. Alam ko namang gusto ni TJ ipakita na mabuti siyang tao pero hindi niya ito kailangang gawin. Pinagtitinginan na rin kasi kami maging ng ibang empleyado ng resort at ayokong mapagisipan pa nila kami. Kaya naman upang makaiwas sa gulo, umatras ako pagkatapos ng ginawa ni TJ at binaling ang atensyon kina Janine. “Bakit magkakasama pa rin kayo?” tanong ko dahil akala ko’y pagkatapos ng nangyari sa may pool area, magsasarili-sarili na sila. “Ililibre kami ni Mr. Valderrama ng lunch,” sabi naman ni Janine na hindi ko agad napansin ang pagsulpot sa tabi ni TJ. “You can join us! Pa-thank you na rin n

