Chapter 16

2702 Words
KAHIT kailan hindi ko inaasahan na may maglalakas ng loob na manligaw sa akin. Ni sumagi man lamang sa isipan ko'y hindi ko nagawa. Sino ba naman kasi ang lalaking magkakagusto sa isang tulad ko? Sa isang tulad kong badoy magsuot ng mga damit, hindi pa alam kung paano’ng mag-ayos ng buhok, maglagay ng kung anong make-up sa mukha, flat ang dibdib at maging ang pwet, at medyo chubby nang kaunti kaya’t hindi sexy. Kung saan, kabaliktaran ang mga ‘yon sa hinahanap ng isang lalaki sa babae. Kaya’t nakakatawang isipin ang chat na iyon kagabi sa akin ni Spon. Pinagtawanan ko siya saka nireply-an kung seryoso ba siya, baka mamaya ay may tinira pala siyang gamot o may kinain dahilan ng pagkakabangag niya. At ganoon ang ini-chat niya sa akin. Pero sabi naman niya'y seryoso siya at hindi siya nababaliw. Ang dati ko nang magulong isip ay mas lalong nagulo dahil sa walang hiyang Spon na iyon. Mas binabaliw niya ako sa mga salita niyang walang pagpaplano man lang. Kaya ba hindi niya sinabi sa akin kagabi pagkatapos akong ihatid dahil nahihiya siya? Kaya sa chat na lang niya sinabi? E, sino bang maniniwala sa kanya? Kung ganoong sa chat niya sasabihin? Hindi ko makikita ang emosyon o ang reaksyon ng mukha niya. Pero kung iisipin ko pa lang na sasabihin niya ang mga katagang iyon sa akin nang harapan, ay parang mawawala na ako sa katinuan. Sarap niyang sampalin, para magising siya sa katotohanan na hindi naman talaga niya ako gusto at nagkamali lang siya. Kasi ang isang tipo ko na babae ay hinding-hindi magugustuhan ng isang lalaki. Wala sa akin ang ideal girl na hinahanap ng lahat, kaya talaga, hindi ako makapaniwala sa ipinagtapat na iyon ni Spon. Siguro talaga'y nababaliw lang siya o pinag-t-trip-an niya lang ako. Ganito marahil talaga ang reaksyon ng isang babae kapag first time na may nagsabi sa kanyang liligawan siya. Mapapatanong ka na lang talaga sa sarili mo, kung ano ang nakita ng lalaking 'yon sa iyo at bakit naisipang manligaw? Wala namang kagusto-gusto sa akin, nabubulag na marahil si Spon, o baka naman nauntog siya sa kung saang pader kahapon. Kailangan niya ulit magpauntog para magising siya sa isang mapait na kapalarang pinili. Totoo? May nanliligaw sa isang tulad ko? Imposible! Imposible talaga at si Spon pa! Hindi ako makapaniwala, hindi talaga! Parang panaginip lang ang lahat! Pero kahit makailang ulit ko pang sampalin ang sarili ko'y nasa reyalidad pa rin ako at nandoon pa rin sa chat box ang mensahe ni Spon. "Ugh!" maktol ko nang magkabuhol ang dalawa kong paa dahil sa pag-ikot na steps na pina-practice. Kasalukyan kaming sa dome, at nagsisimula nang mag-practice ng zumba para sa nalalapit na CTE Got talent. Lumapit ang sa akin si Marie nang matumba ako sa sahig na tiles. Si Marie ay isa sa mga kaklase ko na makakasama sa pag-p-practice ng zumba. Pito lang kaming representative mula sa BEED section one, samantalang sa section 2 ay nasa sampu sila. Kaya't nasa labing pitu kaming lahat. Qualified na para sa contest na zumba, 15-20 members kasi ang required, para makasali sa contest. "Ayos ka lang, Lumi?" tanong niya saka ako inalalayang makatayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. Hindi naman kami madalas nagpapansinan sa loob ng silid, kaya't medyo hindi ako komportaable sa kanya. Siguro ay ramdam niya rin ang twnsyon na namamagitan sa amin. Pero itunago niya iyon sa isang alanganing ngiti. Kahit man hindi kami ganoon malapit ay nginitian ko siya kahit papaano, bilang pagrespeto na rin sa kanya. "Salamat, ha. A-ayos lang ako." Pinagpagan ko ang likuran ng aking lower skin jeans na suot. Tumango siya bilang pagtanggap sa pasasalamat ko. Ngumiti pa ako sa kanya, bago bumalik sa next steps na itinuro ng aming trainer. Basang-basa ako ng pawis nang sumalampak sa sementadong upuang naroroon naman mismo sa dome. Binigyan kami ng break pagkatapos ng ilang beses na paulit-ulit na pagsayaw. Pinagmasdan ko ang ibang mga kurso na nagpa-practice rin ng kanilang sayaw. Nandoon ang determinasyon, pagsusumikap at ang pagharap sa hamon ng buhay para lamang magtagumpay. Nagkasya kaming lahat dahil sa lawak ng dome, halos may kalahating ektarya kasi ang laki nito na pwede nang patayuan ng isang bahay na malaki, sakop na ang buong bakuran at garage kung sakali. Nakapwesto ang dome sa gitna ng townhall plaza ng Banga, kaya naman ay dinadayo ito ng mga estudyante at ilang mga tumatambay. Ang plaza kasi ng Banga ay halos pwede nang pagtayuan ng isang exclusive village, ayon nga lang ay maraming maliliit na pathway ang pasikot-sikot. Dinama ko ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat. Nagdala iyon ng kaginhawahan sa aking kabuuan. Animo'y may nagsaboy ng ilang-ilang sa buong paligid dahil sa bango na nanunot sa aking ilong. Pero nangingibabaw ang medyo maasim at maalat na amoy, nagmumula sa sariling balat na natuyuan na ng sariling pawis. Kumuha ako ng alcohol sa aking pouch bag at inilagay sa aking panyo at ipinunas iyon sa aking leeg at braso. Tiningnan ko ang aking smartphone nang tumunog ito bigla. Ini-open ko pala iyong mobile data kanina. Binasa ko ang notification. Spon sent you a message. Tila nanggaling ako sa isang mahabang takbuhan dahil sa pagtaas-baba ng aking dibdib; hindi dahil sa pagod kundi sa tensyon na dala sa akin ni Spon. Hindi talaga siya nawawalan ng pagkakataon na bigyan ako ng atake sa puso kahit wala naman akong sakit na heart disease. Pinabibilis niya ang pintig no'n kahit na pangalan pa lang niya ang nababasa ko. Tila ba may electric shock na umatake sa akin at naginginig ang buong kalamnan ko't may kung anong kumikiliti na bulate sa loob ko. Maging iyon siguro'y sumasayaw sa loob at binubulabog ang buong pagkatao. Binasa ko ang mensahe niya. Spon: Saan ka, mushroom? Hintayin sana kita hanggang matapos practice mo? Gusto kitang panoorin. Tila ako sinapian ng isang matandang babae na nasa edad nubenta, dahil sa mga nanginginig kong daliri habang tumitipa sa i-re-reply para sa kanya. Matapos kong mai-send iyon kay Spon ay agad akong uminom ng tubig para maperme ang aking hindi na normal na paghinga. Pagkatapos ng ilang sandali ay tinawag na kami ng aming trainer para sa susunod na namang steps naming gagawin. Sa kalagitnaan ng aming pagsasayaw ay natanaw ng aking mga mata ang lalaking mala-santo kung kumilos. Pero may pagkahudas at tuso na ugali at pag-iisip. Ang malala pa nito mamaya'y, ang