NOONG bata pa ako at nasa elementarya hanggang senior high school ay hindi ko man lang naranasang i-express ang sarili kong opinyon. Nanatili lamang ako sa sulok, nakikinig; tikom ang mga bibig. Takot na magsalita, dahil sa baka kung ano ang maaring sabihin ng iba.
Kahit gusto kong sumali sa mga activities ng school ay hindi ko man lang sinubukan. Bukod kasi sa natatakot akong ma-judge, ay nahihiya rin ako sa atensyon na binibigay ng mga manonood.
Minsan nga ay napili akong maging representative sa Read-a-Thon contest noong elementary pa. Labis na isipin ang naging resulta sa akin noon pagkatapos ng contest. Hindi naman dahil sa second place ako, kundi dahil sa hiya at para akong daga na tahimik lamang sa isang sulok. Samantalang ang ibang mga kalaban ko ay palakaibigan at ang laki nang confidence sa sarili.
Natatandaan ko pang may sumubok na kumausap sa akin noon, pero natakot ako't bumalik sa aking upuan at nagmukmok. Umirap tuloy ang cute na babae, saka pumunta na lamang sa iba pa naming kasama.
Marahil talaga ay ipinanganak akong mailap. Hindi kayang tumayo sa sarili kong mga paa, at kinakailangan ko pa ang payo nila mama o ng aking kakambal na si Avery.
Nang umapak na kami ng high school ay medyo nasanay na rin akong makisalamuha sa ibang tao. Pero nanatiling pili ako at masuri. Nakikisama ako sa mga ka-level ko lang, at nagiging ibang tao ako sa kanila, at sa iba kong hindi masyadong mapalagayan ng loob.
Isa akong masunuring anak sa bahay, masayahin, at nanatili lamang sunud-sunuran. Minsan ay nakikipagkulitan sa aking kapatid at mga magulang kung sa mood, pero nanatiling kontrolado sa aking sarili. Dahil sa takot na baka hindi ako maging mabait o kaaya-ayang anak sa paningin nila.
Pagdating naman sa school ay isa akong mahinhin na babae. Dalagang pilipina nga kung tawagin ng mga kaklase, parang isang rosas na hindi basta-basta mahawakan o kaya'y isang hindi makabasag-pinggan. Mapagbigay. Nakikipagkaibigan. Hindi marunong tumanggi. Tahimik sa isang sulok at kill joy.
Pagdating naman sa mga kaibigan ko'y binabagay ko ang aking ugali sa kung ano ang pinapakita nila. Nakikisabay sa kung ano ang trip nila, pero kontrolado. Hindi ako bumibitiw ng aking saloobin o ng mga masasakit na salita. Neutral lang. Dahil kailangan.
In short, hindi ako lubos na nagtitiwala sa kanilang lahat. Natatakot akong mahusgahan, natatakot akong iwasan nila oras na malaman nila kung sino talaga ako.
Dahil kapag sa tuwing ako'y nag-iisa, ang utak ko'y magulo. Puno ng katanungan. Walang tamang direksyon. Puno ng kalungkutan, at kaguluhan. Hindi malaman kung sino ang sino at ano ang gusto.
Masaya. Pero nandoon pa rin ang lungkot na lumalamon sa akin. Parang may kung ano akong gustong hanapin pero hindi ko alam kung ano iyon. Hinahanap ang aking sarili, dala ang mga masasakit na sugat dulot ng tubig na humahampas sa aking balat.
Tila ako isang bangka na palutang-lutang sa kalawakan ng karagatan na walang direksyong patutunguhan. Habang hinahayaan ang alon na ako'y saktan, at balatan nang buhay. Kung saan ang bawat hampas no'n ay nang-iiwan sa akin ng kirot at lapnos.
Kaya naman nakapagtataka na isa ako sa pinili na maging isa sa representative ng section namin para sa CTE Got Talent na gaganapin. Makakasama ko ang BEED first year section 2 na sasayaw rin ng zumba.
Hindi naman ako kagalingang sumayaw, nakakahanga na ang iba kong kaklase ay nagbigay ng tiwala sa akin at sa iba ko pang makakasama na sumali sa ganitong patimpalak.
"Naku 'day! Ikaw pa, huwag ka nang kj dyan! Gora na, 'nu ka ba!" pag-c-cheer up pa sa akin ni Gwen, sabay hampas sa aking kaliwang braso.
Kasalukuyan kasing may meeting ang BEED section one at two. Kaya naman ay maingay ang buong room dahil sa mga boses, habang sinisigaw ang pangalan ng kanilang pinipiling representatives.
Pagkatapos kasi ang meeting ng YES sa Amphi theater ay deretso kaming lahat dito sa room para magpulong para sa gagawin naming partisipasyon. Ang ilan sa amin ay hindi na sinama, dahil siguro tinamad na. Kaming narito ay mga naghihinayang sa attendance na maaring maging penalty kapag wala kaming perma.
"Oo na, oo na. Kung hindi para sa section natin ay hindi ko ito gagawin," litanya ko, sabay ngiti nang pangiwi.
Ang totoo ay natutuwa ako nang labis. Hindi ko maipaliwanag ang saya dahil kahit naman pala papaano'y may nakapansin sa 'kin.
Inakbayan ako ni Locsy. "Huwag kang mag-alala, Lumi. Kasama mo naman ako. Hayaan mo ang dalawa na 'yan at manonood lang."
Umirap si Berlin habang nakanguso. "Bahala kayo diyan, basta ako, sasali na lang sa tug of war kung sakali." Nakatingin na naman sa salamin. Tinitingnan marahil ang kilay niya kung pantay pa ba ito o hindi na.
Siniko siya ni Locsy sa braso dahilan upang mapasandig siya sa upuan.
"Ayan, kilay pa more, Berlin! Baka niyang sa tug of war mabubura 'yang kilay mo!" asar pa ni Locsy sa kanya.
Labis naman ang irap na pinakawalan ni Berlin. "Tse!"
Natawa na lang tuloy kaming apat na nakisabay sa ingay sa loob ng classroom. Hindi na tuloy namin napakinggan ang ilang sinasabi ng sub-org president sa harap.
Ang importante ay may ambag na kami sa gaganaping CTE Got Talent sa susunod na linggo.
"Hindi ka ulit sasabay sa amin?" tanong sa akin ni Locsy.
Nasa loob kami ng cr at kasalukuyan kong sinisilid ang aking hinubad na uniporme sa aking bag, habang nasa harapan ng salamin.
Asual, nag-aayos na naman ng kilay at lipstick ang dalawang sina Berlin at Gwen. Kung pagandahan talaga at kilayan hindi ang mga ito magpapahuli. Samantalang si Locsy ay simple na make-up lang ay okay na.
Kung ako naman ay liptint or minsan nga ay wala, ayos na.
"Oo, e. Mauna na kayo, a. Alam niyo naman may drill pa ako sa plaza."
Bumuntong hininga siya saka bumaling sa dalawa na tapos na yatang mag-ayos. "O, narinig niyo naman siguro sinabi ni Lumi."
"Oo, 'day. Hindi mo na kailangan sabihin." sagot ni Gwen, habang hinahatak paitaas ang paldang suot.
Si Berlin naman ay pinagdikit ang mga labi para sa final retouch ng kanyang lipstick. "Basta mag-iingat ka friend."
"Sus, kasama naman niyan si cute na agri-guy, e. Huwag na ninyong alalahanin ang ating inday-Lumi." Kumilay-kilay pa si Gwen matapos iyong sabihin.
Agad na nanlaki ang mga mata ko. Nangatal ang mga labi at hindi na nakapagbitaw pa ng salita para labanan ang mga isipan nila. Sa huli ay pinili ko na lamang manahimik at hayaan silang asarin ako.
"Mag-iingat kayo, a. See you ulit bukas!" paalam ko, habang paliko na ako papunta sa cafeteria, samantalang sila ay sa parking lot.
Kumaway silang tatlo habang ang lapad ng mga ngiti sa labi.
"Enjoy, 'day! Kwentuhan mo kami bukas, a!" sigaw pa ni Gwen, bago siya hinila ng dalawa papalayo.
Tawang-tawa ako habang pinagmamasdan silang tatlo, kasabay no'n ang pabigat na pabigat kong ginagawang hakbang papunta sa green table.
Sa bawat bigat ng hakbang ay siyang rason nang palakas nang palakas ng t***k ng aking puso. Tila bang gusto nitong lumabas at tumalon sa kalsada.
Pagkarating ko roon ay walang Spon ang sumalubong sa akin. Malinis ang bench, hangin ang lumukob sa baga at pagkadismaya. Pinagmasdan ang dahon na pilit inaalis ng hangin sa ibabaw ng sementadong mesa.
Huminga ako nang malalim saka piniling maupo. Hihintayin ko na lang siya at baka may klase pa. Wala pa namang alas sinco, nauna marahil ang klase namin at hindi ko siya man lang naitanong.
Humalukipkip ako at nagbilang ng mga ilang estudyante na dumaan sa aking pwesto. Naalis na rin ng hangin ang ilang dahon na nagkalat doon pero wala pa ring Spon ang dumarating.
Binuksan ko ang aking bag para hanapin ang aking smartphone para matingnan kung anong oras na. Baka mamaya ay nagsisimula na ang ilan naming kasamahan sa plaza.
Mahina pa naman ang signal ng internet dito sa unibersidad. Kaya wala talagang oras mag-online ang ilang mga estudyante gamit ang mobile data, maliban na laamang sa mga naka WI-FI.
Nakamulagat ang mga mata ko nang makita kung anong oras na. Hindi ko namalayan na kalahati na pala nang oras ang paghihintay ko kay Spon.
Tumayo ako at madaling inayos ang aking sarili para pumunta sa plaza. Baka nandoon na siya o baka nagkaroon siya ng problema kung bakit hindi siya sumipot sa tagpuan namin. Kung anoman ang dahilan niya'y malalaman ko rin iyon mamaya.
Wala na yata akong ligtas nito mamaya at mukhang mapapasabak ako sa isang linggong bilang ng push-ups.
*
Wala si Spon sa drill, kaya pala wala siya sa tagpuan namin kanina. Ilan lamang kaming umdattend ng training sa plaza, sampu lang yata kami— hindi na kabilang doon ang aming tatlong senior officers. Halos kalahating oras na kaming nag-d-drill, bago kami pinagpahinga.
Umupo ako sa isang bakanteng bench, malapit sa fountain. Agad akong uminom ng tubig dahil sa uhaw, habang nagpupunas ng pawis. Parang naligo ako nang wala sa oras, ang pinagkaibahan lang ay sariling tubig ang pinapaligo ko.
Bumuntong hininga ako habang malayo ang tingin. Iniisip kung ano ang nangyari kay Spon at wala siya sa training. Kaya pala kanina, sa magkasundo naming oras na vacant para turuan ako sa rifle ay hindi siya sumipot. Hindi rin kaya siya pumasok sa klase niya? Ano kaya ang nangyari sa lalaking 'yon?
Tinanong ko rin kanina si Bud Lyn at Rj, pero wala naman silang naisagot sa akin. Maski sila ay hindi alam kung bakit wala si Spon. Ayon din kay Bud Rj ay hindi pumasok kaninang buong araw ang kaibigan, kaya't nag-aalala rin siya para rito.
Nakapagtataka naman ang pagkaliban ni Spon, kung may gagawin naman iyon ay nagpapaalam siya o pinapaalam niya. Ngayon lang ang hindi niya ginawa.
Tumingala ako sa langit. Maraming mga bituin na wari bang kinakawayan ako mula rito sa ibaba.
Biglang gumuhit ang ngiti, pinagsawa ang mga mata sa mga nagniningning na liwanag sa kalangitan. Maging ang buwan ay ngumingiti at tila nagdiriwang dahil sa sinag niyang napakaliwanag.
Humiga ako sa Bermuda grass. Dinama ang kagadahan ng mundo. Ang mundo na puno ng misteryo at puno ng katanungan, na kahit maging siyensya ay hindi maipaliwanag ang tinatago nitong sekreto.
Bigla na lamang nabuo ang imahe ng lalaking aking hinanap mula pa kanina. Nakatitig siya't tumutunghay sa akin habang malawak ang ngiti.
Pinikit at kinusot ko pa ang aking mga mata. Baka mamaya ay nanaginip o nag-iimagine lamang ako na naririto si Spon. Masyado na talaga akong nag-aalala sa kanya--- kung kumusta na ang kalagayan niya. Kung bakit wala siya sa araw na ito. Baka na-miss ko lang siya.
bumangon ako mula sa pagkakahiga. Nababaliw na yata ako, at puro na lamang si Spon ang laman ng isipan ko. Kung anu-ano na tuloy iyong nakikita ko.
Napabuga ako ng hangin.
Inayos ang sarili para bumalik sa pwesto ng ilan ko pang mga kasamahan. Tapos na ang pahinga at kailangan nang bumanat muli ng lakas at tibay ng katawan.
Sa kalagitnaan kami ng pag-m-martsa ng kaliwa-kanan ay biglang nangibabaw ang pamilyar na boses. Ang boses na kanina ko pa hinanap at kinasasabikang marinig.
Dub!
Dub!
Dub!
Parang may kung anong sumuntok nang paulit-ulit sa aking dibdib na tila pilit nilalabas ang puso ko mula roon. Biglang nayanig ang mundo at hindi na maperme ang katinuan.
Ang boses ng nag-c-command sa aming si Ma'am Flores ay naglahong parang bula sa ere. Tanging boses lamang ng bagong dating ang umaalingawngaw sa buong pagkatao ko.
"Pulutong 'to!" sigaw ni Ma'am Flores, at huminto kaming lahat.
Pinaharap niya kaming lahat sa kanya. Muling nayanig ang mundo, parang matutumba ako sa aking kinatatayuan nang makita siyang nakangiti habang matamang nakatitig sa akin. Katabi niya ang tatlo naming senior officers.
Naka-itim si Spon ng t-shirt na hapit sa kanyang katawan. Kaya naman bakat na bakat ang matipuno niyang dibdib. Cargo short at slider, at naka-cap na naman ng itim.
Tulak nang tulak ang puso ko, gusto na talagang lumabas. Gusto ko siyang lapitan, yakapin nang mahigpit, at tanungin kung bakit ngayon lang siya. . . pero hindi pwede. Nasa formation pa kami, hanggang titig na lang muna ang magagawa ko; titig na puno nang kasabikan.
Malala na yata ang tama ko kay Spon.
Pinalansag na kami ng aming senior officer. Nang matapos na makapag-salute, agad akong pumunta sa iniwan kong gamit sa bench. Pinunasan ang aking pawis, nang biglang may tumabi sa akin.
Amoy pa lang niya'y pamilyar na. Hindi ko na kailangang lumingon para makilala siya.
"Lumi, kumusta?" bulong niya sa aking taenga, na siyang dahilan nang pagtayuan ng mga balahibo sa buong katawan at batok.
Nanginig ang kamay ko habang hawak ang panyo, bigla akong natulero at hindi alam kung ano ang isasagot sa kanya. Sa huli ay nagkunyari na lang akong ibinabalik sa aking maliit na bag ang bagay na hawak.
Lumakad ako at nagpasya na ring umuwi, marami pa pala akong gagawin bukas at kailangan ko nang mamahinga.
"Uuwi ka na?" sunod niyang tanong, nang hindi ako sumagot. Sumabay saya sa 'king tabi.
Tumango ako, "oo, may practice pa kasi kami bukas para sa program ng department namin. Ikaw umuwi ka na," sagot ko, saka mabilis ang hakbang na ginawa.
Hinabol niya ako sabay hila sa aking kanang kamay.
Nilingon ko siya at binigyan nang nagtatanong na tingin.
Bumaba siya nang tingin. Tumikhim, na wari bang humuhugot siya roon nang lakas ng loob para magsalita.
Hinintay ko siyang magkaroon nang sandali para bumuo ng mga salita gamit ang kanyang boses.
Aaminin kong nagtatampo ako sa kanya, dahil sa hindi siya man lang nagpaalam sa akin. Kahit hindi naman ako ganoon ka-importante sa kanya'y kaibigan niya pa rin ako. Kahit papaano'y may pinagsamahan naman kaming dalawa.
"Spon?" pukaw ko, nang hindi pa siya nagsasalita.
Ang kamay niyang nakahawak sa akin ay biglang lumamig. Hindi ko aam kung sa akin ba iyon nagmumula o sa kanya, dahil pakiwari ko'y maging ako ay nanginginig, siguro sa emosyong nararamdamang hindi ko mapangalanan.
"Lumi, may. . . may gusto sana akong sabihin. . . ano." Tumigil muna siya sabay hawak sa likod nang kanyang batok. "Mamaya ko na lang sasabihin, ihahatid na kita sa BH mo."
Bago pa ako makapagbitaw nang salita ay hinila na niya ako patungo sa pedestrian lane.
Napapansin kong suki na kaming dalawa ng pedestrian lane na ito, para tumawid sa kabilang kalsada. Kung mayroon mang kukuning saksi, sa mga alaala na kasama ko si Spon, isa ang Rosas de Papel street, plaza, at pedestrian lane roon.
Madali kaming dalawa nakarating sa harap ng aking boarding house. Naghintay pa ako nang ilang minuto, para sa susunod niyang sasabihin, pero tanging 'goodnight' at 'ingat' lanang ang narinig ko mula sa kanya.
"Spon?" tawag ko sa pangalan niya, nang tumalikod na siya.
Nagpatuloy ako nang hindi siya lumingon pero huminto. "Bakit wala ka kanina? Bakit ngayon ka lang?"
Hindi ko na napigilan ang sariling magtanong. Hanggang hindi ko iyon naitatanong, paniguradong hindi ako makakatulog nang mahimbing mamaya
Lumingon siya saka ngumiti sa akin. Isang ngiti niyang tinatabunan ang lahat nang emosyon na maaari kong mabasa mula roon.
"Nagtrabaho lang sa bahay, mushroom. Pasok ka na, at magpahinga. Chat na lang kita mayamaya."
Tumango ako saka ngumiti rin sa kanya pabalik. "Sige, salamat. Mag-iingat ka, sisiw."
At least, alam ko na ayos lang siya. Makakatulog na ako nang mahimbing nito.
Tumalikod na ako't isinara ang gate. Nilingon ko pa siya, bago umakyat sa itaas. Nang makarating na ako sa aking silid ay agad akong nag-open ng mobile data.
Mayamaya ay nakatanggap ako ng mensahe kay Spon.
Spon sent you a message.
Spon: Lumi. . . gusto ko sanang magpaalam kung pwede. . .
Spon: Kung pwede ba kitang. . .
. . . ligawan?
Oh, s**t!