Chapter 14

2629 Words
MADILIM na ang paligid nang makarating kami ni Spon sa plaza. Nandoon na ang ilan sa amin— ang senior officers at ang ilang kasamahan. Nag-a-army dozen, nasa push up. Napakapit ako sa t-shirt ni Spon, dahil sa kaba na lumukob sa dibdib. Nandoon na naman ang takot na baka bigyan na naman ng punishment dahil late kaming dumating. O, kung papalarin ma'y ipapa-insert na lamang kami sa formation. "Bakit kayo late, Payba at Billiones?" salubong na tanong agad sa amin ni Ma'am Flores. Kasama niya ang iba pa naming senior officers. Agad kaming sumaludo ni Spon sa kanila. Dahil si Spon ang mataas kaya't siya ang nag-report at nag-ask permission na kung saan required sa aming drill. "Hinintay ko pong makapagbihis nang uniporme si buds Lumi, Ma'am. Alas sinco kasi ang uwian nila kanina." Hindi na nagtanong pa si Ma'am Flores at sinaluduhan din niya kami pabalik. Pagkatapos no'n ay pina-join niya kami sa formation para magpatuloy ulit sa pag-a-army dozen. Ilang minuto lamang ang lumipas ay hingal at naliligo na kaming lahat sa sariling pawis. Panigurado talagang nakakapayat itong ginagawa namin. Hindi na kailangang pumunta ng gym para sa pagpapayat. Sa kalagitnaan kami ng pag-m-mountain climbing, nang tawagin ni Ma'am Flores si Spon para ito ang ipa-command. Hindi naman kasi nakapagtataka, isa siya sa mabilis na makakuha at makabisado ng commands. Hindi ko minsan mapigilan ang humanga at ipagyabang siya sa lahat. Nakaka-proud si Spon, at nagagalak ang puso ko sa tuwing pangalan niya ang tinatawag ng aming senior officer. Matapos ang ilang commands ay binigyan kami nang sampung minutong pahinga. Agad na lumapit sa akin si Spon habang matalim ang tingin na ibinibigay. Bigla niyang itinaas ang neckline ng t-shirt kong suot. Nakayuko kasi ako habang inaayos ang shoelace ng suot na sapatos. "Ako na ang magtatali niyan, Lumi." Wala na akong nagawa nang yumuko na siya at inagaw mula iyon sa akin. Pinagpatuloy ang pagtali no'n. Hindi napigilan ang pagsupil ng aking ngiti. "Sa susunod huwag ka nang sumuot nang maluwag na t-shirt. Nasisilipan ka, e." Hinila niya ako sa isang bench at pinaupo ako roon. Yumuko siya sa aking harapan. Hinila ang aking paa, sinipat niya ang kaliwa, kung maayos pa ang pagkakatali ng shoelace. Nang masiguro ay tinupi niya ang laylayan ng pajama. Para siguro hindi ko maapakan kung babalik ulit kami sa drill. Ramdam ko ang init ng palad niya. May kung ano na kumiliti sa aking dibdib at nagdala iyon ng init sa pisngi, kasabay ang pagsabog ng malakas na tambol ng puso. Wari bang nagwawala siya at gustong lumabas mula sa pinagtataguan. "S-salamat, Spon." Inangat niya ang paningin sa akin sabay iling. Pinagpapatuloy pa rin ang pagtutupi nito. "Galit ka ba?" sunod kong tanong, nang hindi siya sumagot. Mukha nga siyang galit dahil hindi man lang siya nagsasalita. Kitang-kita ko pa ang pagsalubong ng dalawa niyang kilay. Tila bang may kaaway at gusto nang suntukin o bangasan kung sinoman ang panauhing iyon. "Hindi ko gusto na may naakit sa iyo, makakapatay talaga ako, Lumi." Mahina ang boses niyang sabi, pero umabot naman iyon sa aking pandinig. Hindi ko lang talaga maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin. "Masama ang pumatay, Spon. Sino ang papatayin mo?" kinakabahan kong tanong, kasabay ang panlalaki ng mga mata. Huli nang pumoproseso sa aking isipan ang sinabi niya. tanging siya lang ang nagpapawala sa aking katinuan. Hindi ko na alam kung paano itong labanan, o patigilin. Habang patagal nang patagal ay siya namang palalim nang palalim. Ang ikinatatakot ko, baka isang araw, dumating sa punto na malikutan ko na ang prinsipyo sa buhay para sa kanya. Dahil kapag oras na ako'y magmahal, priority ko na siya. Makakalimutan ko ang lahat, mawawala ako sa direksyon, at hindi na alam kung ano ang maaring gawin pagkatapos. At ayaw ko iyong mangyari. "Lumi? Nakikinig ka ba?" Tulero akong napatingin sa kanya. May sinasabi ba siya? Kung mayroon man, hindi ko iyon narinig. Tumayo siya saka umupo sa aking tabi. Magkasalubong pa rin ang mga kilay, wala yata siya sa mood. Masama marahil ang pagkakatimpla ng oras. Ang hindi ko alam ay kung ano ang dahilan. Dahil ba sa pagpili sa kanya nina Ma'am na mag-command? "May sinabi ka ba sa akin?" untag ko, sabay siko sa kanyang braso. Ang sama niyang makatingin. Wari bang pinapatay na niya ako sa pamamagitan no'n. Kung nakapapatay lang talaga iyon, ay baka kanina pa akong walang buhay. "Nakakainis ka talaga! Sino ba ang iniisip mo at hindi ka nakikinig sa akin, ha?" inis niyang wika, sabay gulo sa kanyang magulo na ring buhok. Ako naman ang napakunot ng noo, "ano ba kasi ang kina-iinisan mo?" "Wala!" Kita mo talaga ang lalaking 'to. Daig pa ang babae kung mainis. "Okay, sabi mo, e." Kumibit-balikat na lamang ako, saka itinuon ang aking pansin sa mga batang naglalaro sa gitna ng plaza. Kanina pa kasi tumutugtog ang musika, at sumasayaw ang makulay na fountain. Hindi nakakasawa iyon sa paningin, kahit araw-araw pang tumambay rito. Ito ang isa sa ipinagmamalaki ng Banga, Aklan. Ang plaza nilang may makulay na fountain, malawak na dome at patugtog tuwing sasapit ang ala siete nang gabi. Kaya marahil binansagan silang Banga the Beautiful, hindi naman kasi nakapagtataka ang kalinisan at ang disensyo ng kanilang plaza. Hindi lang din ang plaza ang maaring ipagyabang, kundi maging ang buong bayan nito. Bukod sa rito matatagpuan ang sikat na unibersidad sa Aklan— ang Aklan State University, Main Campus, ay dinarayo rin ang lugar na ito dahil sa fiesta. Fiesta nilang "Aeaw-Aeaw". Ayon sa kwento, ang Aeaw-Aeaw ay dinaraos para sa pag-alaala sa mga pinatay na mga taga Bangenyo na Pilipino noong araw ng mga hapon. Kung saan sila ay pinutulam ng mga ulo sa mahabang irigasyon— dahilan nang pagdanak ng dugo. Isa rin doon ay ang pagdayo ng mga Mayang ibon sa Poblacion ng Banga. Dumadapo ang libo-libong mga ibon na ito sa kable ng mga kuryente tuwing sasapit ang alas sinco nang hapon. Pinaniniwalaan na ang mga ito, ay ang mga taumbayan noon sa Banga na nasawi sa panahon ng mga hapon. "Lumi," tawag sa akin ni Spon, nakatayo na siya sa aking harapan, habang may ini-aabot na isang baso ng kwek-kwek. Agad ko iyong tinanggap. "Salamat. Palagi mo na lang akong nililibre," sabi ko, sabay nguso dahil sa kalungkutan na naghihirap na nga siya sa mga gastusin niya'y nililibre niya pa ako. Hindi ko namalayan na umalis pala siya para bumili. Hindi niya man lang ako niyaya, para naman kahit papaano'y ako na ang bumili ng pagkain para sa sarili. "Kanina pa kita tinatawag, pero mukhang nilipad na 'yang isipan mo sa kung saan. Bilisan mo nang kumain, baka tawagin na tayo nila Ma'am mayamaya." Umiling na lamang ako, saka sinunggaban iyong paborito kong kwek-kwek. Galit yata siya sa akin, kung magsalita kasi'y parang badtrip— walang gana. Alas nuebe na nang gabi natapos ang drill. Naubos na rin ang tubig kong baon at naliligo na kaming lahat sa sariling pawis. Nagpaalam na sila ma'am at sir, at naghiwa-hiwalay na kami ng daan para umuwi. Naiwan kaming dalawa ni Spon. Kasalukuyan akong nagpupunas ng aking pawis nang biglang sumabay siya sa aking paglalakad. "Ihahatid na kita, mushroom." Ang kaninang magkasalubong niyang kilay ay napalitan na nang maaliwalas. Ang tono na rin niya nang pagsasalita ay mahinahon, hindi tulad kanina na may halong inis. "Hala, huwag na, Spon. Nasa itaas pa ang boarding house mo. Gabi na." Tumungo ako sa pedestrian lane, para tumawid sa kabilang kalsada. Hindi ko napansin na nakasunod pa rin pala siya. "Spon, malayo pa iyong BH mo, wala ka nang masakyan nito." Magkasalubong na ang kilay ko nang lingunin siya. Nakangiti siya habang nakapamulsa. Hinihintay na maubos ang mga sasakyan bago tumawid sa kabila. "Huwag kang mag-alala, Lumi. Susunduin ako nila Kuya Jess, pumunta pa sila sa bayan para bumili ng ulam." Nang maubos na ang mga tricycle at habal-habal, ay agad niyang hinawakan ang aking kaliwang kamay nang mahigpit. Hinila ako't tinawid na ang kabilang kalsada. Nandoon na naman ang kakaibang pakiramdam sa tuwing dumadaiti ang kamay niya sa akin. Unti-unting bumangon ang sensasyon sa dibdib, para mas bumilis na naman ang t***k no'n. Tumikhim ako, "salamat, Spon. Pero bakit mo nga ba ito ginagawa? May kaibigan ka rin naman sa mga ka-buddy natin," ika ko, habang nakahalukipkip. Hindi ko maiwasan ang mag-isip nang kung ano. Mabuti nang matanong siya, para wala nang dapat asahan, nang hindi na sa kung saan dumating ang expectations ko. Mahirap na, at baka manaya ay nag-a-assume ako ng isang bagay na wala naman pa lang katuturan o katotohanan. Lumiko kami sa Rosas de Papel Street. Ibig sabihin ay malapit na ako sa boarding house. Ilang metro na lamang at mayamaya'y makakarating na kami. Ngunit nanatiling tahimik si Spon hanggang sa makapasok na ako sa loob. Tanging salamat at good night lamang ang namagitan sa amin, bago siya lumisan. Naiwan akong nakatayo, habang nakatitig sa kalangitan. Sana, kung anoman ang sa isip miya'y handa na niyang sabihin sa akin sa susunod na pagkakataon. * ABALA ang lahat kong mga kaklase sa paghahanda para sa darating na namin sa Values of Education. Halos habol na namin ang oras dahil mamaya na nang hapon kami mag-p-perform. Wala pa halos na practice— sa jingle song na pinili namin ng mga kagrupo ko. Ang ilan pa ay humahagilap pa ng damit na susuotin. "Naku, sobra namang busy ang araw natin. Wala na tayo halos na pahinga," litanya ni Gwen, habang nag-aayos ng kanyang script para mamaya. Tumabi sa akin si Berlin. "Kumusta ang date niyo ng agri-guy, Lumi-girl?" tanong niya, habang inaayos ko naman ang aking susuotin na black leggings at leotard para mamaya. Hindi naman iyon nakaligtas kay Locsy at piningot niya si Berlin sa taenga. "Ikaw, sabing huwag niyong pakikialaman si Lumi. Mga tsismosa talaga kayo!" Natawa kami sa inis na mababanaag sa boses niya. Kalaban niya talaga ang pinapakialaman sa pribadong bagay ang isang tao. Kaya bilib talaga ako minsan sa ugali ni Locsy, kalmado lang pero kung magalit daig pa ang isang asong ulol sa kanto. Nangangagat agad nang hindi tumatahol. "Nagtatanong lang naman ako, e!" Maktol ni Berlin habang humahaba ang nguso. Bigla namang sumingit si Gwen. "Huwag na nga kayo mag-away diyan mga 'day. Ang dami pa nating gagwin." "Aba, himala at ang kalmado mo ngayon Gwendat," puna ni Locsy. Umirap na lamang ang huli at nagpatuloy na sa pag-aayos ng mga papel na nagkalat sa kanyang harap. Mabilis kaming pumasok sa silid nang dumating na si Ma'am Joana— ang guro namin sa Values of Education. Halos preperado na kaming lahat, awra pa lang niya ay malakas nang magbigay sa amin nang kaba at pawis. Maganda ang postura nang katawan. Ang tindig niya'y parang isang istriktong mayordoma sa mansyon, habang may leong mga mata kung sumuri sa amin. Paglapag pa lang niya ng kanyang librong dala sa ibabaw ng mesa, ay nahigit na namin ang aming mga hininga. "Are you ready for your presention today, BEED 1-1?" tanong niya agad habang pinapasadahan niya kaming lahat nang mapanuring tingin. Agad kaming sumagot ng 'yes, ma'am' na siyang ikinatango niya. "I guessed you are already ready. But before that, I am gladly to announce that we will having a CTE Got Talent for the second time. No classes again for two days, marami ulit na hahabuling mga lessons." Hindi nakaligtas sa amin ang mahinhin niyang tawa. Sa totoo naman ay mabait siya, friendly siya sa mga estudyante pagdating sa labas ng klase. Pero kapag nasa loob na ng classroom ay napaka-istrikto niya. No piercings allowed, bawal ang magpahaba ng kuko, bawal din sa kanya ang magpakulay ng buhok, and no make-ups na sobra-sobra. Kung lumabag man kami kahit isa sa regulations niyang iyon, ay minus points agad sa grades namin o sa oral recitation. Wala kaming ligtas kahit man lang excuses. Maraming nagbulungan dahil sa balitang iyon ni Ma'am. Wala pa kasi kaming pahinga sa academics ay dagdagan pa ng mga activities ng departamento namin. "Don't complain, its for the pride of our department. For now, I'll give you five minutes to prepare your props. We having draw lots for the first group to perform." At noong araw ngang iyon ay natapos na rin ang presentation namin. Bago kami nag-uwian ay nagpatawag muna ang class president namin ng short meeting para sa darating na CTE Got Talent sa susunod na linggo. Bukas ay may meeting sa Amphi theater para sa mga activities na maari naming salihan at ang mga paligsahan na inihanda ng Youth of Education Students officers (YES). Nanghihina akong lumabas ng silid namin maging ang iba ko pang mga kaklase. Sumabay ulit sila Gwen sa akin, tulad ko'y tila pagod na pagod na rin sila. Halos wala na talaga kaming pahinga sa sunud-sunod na gawaing academics at extra curricular activities. Akala ko noon ay madali lang sa kolehiyo, pero mukhang nagkamali yata ako. Ang kolehiyo na marahil ang magpapa-realized sa akin na estudyante talaga ako, at dito ko rin naramdaman na may mas ikabobo pa pala ang isang mag-aaral. Lalo na at sakto lang ang talino na mayroon, hindi tulad nang sa iba na talagang matataas ang grado. Akala ko sapat na noon ang scores at utak lamang ang puhunan— mula elementarya hanggang sekondarya at senior high school, pero pagdating pala sa kolehiyo, ang utak, creativity, flexibility at skills o talents ay kakailanganin pa para makapasa. "Uwi na kami, Lumi, a. Hindi ka sasabay sa amin?" paalam ni Locsy, ang dalawang sina Gwen at Berlin ay mukhang antok at wala na sa mood. Umiling ako saka tipid na ngumiti. "Hindi na, maglalakad na lang ako. Para kahit papaano'y ma-relax ko rin ang isip at katawan ko. Isa pa may drill kami." Malapit na kami sa Jolo Road karugtong ng Pili road. Nasa Jolo Road kasi ang parking lot ng mga sasakyan— motor at tricycle. "Sige, mag-iingat ka." Kumaway kaming apat sa isa't isa at naghiwalay na ng daan. Huminga ako nang malalim, at nakipagsabayan na sa ibang tulad kong naglalakad. Pinagmasdan ko ang ilang mga estudyante mula sa ibang departamento; masaya silang nagkwekwentuhan habang nagtutulakan sa Pili Avenue. Ang ilan ay may mga magkasintahan na magkasama habang magkahawak-kamay. Minsan naisip ko kung ano ba ang pinagkaiba ng buhay o ng araw kapag may kasintahan? Natatakot na masaktan at lalong subukan. Sapagkat, nakita ko na at nasaksihan ang pagkalugmok ng mga ibang kababaihan at kalalakihan, dahil sila'y nasaktan at nahihirapan. Minsan, sila'y masaya, minsan din ay malungkot. Nakapagtataka. Ano ba ang dala ng pagmamahal? Ano ba ang feeling na may kasintahan? Agad kong winaksi ang mga katanungang iyon sa aking isipan, nang sumagi ang pangaral at paalala nila Mama sa akin. Mga isipin na kung ano ang maaring sabihin ng mga kamag-anak tungkol sa pamilya namin, pagnagkaroon ako ng boyfriend. Marahil ay ganoon talaga. Makapaghihintay rin naman ang mga ganoong bagay. Kung talagang darating ay darating naman talaga ang para sa 'kin. Sana ay maging handa ako kung sakali man. Napangiti ako nang sumagi sa aking isipan ang imahe ni Spon. Ano kaya kung siya ang magiging kasintahan ko in near futire? Magiging masaya kaya ako? Masasaktan din ba ako tulad ng iba? O, pareho? Napatili ako habang naglalakad. Hindi tuloy naiwasan ang paglingon ng ilang mga kasabayan. Nagpatuloy na lamang ako at denedma ang kanilang nagtatakang mga tingin. Malapad ang ngiti hanggang sa makalabas sa ASU gate. Hindi na ako makapaghintay na maging kasintahan si Spon. Ano kaya siyang klaseng boyfriend? A, basta!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD