“GANDANG-GANDA ka na naman sa akin!” biro ni Jenny kay Lance nang mapansin niya na nakatulala ito sa kaniyang mukha. Tumawa siya nang mamula ang mukha ng lalaki. Tila nahihiyang yumuko ito habang pigil ang pagngiti. Natutuwa siya kapag ngumingiti si Lance dahil paborito niya ang dalawang malalalim nitong dimples. Mas lalo itong gumagwapo. Totoo namang gwapo si Lance. Maputi ito, matangkad at may tamang laki ng pangangatawan. Matangos ang ilong, may tamang laki ang mata, makapal ang kilay at maganda ang hugis ng mapula nitong labi. Kaya hindi na rin nakakapagtaka na marami ang nagkaka-crush sa lugar kung saan sila nakatira. Ang totoo niyan ay wala pa ring naaalala si Jenny sa kaniyang nakaraan kahit dalawang taon na ang nakakalipas simula nang maaksidente sila ni Lance. Ang sabi kas