sasabihin ko kapag tatanungin niya ako nang harap-harapan, patungkol sa chat niya kagabi. Ano na lamang ang isasagot ko sa kanya? Kung hanggang sa mga oras na ito'y hindi ko pa alam kung ano ang kasagutan? Namalayan ko na lamang na nagkabuhol na naman ang aking dalawang paa habang ang mga mata ay na kay Spon. Ngumiti siya nang malapad at mahinang kumaway sa akin, dahilan upang mas lumambot ang aking mga tuhod at matumba. Wala na, patay na talaga. Malalaga ang tama ko. Alas onse y medya natapos ang practice namin. Binigyan kami ng aming trainer ng isa at kalahating oras para sa lunch break. Malapit lang din naman ang boarding house ko sa plaza, kaya't hindi ko na kinailangan pang bumaon tulad ng iba kong nga kasama. Agad na lumapit sa akin si Spon nang pababa na ako ng hagdan palabas ng dome. Sumabay siya sa bawat hakbang na ginagawa. "Ahm, Lumi. . . pwede ba kitang makausap ngayon?" Parang may nag-spray ng Axe na cologne sa buong paligid at sumabog iyon sa aking ilong pag-ihip ng hangin. Hinding-hindi ako magkakamali na nanggagaling iyon sa kanya. "P-pwede naman. . ." Lumiko ako sa may fountain at dumeretso sa isang bench para makapunta sa kalsada, patungo sa aking boarding house. "Uuwi ka na?" sunod niyang tanong, habang nakasunod pa rin siya sa akin. Pinipilit niyang kunin ang atensyon ko, na sinusubukan kong iwasan. Kinakabahan ako sa maari niyang itanong sa akin, na wala pa akong maisasagot. "Oo, kakain muna ako ng tanghalian bago bumalik sa dome para ipagpatuloy ang practice namin." Isang tanong, isang sagot. Sana maramdaman niyang hindi ko siya gustong makausap ngayon. Humigpit ang hawak ko sa strap ng aking pouch bag nang magsalita siyang muli. Muntik na akong matumba dahil sa klase ng tanong niya. "Pwede ba kitang ligawan?" Shit! Hindi man lang ba siya aware na kinakabahan ako? Na, hindi ko makayanan kapag harap-harapan na niya iyong itatanong sa akin? Na ang mga salitang iyon ay nakapanghihina ng mga tuhod? Niyayanig ang mundo ko, at nagpapagulo ng mga kalamnan? Nagkunyari akong hindi siya narinig. Agad akong tumawid sa pedestrian lane nang maubos na ang mga sasakyan papunta sa kanan at kaliwa. Binilisan ko ang aking mga hakbang, ngunit sadyang mahaba ang mbiyas niya at naabutan niya pa rin ako. Mabilis niyang hinawakan ang aking braso at pinaharap. "Alam kong nakabibigla ito, Lumi. Pero ito ang totoo, totoong gusto kitang ligawan. Hindi ko alam kung saan at paano nagsimula na m nagustuhan kita, pero nababaliw ako sa tuwing nandyan ka." Binawi ko mula sa kanya ang aking braso. Hindi ko gustong maramdaman niya ang aking nararamdaman, ayaw kong magbigay sa kanya ng pag-asa. Lalo na't alam kong walang kasiguraduhan ang mga sinasabi niya. Natatakot akong masaktan. Natatakot ako sa maaring mangyari pagkatapos ng pagtatapat niya sa mga oras na ito. Maaring may magbago. O, maaring hindi na mabalikan ang dating samahan naming dalawa, pagkatapos ng mga magaganda, matatamis at masasakit na mga salita. "Spon, baka nagkakamali ka lang sa nararamdaman mo. Siguraduhin mo muna, huwag kang padalos-dalos. Pasensya ka na, kailangan ko nang makakain." Mabilis akong tumalikod. Isang simula na alam kong pagsisihan ko rin sa huli. Pero ito ang nararapat, kaysa sa masktan ko siya at paasahin sa wala. "Maghihintay ako, Lumi! Itutuloy ko pa rin ang panliligaw ko." Gustuhin ko man siyang lingunin at yakapin; sabihin sa kanya na hindi na niya ako pwedeng ligawan dahil gusto ko rin siya, pero hindi ko magawa. Priority ko ang responsibilidad. Mag-aral muna bago ang mag-boyfriend. Gaya ng pinangako sa aking mga magulang. ** MATAMAN akong pinagnamasdan ng tatlo kong kaibigan, habang kumakain ng cheese burger. Samantalang ako ay tulala sa kawalan at problemadong-problemado. Wala akong ganang kumain ni kumilos. Kanina pa sila takang-taka at tanong nang tanong sa akin kung ano ang nangyayari. Gusto ko man sa kanilang sabihin ang tungkol kay Spon, pero nahihiya ako. Baka mamaya ay kung ano lang ang sabihin nila at maapektuhan pa ang magiging desisyon ko sa buhay. Hindi ko hahayaang masira ang pangako ko at ang magiging priority. “Kanina ka pa tulala diyan, ‘day? Ano’ng problema?” biglang untag sa akin ni Gwen, habang nakataas ang kilay. Si Berlin naman ay nakatitig sa akin nang seryoso habang pinag-aaralan ang mga kilos ko. Si Lyn naman ay iiling-iling habang humihigop ng kanyang milktea na binili kanina. Bumuga ako ng hangin, tila ba malaki ang problema na dinadala. Hindi ko na kaya kung sasarinlin ko lamang itong pinagdadaanan ko. Ilang araw na ring ginugulo ni Spon ang isipan ko at hindi na ito makapag-isip nang maayos. Kumamot ako sa aking ulo saka humaba ang nguso sa prustasyong nararamdaman. “May problema kasi ako. . .” “Sabi sa inyo may problema itong maganda nating kaibigan,” sang-ayon ni Berlin kasabay ang paghampas sa mesa. Siniko siya ni Lyn at pinanlisikan ng mga mata. “Panira ka talaga. Hayaan mong mag-share si Lumi. Ikaw talaga.” “Ano’ng problema mo ‘day?” Sa halip ay tanong sa akin ni Gwen. Tinitigan ko silang tatlo, “Kasi. . . si Spon, nanliligaw—” “Sabi ko na nga ba!” biglang singit ulit ni Berlin, kaya’t sabay siyang pinanlisikan ng mga mata ng dalawa. Kumibit-balikat siya saka tinabunan ang mga labi. Huminga ako nang malalim upang ipagpatuloy ang naudlot na sasabihin. “Nanliligaw siya, sinabi niya sa akin, balak niya akong ligawan. Kaso nga lang ayaw ko dahil gusto kong mag-aral muna.” “Oh, e, bakit apektado ka?” tanong ni Lyn, na siyang tinanguan ng dalawa. Napasabunot ako sa aking buhok habang nanggigigil na durugin nang pino ang utak ko. “Kasi gusto ko rin siya; gustong-gusto. Pero iniisip ko iyong mga pangaral nina mama sa akin. Ayaw kong suwayin sila. Baka mag-boyfriend ako, e, palayasin ako sa amin, o ang malala pa ay hindi na ako paaralin; baka mapatay pa ako.” Nagusot ang mukha ni Berlin saka sumandal sa kanyang upuan. “Problema nga ’yan, Luminary. Pamilya na ang kalaban mo.” Pumalakpak si Gwen sa ere na siyang ikinalingon namin sa kanya. Ngiting-ngiti siya, mukhang siya lang yata ang nasiyahan pagkatapos ng mga sinabi ko, samantalang ang dalawa ay nadala sa emosyon at problema kong dinadala. “May naisip akong solusyon sa problema mo ‘day!” ani niya. “Ano naman ang naisip mo diyan, Gwen-dat?” tanong ni Berlin habang nakataas ang kilay. Sumingit naman si Lyn, “for sure, isa na namang walang kabuluhan ’yan. Naku huwag ka diyang makinig, Lumi.” Tila nagtatampong umismid si Gwen, pero pinagpatuloy pa ring sabihin sa amin ang kanyang naisip. “Grabe naman kayo! Pero ito ang naisip ko, wala namang masama kung susubukan mo, ’day! Huwag mo lang ipaalam sa parents mo, wala ka namang gagawing masama na ikakasira ng pag-aaral.” Tumango-tango ang dalawang sina Berlin at Lyn sa sinabing iyon ni Gwen. Mukhang iyon nga rin ang magiging solusyon sa problema ko. “Pero iyon ay kung handa kang mag-take ng risk,” dugtong pa ni Gwen na siyang ikinahinga ko nang pagkalalim-lalim. Ano nga ba ang gagawin ko? ** Dumaan muna ako sa simbahan pagkatapos ng klase namin. Bukas naman kasi ang simbahan tuwing alas sinco nang hapon, alas siyete naman kasi nang gabi ito sarado, kaya’t may oras pa akong makipag-usap sa Diyos. Alam kong matutulungan niya ako sa problema na dinadala ko. Hindi lang kasi ang isip ko nagtatalo, kundi maging ang puso ko ay gulong-gulo na rin. Pagkarating ko sa loob ay agad akong nanalangin sa Diyos, at nagsumamong tulungan akong magdesisyon sa sitwasyong komplikadong lusutan, lalo na't pareho kong gustong subukan at iwasan. Makaraan ang ilang sandali ay lumabas ako ng simbahan nang medyo lumuwag na ang masikip na dinaramdam ko sa dibdib. Medyo nalinawan na rin ako sa mga bagay-bagay, wala talagang imposible kapag sa Kanya lalapit. Sakto pagka-upo ko sa isang bakanteng bench sa plaza ay ang paglapit naman ng lalaking dahilan ng problema ko sa mga oras na ito. Nakangiti siya habang nakatitig sa akin nang mayaman. Umupo siya sa aking tabi pero may distansya. Nanatili akong tahimik. Hindi ko gustong simulan ang usapan, gusto ko siyang mauna, at sasagutin ko na lamang ang katanungan na kanyang tatanungin. “Huli na ito, Lumi. Naiintindihan ko kung talagang ayaw mong ligawan kita. Alam ko na priority mo ang pag-aaral mo, pero wala ba talaga akong pag-asa? Hindi ba talaga kita pwedeng ligawan? Hindi mo ba talaga susubukan?” Hindi ako nagsalita. Nanatiling tikom ang bibig, hinahayaan siyang ilabas ang lahat nang gusto niyang sabihin sa akin. Pagkatapos no’n ay ako naman ang magsasalita. “Hindi ko alam kung paano, pero naramdaman ko na lamang na gusto kita. Nahihiya akong magtapat sa iyo; natatakot na sumubok, pero nilakasan ko ang aking loob, dahil mas natatakot akong maunahan ng iba o mapunta ka sa iba. . .” . . .“Mushroom, naiintindihan ko kung mananatiling pag-aaral muna ang uunahin mo, pagkatapos kitang tanungin ulit.” Bumuga siya ng hangin. Ramdam na ramdam ko ang paglaban niya sa mga nakaharang bagay sa pagitan naming dalawa. Nilalabanan niya ang mga ’yon para lamang makuha ang aking atensyon at balingan siya. Pinagpadyak niya ang kanang paa na may suot na slider sa magaspang na sementado. Mukhang sa pamamagitan no’n ay mawawala kahit na kaunti ang tensyong nararamdaman niya, maski ako rin ay nang-iinit at sumisiklab ang puso. “Lumi, p-pwede ba kitang ligawan?” Humigpit ang pagkakahugpong ng dalawa kong kamay. Pumikit nang mariin. Marahil ay oras na talaga para mag-take ng risk, tulad ng sabi ni Gwen sa akin kanina. Bahala na! In God's will! “O-oo! Oo na, pwede mo na akong ligawan,” mahina kong bulong bilang sagot sa kanyang tanong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD