Chapter 13

2669 Words
SUMUNOD ako kay Spon hanggang sa lagusan ng buho. Pumunta kami sa tindahan ni Aling Linda at nagkita na naman kaming dalawa. Isang makahulugang tingin ang ipinukol niya sa amin ni Spon, at hindi na bago sa akin ang mga ganoong klaseng tingin. Ang mga tingin na iyon ay mga tanong; mga kursyudad at mga opinyon na likas na sa mga matatanda at mga Pilipino. Oras na magkasama ang lalaki at babae ay iisipin na ng ilan na may namamagitan, o magka-relasyon ang dalawa. Kahit sabihin na magkaibigan lang ay patuloy pa rin nilang ipagduldulan ang salitang magkaibigàn. "Mukhang napapalapit na kayo sa isa't isa. Natutuwa ako," puna ni Aling Linda, nang ilapag na nyta sa ibabaw ng mesa ang biniling krem stixs at soft drinks ni Spon. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang bumili no'n sa kalagitnaan ng tanghalian. Natutuwa akong nakikita ko ang kaibahan niya sa mga lalaking nababasa ko sa w*****d, o sa kung anoman ang pinagtitilihan o pinag-aagawan ng mga kababaihan. Hindi siya ganoon kaporma, simple lang siya, hindi siya palaayos sa buhok; messy hair. Kumbaga, ayos na kung magmukha na siyang tao sa porma o suot niya. Wala siyang paki-alam, kung anoman ang makikita ng iba sa kanyang panlabas na anyo. At dahil doon, mas nagiging gwapo at kahanga-hanga pa siya sa paningin ko. Sana ganoon din kalaki ang confidence ko sa sarili. Hindi na ako mahihiya o isipin ang mga sasabihin ng ibang tao tungkol sa akin. Pero sa kaso ko'y iniintindi ko ang mga puna ng iba, kaysa sa sarili kong paniniwala. Napangiti ako nang hindi namalayan ng aking isipan. Nilamon na naman ni Spon ang buong sistema ko at pakiramdam. Mula sa mga malilit na bagay niyang ginagawa ay binabaliw— winawala nito ako sa katinuan. Wari bang isang problema sa matematika, hindi alam ang sagot kahit na nasa isipan naman. “Halika na,” anyaya niya, nang makabayad na kay Aling Linda. Sumulyap muna ako sa matanda bilang tanda ng paggalang at pagpaalam. Ngumiti siya saka tumango, sabay kindat nang makahulugan. Napailing na lamang ako, habang ramdam ko ang paggapang ng kakaibang init sa aking pisngi. “Sandali, Spon. . . hindi kaya nakakahiya?” Tumigil ako sa pagsunod sa kanya. Nang maramdaman niyang hindi ako nakasunod ay huminto siya't nilingon ako. Natatawa siya sa 'kin, habang amused na amused na nakatitig sa akin, wari bang isa akong nakakaaliw na tanawin para sa kanya. "Ano'ng kinakahiya mo, mushroom?" Lumapit siya sa akin saka hinawakan ang aking kaliwang kamay. Pinisil niya iyon na para bang pinaparating sa akin na wala dapat akong ikatakot. Hindi ko alam kung bakit, pero nagkaroon ako ng lakas ng loob. Unti-unting bumangon ang lakas, dahil alam kong kasama ko siya; nandoon siya para protektahan ako. "Ano na lamang sabihin nila? Baka isipin nila na may relasyon tayo, kasi ano— alam mo naman ang mga sasabihin ng ibang tao kapag magkasama ang lalaki at babae." Dinuro niya ako sa aking noo habang pinaniningkitan ako ng kanyang mga mata. Hindi ko napigilan ang pagsupil ng ngiti sa aking mga labi. Papaano ba naman kasi ang cute niyang tingnan dahil para siyang nakapikit. "Ayan, nakakasawa na ang ganyang isyu. Huwag mo nga silang pansinin, mga wala lang sila 'yang magawa sa buhay." Hinila niya ako pagkatapos iyong sabihin. Kinakabahan man sa kung anong sabihin ng mga taong nakatingin sa amin ay wala na akong nagawa pa. Sumunod ako kay Spon papunta sa kanyang boarding house na tinutuluyan. Pagkarating namin sa loob ay tila ba tinambol ang dibdib ko nang paulit-ulit dahil sa lakas ng kabog no'n. Pakiramdam ko nang mga oras na 'yon ay iniipit ako ng dalawang pader; walang matakbuhan kahit saang sulok, kundi ang mapatigil na lamang. Hinahayaan ang sariling lamunin ng mga nakamamatay na tingin ng mga taong naroroon. Samantala si Spon ay malapad ang ngiti at ang sigla ng boses na binati ang mga ito. Hindi ko na rin namalayan ang pagpakilala niya sa akin. Tanging tango at kaway lamang ang naisagot ko at ngiti na 'di ko alam kung ngiwi na iyon. Ramdam na ramdam ko ang paglamon ng hiya sa aking buong pagkatao. Pero ang nakakainis lang ay hindi pa rin ako nawawala sa paningin nila at maging invisible na lamang. Hinila ako ni Spon sa bakanteng upuan at kinuhanan ng plato. Kumakain kasi ang mga ka-boardmates niya. At basi sa kilos na ginagawa ni Spon, ay mukang sasabay kami sa kanila. "Lumi, ano mo 'tong si Spon? Ikaw lang ang babaeng dinala niya rito at ang pinakilala sa amin, e." Nabaling ang tingin ko sa nagsalita, sa pagkakatanda ko ay siya si Kuya Jess. Matangkad siya nang kaunti kay Spon, malaki ang katawan at may bigote, indikasyon na mas matanda siya sa amin. Ayon kanina sa pagpapakilala ni Spon, ay isa si Kuya Jess na tumulong sa kanya para makapasok sa ROTC officer. agri-guy rin ito, katulad din ng ibang ka-boardmates niyang pinakilala sa akin kanina na nasa Senior na. Third year college na ang mga nadirito, at mukhang si Spon lang ang freshmen. Hindi agad ako nakasalungat sa sinabing iyon ni Kuya Jess nang sumabad agad si Spon. "Huwag mo na lang pansinin 'yang si Kuya, Lumi." Umupo siya sa aking tabi, nilagyan ng kanin at ulam ang plato. Nahihiya akong umangat muli ng tingin. Ramdam na ramdam ko ang mga maiinit nilang titig sa akin. Anim silang lahat na naririto, pampito kay Spon at pang-walo sa akin. Parang gusto ko na lamang makipagtitigan sa kanin at ulam; manatiling tuod at hindi na kumilos. Pakiramdam ko sa mga oras na 'yon ay pinag-aaralan nila ang aking bawat galaw. Pero mabait naman sila, nakipag-usap sa akin, hanggang sa matapos kaming kumain. Si Kuya Jess lang talaga ang matanong, kaya't siya lamang ang natatandaan ko nang araw na iyon. Mabait siya, at halata naman ang closeness na mayroon sila ni Spon. Mukha na silang magkapatid, at natutuwa ako roon. Kahit papaano ay may magtatanggol at kasangga si Spon. Pagkatapos maghugad ng plato ay nanatili pa kami sa mini-sala na pinagkainan namin kanina. Pumasok na ang ilan na mga kasama naming mga babae sa kanilang mga silid. Open pala sa babae at lalaki itong boarding house na tinitirhan ni Spon. Si Kuya Jess, Kuya Joseph, Ate Karen, Spon, at ako ang natira sa mini sala. Nanood silang tatlo ng isang movie sa laptop. Samantalang ako ay dagliang hinila ni Spon papasok sa kanyang silid. Napasinghp ako nang agaran niyang i-lock ang pinto. "S-spon, ano ang binabalak mo? Teka, lalabas ako!" gulat kong wika, at akma na sanang tutungo sa pintuan nang hablutin niya ang aking kamay at hilahin paupo sa upuang naroroon. Tanging plywood lamang ang nagiging subdivission sa kanilang silid. Kayat alam kong maririnig ng kung sinoman ang nasa labas kung ano ang pag-uusapan namin. Sementado naman ang pader at sahig ng boarding house, hindi tulad sa boarding house ko na sementado lahat. Kaya napakainit kapag nakasara ang pinto at bintana; kailangan ko pang mag-electric fan. "Kalma ka lang, Lumi. Para kang ano diyan. Wala naman akong gagawing masama. Magpahinga ka na muna, sabay na tayong pumasok, pagpatak nang ala-una." Tumawa pa siya pagdaka. Pakiramdam ko ay mas uminit ang pisngi ko dahil sa sinabing iyon ni Spon. Jusko! Baka ano ang isipin niya dahil sa sinabi ko. Pero, wala namang masama roon, nagiging alerto lamang ako sa maari niyang gawin. "Baka ano isipin nila kung ano ang ginagawa natin dito sa loob!" histerya ko, sabay tayo habang nakatitig sa kanya. Umiling-illing siya habang nakangiti. Inaayos niya ang kama niyang gawa sa kawayan. Banig ang gamit niyang pansapin doon, saka pinatungan niya ng manipis na foam na may cover na kulay itim. Inayos niya ang unan at kumot saka siya nahiga roon. Halos manlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Ano na lamang ang iisipin ng mga ka-board mates niya? Baka sabihin nila na gumagawa na kami rito ng milagro sa loob?! "Walang sasabihin sila Kuya, Lumi. Kaya kalma ka lang. Matulog ka rin diyan sa bakanteng kama," kaswal niyang sabi, sabay pikit ng kanyang mga mata. Hindi na ako nagsalita pa. Baka naman wala siyang tulog kagabi, kaya't bumabawi. Umupo ako sa bakanteng upuan na narooon sa study table niyang gawa rin sa plywood. Pinasadahan ko ang kabuuan ng kanyang silid. Maayos ang mga gamit niya, naka-arrange ang mga sapatos, damit, mga libro at kung anu-ano pa. Malinis ang sahig walang kahit anong kalat na makikita. Pero may iilang alikabok doong nanatili, maging sa dingding. Ang bintana niyang nag-iisa lang ay tanging kurtina lamang ang tumatakip, para hindi masilip ng kung sinoman ang nasa labas ang kung ano ang nandito sa loob. Bumuntong hininga ako. Dinadalaw na rin ng antok, mukhang kailangan ko rin yatang umidlip saglit. Malakas na yugyog sa aking balikat ang nagpagisig sa malalim kong pagkakatulog. Pagmulat ng aking mga mata'y ang nakangiting si Spon ang bumungad. Kumusot-kusot pa ako, at baka nanaginip pa ang aking isipan. "Sabi ko na nga ba at wala ka halos tulog nitong mga nakaraang araw," litanya niya, habang nagbubutones na ng kanyang uniporme na pang-agriculture na suot. Nanlaki ang mga mata ko nang maalalang may klase pa pala ako nang ala-una. Hinanap ko ang aking smartphone sa aking bag para matingnan kung anong oras na nang magsalita siyang muli. "Quarter to one pa lang, mushroom. Mag-ayos ka na, sabay na tayong pumasok. Ihahatid kita sa classroom mo." Umupo siya sa kama para isuot ang makintab niyang itim na school shoes. Parang bagong lagay lang niya ng kiwi roon. Medyo lutang pa ako kaya't hinayaan ko muna ang aking sarili na makabalik sa huwisyo. Kulang pa yata ang idlip na ginawa ko. Nagpapasalamat ako kay Spon, at kahit papaano'y nagawa kong makatulog nang saglit man lang. Pinagmasdan ko siya sa kanyang kilos na ginagawa, mula sa pagsisilid niya ng kanyang mga libro at notebook sa itim niyang back pack, hanggang sa pagsuklay niya ng kanyang magulong buhok at pagpaligo ng pabango sa buong katawan. Nang yayain na niya akong lumabas ng silid niya'y nakalutang pa rin ang isipan ko at wala pa rin sa tamang huwisyo. Inaantok pa rin, sana hindi na lang ako naidlip, baka nito mamaya sumakit ang ulo ko. "Ayos ka lang, Lumi?" Lumapit siya sa akin, saka sinipat ang aking mukha. Tumango ako at lumayo nang kaunti sa kanya. Masyadong malapit ang mukha namin sa isa't isa. Baka mamaya ay hindi ko mapigilan ang aking sariling halikan ang mapanukso niyang labi. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at inayos nang kaunti ang aking buhok. Pinunasan ko ang aking pisngi nang binasa kong panyo. Nagpabango nang kaunti, saka nagpatiunang lumabas ng kanyang silid. Pagkarating ko sa labas ay wala na roon sila Kuya Jess, mukhang nauna na silang pumasok. Ganoon marahil kalalim ang tulog ko at hindi na namalayan ang mga kilos nila. Kung hindi pa ako ginising ni Spon, ay baka tulog pa rin ako hanggang maghapon. "Mushroom, hintayin kita mamaya sa green table, a. Sabay na tayong pumunta sa plaza." Kasalukuyan na niyang nila-lock ang pinto ng kanyang silid. Sumunod ako sa kanya nang lumabas na siya ng salas ng kanilang boarding house. Ni-lock na rin niya ang main door. "Huh? Bakit may training ba tayo mamaya?" tanong ko. Inakyat namin ang hagdan papunta sa kalsada na kumukonekta sa Buho— ang lagusan sa likuran ng aming unibersidad. "Oo, wala ka bang balita? Nag-chat sila Ma'am sa group chat natin, a." Binagalan niya ang kanyang paglalakad para sabay kami. Umiling ako bilang tugon. Nahuhuli na yata ako sa balita, masyadong naging okupado ang isipan ko ng academics, at hindi ko na nabigyan nang pansin ang ROTC. "Halos mag-iisang linggo na ang training nating mga officer sa paghawak ng rifle sa plaza, tuwing uwian nang hapon. Nakalimutan ko rin pa lang sabihin sa iyo, kahit na madalas naman tayong mag-chat." Napakagat-labi ako dahil sa alalahanin. Paano ko hahabulin ang isang linggo na wala ako sa training? Paniguradong nasa kalagitnaan na ang iba naming kasamahan, samantalang ako ay mag-uumpisa pa lang. "Huwag kang mag-alala. Ako ang tuturo sa iyo, mamaya. Kung may magkasundo tayong bakante na oras ay gamitin natin iyon para maturuan kita. Sa ganoon ay makahabol ka sa amin," dugtong pa niya, nang mapansin niya ang pagkabahala ko. Ngumiti ako saka tumango. "Salamat, Spon, a. Nandiyan ka para tulungan ako, hindi ko alam kung paano makahahabol kung wala ka." Ngumiti rin siya. Inakbayan niya ako saka ginulo ang aking buhok. "Wala iyon, basta ikaw. Basta bilisan mong matuto sa paghawak ng rifle, dahil pagkatapos ng isang linggo ay sword na naman ang ituturo sa atin. At tayo ang magtuturo sa mga kadete sa paghawak ng rifle tuwing regular instructions." Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi pa nga ako nakakapagsimula sa rifle may sword agad?!" Natawa siya sa naging reaksyon ko, sabay kurot sa aking pisngi. "Oo, mushroom. 'Di bale, fast learner ka naman!" "Hay, 'nu ba 'yan!" reklamo ko, hanggang sa maihatid na niya ako sa aking silid. ** Nagmamadali akong lumabas ng silid nang matapos ang last period naming P.E nang hapon na iyon. Humabol agad ang tatlo sa akin. "Sandali, Lumi! Ba't ka ba nagmamadali?!" Pigil sa akin ni Gwen nang pababa na sana ako ng hagdan. Nilingon ko sila. Nakakunot ang mga noo habang magkasalubong ang mga kilay. Hindi maipagkakaila sa kanila ang pagtataka sa ikinikilos ko. "Kailangan kong habulin ang oras, dahil magsisimula nang alas sinco y medya ang training namin sa plaza," sagot ko sa kanila. Binagalan ko na ang aking pagbaba sa hagdan. Sumunod naman silang tatlo sa akin. "Hala, may training pa kayo 'day? Hindi kaya nakapapagod 'yon?" histerya ni Gwen. Bumuntong hininga ako, "kailangan. Wala akong grades kung hindi ako magpapakita roon ngayon. Lalo na at isang linggo na pala nagsisimula ang ilang mga kasama ko." Tumabi sa aking kanan si Berlin. Naglalagay siya ng lipstick sa kanyang labi. Minsan humahanga ako sa kanya, kahit naglalakad nagagawa niyang mailagay iyon nang tama. "Ihatid ka na namin?" tanong niya, talagang willing silang ihatid ako hanggang plaza. Pero. . . may usapan kami ni Spon, at hindi ko kailangan iyong biguin. "Hindi na, sabay kasi kami ni Spon." Naunang bumba si Locsy sa amin. Hinarap niya kami saka hinila ang dalawa. "Ayan, may date sila. Huwag na kayong magtanong." Magsasalita pa sana sina Gwem at Berlin nang agad na takpan ni Locsy gamit ang dalawang kamay ang bibig ng mga ito. "Una na kami, Lumi, a! Ingat!" paalam niya, sabay kindat sa akin, at pwersahan na niyang kinaladkad ang dalawa papuntang parking lot. Natatawa akong umiling-iling nang makababa na ng hagdan. Sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin, na nagdala nang kaginhawahan sa aking pakiramdam. Agad akong lumiko sa rest room, at lumiko ulit palabas ng hometech building. Naglakad ako sa hallway patungo sa green table. Sa bawat hakbang ko'y unti-unting lumilinaw sa akin ang pigura ng lalaking mataman na nakaupo habang tila may hinihintay. Nakasuot na siya ng pink t-shirt na medyo kupas. Cargo short, slider at cap. Habang suot ang itim niyang back pack sa likuran. Sakto ang pag-angat niya nang paningin sa akin ay ang paghinto ko naman sa kanyang gilid. Umawang pa ang labi niya dahil sa gulat. Natawa ako, hindi ko alam, pero parang may nagdiriwang sa loob ko na hindi ko maipaliwanag. Labis na galak, nang masilayan ko siyang hinihintay ako. "Ahm, sorry. Kanina ka pa ba?" bati ko sa kanya, habang nahihiya. Medyo nakabawi siya dahil sa boses ko. Nagpakawala siya nang kaunting tunog sa pagngiti. "H-hindi, anu, bago lang. Hindi ka magbibihis?" Napatampal ako sa aking noo nang mapagtanto kong naka-uniporme pa pala ako. "Hala, sorry. Daan muna ako sa borading house. Mauna ka na lang sa plaza." "Hintayin kita, tara na." Hindi na ako nakapagsalita nang hilahin na niya ako at hindi na binitiwan ang aking kaliwang kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD