Chapter 4

3077 Words
"SIGURADO ka, Lumi? Sure ka na talaga? Wala nang urungan? As in one hundred percent?" histerya ni Gwen nang matapos marinig ang sinabi ko. Kanina kasi balita na sa loob ng room ang tungkol sa magaganap na orientation next week para sa ROTC (Reserve Officer Training Corps) at CWTS (Civic Welfare Training Services) na area under NSTP. Dahil first year college kami ay kailangan kaming i-orient para makapili kami sa dalawang aming papasukan. Kaya't nang mabalitaan ay nagkumpul-kumpulan kaming apat para magtanungan kung saan kami. Ang ending ako lang mag-isa sa amin ang pumili ng ROTC. Hindi ko masisisi si Gwen kung bakit ganoon ang reaksyon niya, lalo na at mga bad impression kasi ang naririnig namin noong nasa senior high school pa lang kami patungkol sa ROTC na subject na iyan. Napakamot ako sa aking moo nang yugyugin ako sa balikat ni Berlin. "Tinatanong ka namin, Lumi! Wala nang bawian?" Isa pa 'tong si Berlin. Samantala si Locsy ay tawang-tawa sa reaksyon ng dalawa, at ako naman ay naiirita na. Umupo ako sa upuan na may mesa na gawa sa kahoy. "Oo nga! Seryoso ako, gusto kong malaman kung totoo nga ang sinasabi nila na nakakamatay raw ang training." Napapalo si Gwen sa kanyang noo habang iiling-iling. "Sana magbago ang isip mo! Ayaw pa kitang mamatay! Sana kayanin mo!" Hindi ko mapigilan ang matawa sa reaksyon niya. Napatingin tuloy sa direksyon namin ang ilan sa mga kaklase. "Mag-a-ROTC ka rin, Lumi?" tanong sa akin ni Noe- cute na chubby naming classmate na palaging may suot na salaming may grado. Kasama niya sina Salvie, Shella, at Karen. Tumango ako saka ngumiti. "Oo! Gusto ko may thrill!" Masaya kong litanya. "Oy, kami rin! Tapos gusto naming maranasan ang mga punishment na sinsabi nila. Iba pa rin kasi kapag ipagpatuloy ang pagiging CAT dati sa junior high." Kwento pa ni Salvie. "Good luck na lang sa inyo!" Natatawang litanya ni Berlin habang iiling-iling. Binaling ko ang atensyon sa apat na nakatayo sa harapan ko. Itong si Salvie napapansin ko na medyo may pagka-boyish siya sa halos isang buwan na naming pagiging classmate. August four kasi nagsimula ang college life namin. Hanggang sa Ausgust twenty four na. Mukhang late na yata ang orientation para sa ROTC at CWTS . . . lalo na at nakapagklase na kami sa NSTP na subject. "Nag-CAT din pala kayo?" tanong ko sa kanilang apat. Natahimik na sina Berlin, Gwen at Locsy. Abala na sila sa kakapindot sa mga cellphone nila. Samantalang ako, nakipagkwentuhan sa apat. "Oo, hindi ko pa nakalilimutan noong nag-drill din kami. Wala naman masyadong punishment. Hindi naman kasi strikto iyong adviser namin," kwento ni Noe. Tumango-tango ako. Mabuti sila nag-d-drill pala noon. Samantalang sa former school ko noong junior high ay wala. Noong nag-intern lang kami nakapag-drill. Pagkatapos no'n, e, diretso officer na kami. Kami ang inaatasan na mag-ronda sa buong room sa campus kapag flag ceremony. Tinitingnan namin kung may mga estudyanteng hindi um-attend ng seremonya. Iyon din sa ikinatatakot namin noon na baka pag-trip-an kami ng mga lower section. Mabuti na lamang at hindi kami napag-initan. Naging tahimik naman ang pagiging CAT officer ko. Marahil ay wala naman akong kinakalaban, takot ko lang din naman. Marami pa namang mga basag-ulero sa junior high noon. Kami rin nag-c-check noon ng attendance sa flag ceremony. Katumbas ng isang absent ay isang oras ng pag-c-community service. Kaya't tuwing end na ng school year ay wala nang d**o at basura sa paligid ng campus. Maging ang alikabok sa classroom ay walang itinira. "Humawak na rin kami ng rifle na gawa sa kahoy! Pinagtatawanan nga kami pagdating sa paradahan ng tricycle tuwing uuwi. Binibiro kami ng ilang mga driver roon kung puputok daw ba iyon." Pagpapatuloy naman ni Salvie sa kwento ni Noe. Pareho ang experience ng mga ito dahil magka-baranggay marahil. At mukhang galing din sila sa iisang campus dati. "Talaga? Mabuti naman kayo at nakahawak na ng rifle. May ideya na kayo kung sakaling magsisimula na ang klase natin sa ROTC," sabi ko sabay buntong hininga. Totoo iyon, kami kasi ay ballpen at papel lang ang hawak. Hindi kasi afford ng campus namin dati ang mag-supply ng mga uniporme, rifles saka training. Bukod pa roon ay kulang din ang isang oras na nakalaan para roon. "Naku! Kung ganoon, mararanasan mo na 'yan dito. For sure!" ika naman ni Karen sa akin sabay ngiti. Ngumiti rin ako sa kanila pabalik. Magsasalita pa sana ako nang sakto naman ang pagpasok sa loob ng room ni Miss Mavee. Oras na naman para makinig sa klase patungkol sa Values Education. Ganoon talaga siguro ang mga subject ng estudyante kapag BEED (Bachelor in Elementary Education) ang course. Umayos na ang mga kaklase ko sa kanilang mga upuan saka kami bumati sa professor namin. * KASALUKUYAN akong naglalakad papuntang Educh Tech para sa sunod na klase. Quarter to one na ng hapon at nagmamadali ako at baka nandoon na sa room si Sir Ersyl. Galing pa kasi ako ng boarding house para mag-lunch. Nakalimutan ko kasing magsaing ng kanin kanina kaya't umuwi ako nang wala sa oras. Lakad-takbo ang ginawa ko habang hawak ang palda kong suot sa magkabilang gilid. Naiirita ako kasi ang sikip at hindi ako makahakbang nang maayos. Sa punto ako na . . . hindi malaman kung ano na ang mararamdaman. Halos maligo na kasi ako sa malagkit kong pawis. May iilang estudyante rin ang nagmamadali para sa klase nila. Malapit na ako sa library nang bigla na lamang bumagal ang lakad ko. Hindi ko mapigilan ang pagkunot ng aking noo dahil sa isang lalaking galing sa "Buho"- ang tawag sa daanan palabas ng campus na nakakonekta sa likuran ng ASU. May mga karinderya roon at mga tindahan malapit sa palayan. Kaya't halos na estudyante ay roon kumakain at bumibili ng snacks nila at lunch, lalo na kapag punuan na rin sa cafeteria. Hindi ako pwedeng magkamali- iyong Agri-guy! Mabilis ang bawat hakbang nito. Marahil pareho ko'y nagmamadali rin siya para sa klase. Nakasuot siya ng earphone- tulad ng unang kita ko sa kanya. Ang kaibahan nga lang ngayon ay wala na siyang hawak na module at hindi na nag-m-memorize. Kaso nga lang deritso ang tingin niya sa unahan at parang wala siyang pakialam sa paligid. Nakapasok ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng kanyang itim na pants. Bagay na bagay talaga sa kanya ang kukay berde na may halong itim niyang uniporme. "Hindi man lang sa akin lumingon! Hmp!" bulong ko sa kawalan nang malampasan na niya ako. Pero hindi ko mapigilan ang pagsunod ko ng tingin. May kakaiba sa kanya na hindi ko mapangalanan. Parang hinahatak niya ang kaloob-looban ko't hindi ko mapigilan ang mapahanga. Mabilis na nawala sa paningin ko ang likuran niya. "Masungit siguro 'yon. Pero . . . ang cute ng mata niya, singkit! Tapos parang nang-aakit, seryosong-seryoso. Paniguradong gwapo 'yon kapag ngumiti!" Hindi ko mapigilan ang mapahagikhik sa sariling naisip. Pero agad kong binatukan ang aking sarili. Nandito ako para mag-aral, hindi para lumandi. Tulad nga ng sabi nila Mama, aral muna at huwag muna kaming lalandi, saka na lang daw kapag may trabaho na kami. Hindi ko naman sinasabi na mali sila. Ang akin lang ay parang napapagod na ako sa ganoong set-up. Alam kong para rin sa 'kin ang mga pangaral nila, pero gusto ko rin sumaya kahit na sandali. Iyon bang hindi na lang puro papel, modules, notebook at ballpen ang hawak ko. Hindi lang campus at boarding house ang napupuntahan ko sa tanang-buhay. Gusto ko rin i-enjoy ang pagiging teens ko. Kaya siguro ang boring ng life ko, at sa loob ng labing siyam na taon na nabubuhay ako sa mundong 'to, hindi ko pa nararamdaman ang saya na sinasabi nila. Ang freedom at ang choices. Mahirap. Mahirap kapag naka-depensa ka sa kagustuhan mo at sa kagustuhan ng mga magulang at pmilya mo. At kung ano ang masasabi ng mga tao sa paligid tungkol sa iyo. Ang mindset kasi ng ilang mga pilipino- kapag may boyfriend ka ay mabubuntis ka na. O, kaya naman kapag may kaibigan kang lalaki, malandi ka na. Kapag naman may manliligaw ka, mag-aasawa ka na. Bumuntong hininga na lamang ako sa isiping iyon. Hindi ko na lamang iisipin ang mga bagay na walang kinalaman sa academics. *** MABILIS na lumipas ang mga araw at dumating na nga ang pinakahihintay naming orientation about sa tatlong areas ng NSTP. Siksikan ang lahat sa Amphi dahil mandatory ang pag-attend sa orientation na iyon. Kaya't walang kawala ang mga ilan na hindi nag-a-attend. Ngunit dalawa lamang na areas ang offer ng ASU, iyon ay ang ROTC at CWTS. May mga pinakilalang instructors under sa ROTC at CWTS. Sila rin ang naging speaker, may mga propaganda silang inihanda para ma-engganyo kaming pumasok sa area na ini-representa nila. Ang nakatutuwa ay hindi naging boring ang orientation dahil ang isa sa speaker ay si Sir Dionisio. Dinaan niya kami sa pagiging sense of humor na kung saan patok na patok sa amin. "Pili lang kayo niyan . . . sa ROTC, rifle ang hawak-hawak mo. Hindi naman iyon puputok dahil gawa lang naman sa kahoy. Haha! Pero pwede niyo naman iyong gamitin bilang pamukmok sa mga tiyanak sa tabi-tabi." Napuno ng tawanan ang Amphi dahil sa sinabi niyang iyon. Maging siya ay napatawa na rin pero agad naman niyang pinigilan at nagseryosong muli. "Ang mga mapuputi ay iitim at ang mga maiitim ay mas lalo pang iitim dahil sa sikat ng araw! Pero huwag kayong mag-alala, dahil puno naman ng kahoy ang campus at malaki naman iyong Amphi." Sa banta ko nasa six feet ang taas niya. Bilugan ang katawan at maskulado. Nakasuot sila ng army green na t-shirt. "Kung sa CWTS naman kayo . . . walis tingting naman ang hawak niyo. Pwede niyo iyong gamitin para walisin ang mga kalaban paalabas ng Pilipinas, 'di ba?" Pagpapatuloy niya. Napatawa ako sa joke niyang iyon na bentang-benta naman sa amin. Kung siguro katulad niya ang mga ibang professor, wala na sigurong ilang mga estudynte ang nakatutulog sa gitna ng klase. Alive na alive siguro ang mood namin kung ganoon. Hindi naman sa nilalahat ko. Pero kanya-kanya lang siguro ng strategy ang mga guro para makuha ang atensyon ng mga estudyante nila. At nakadepende naman iyon sa mga estudyante kung ano ang gusto nila. Mayroon kasing mga mag-aaral na mahilig sa lively na professor at mayroon namang mas preferred ang gurong strict. Marami pa ang naging ganap sa orientation. May video pa silang pinakita ng mga estudyanteng graduate na sa pagiging reservice. Pinakita rin doon ang benefits kapag pipiliin ang ROTC at CWTS. Kung ano ang magiging kalakaran sa pagtuturo sa bawat area ng NSTP. Hanggang sa bigyan na kami lahat ng form para mag-fill-up doon. Sinilip nila Berlin ang form na sinusulatan ko na. Umiling-iling si Berlin, samantalang sina Gwen at Locsy ay abala sa pag-fil,-up na rin ng form. "Talagang desidido ka na sa pinili mong 'yan?" tanong sa akin ni Berlin habang nakataas ang kilay. Tass-noo akong tumango saka ngumiti. "Oo nga, Berl. Wala nang bawian." Napakamot siya sa kanyang ulo. Mukhang siya pa ang mas nag-aalalaa sa akin dahil sa pinili ko, kaysa sa aking sarili dahil alam kong hindi magiging madali. "Ay naku! Gwen at Locsy, pagsabihan niyo nga 'tong si Luminary! Ayaw talaga paawat, talagang gusto niyang umitim mga 'day!" inis na inis niyang sumbong sa dalawa na parang wala sa sarili ang mundo. Napatawa na lamang ako sa reaksyon nilang tatlo. Hindi na ako nagsalita at ngumiti na lamang. Pagkatapos mag-fill-up ay pinasa na namin ang form sa mga designated officers. Hanggang sa natapos na ang orientation ng araw na iyon. **** NAGHIWALAY kaming apat nang madako na kami sa Pili Avenue. Sa may gilid no'n ay may girls dormitory, samantala sa kabilang building ng Trees crop ay ang Boys Dorm. Doon din matatagpuan ang erigasyon ng campus. May palayan din doon na tinataniman ng mga agriculture students. Nasa labas kasi ng campus ang boarding house ko, kasi iyon ang gusto nila Mama. Ayaw nila sa girls dormitory dahil bali-balita na may nagmu-multo raw at mga kababalaghan na nangyayari. Kumibit-balikat na lamang ako sa statement nila noon nang naghahanap kami ng boarding house. Hindi na ako komontra pa. Ayos naman ang isang libo na bayad sa isang buwan. One month advance at one month pay ang patakaran ng land lady ko. Ayos na iyon, kaysa wala. Napabuntong hininga ako nang makita kung anong oras na sa suot kong relo. Alas sinco na ng hapon, maaga pa naman at wala naman akong gagawin pagdating sa boarding house. Maglalaba lang naman ako mamaya habang magsasaing ng kanin. Napadaan ako sa plaza. Bibili na lang siguro ako ng ulam sa tindahan mamaya. Tutal may oras pa naman ay tatambay muna ako sa may bench kahit na saglit. Umupo ako sa bakanteng bench habang kumakain ng street food na binili ko kanina. Pinanood ko ang sumasayaw na water fountain habang pumapailanlang ang malakas na musika mula sa speaker na nasa dome. Maaga yata nila binuksan ngayon ang fountain. Dahil siguro ay marami nang mga taong tumatambay sa ganitong oras. Sa kalagitnaan ako ng pagkain nang may umupong isang lalaki sa aking tabi. Kagaya ko ay kumakain din siya ng kwek-kwek na binili niya rin marahil. Napasinghap ako nang makilala ang lalaki. Iyong agri-guy na crush ko! Jusko! Hinga ka nang malalim, Lumi! Pinagmasdan ko siya habang ngumunguya ng kwek-kwek. Inaral ko ang bawat galaw ng kanyang bibig at ang pagsunod ng kanyang bagang. Maging ang paggalaw ng kanyang adams apple sa tuwing siya ay lulunok. Ngayon ko lang natitigan ang anyo niya. Sa unang tingin kasi ay para siyang tipong hindi mo papansinin. Wala naman kasing kapansin-pansin sa kanya kapag saglitan lang ang ibibigay na oras, maliban na lamang sa mga mata niyang parang binabasa ang kaloob-looban mo. Pero kung pagmamasdan mo siya nang maigi at pag-aaralan . . . habang tumatagal ay siyang ma-aapreciate mo ang kagwapuhan at ka-misteryusuhan niyang taglay! Normal na gwapo na rare na lamang ngayon. Naka-earphone na naman siya habang nakatitig sa sumasayaw na fountain. Hindi kaya nasisira ang taenga niya? Malakas na ang music dito sa plaza at naka-earphone pa siya? Agad akong napaiwas sa kanya ng tingin nang lumingon siya sa aking direksyon. "Matalino ka ba?" tanong niya bigla. Iyong boses niya . . . napaka-soft, parang nanlalambing . . . puno ng pagsuyo! Pasok sa banga! Jusko! Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Ako ba ang kinakausap niya? O, may katawagan siya sa suot niyang earphone? Hindi ko napigilan ang mapalingon sa kanya. Nasa fountain naman ang tingin niya. Ibig sabihin, may kausap siya sa cellphone. Kaya siguro siya naka-earphone. Napaismid ako at pinagpatuloy na lamang ang pagkain ng kwek-kwek. "Tinatanong kita kung matalino ka ba?" Rinig ko ulit na sabi niya. Sa puntong 'yon ay napatingin na ako sa kanya. At ganoon na lamang ang pagsinghap ko nang matagpuang nakatitig siya nang mataman sa akin. Iyong titig niya'y parang nanghihinoptismo! Parang hinahatak ng mga mata niya ang kaluluwa ko, pinasok no'n ang mundo kong pilit na tinatago. "A-ako ba ang kausap mo?" Halos kagatin ko ang aking ibabang labi dahil sa kabobohan kong tanong na iyon. Tumango siya saka ngumisi. Kinuha ang earphone na nakasalpak sa kanyang taenga. Mukhang pagtutuunan niya ako ng pansin. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi. s**t! Malamig naman pero bakit ako naiinitan? "Oo, sino pa ba ang tao rito?" Natatawa niyang sagot sabay subo ng kwek-kwek. Isang ngiwi ang pinakawalan ko dahil sa naging sagot niya. Mukhang may pagkasungit yata 'tong crush ko. "Akala ko kasi may kausap ka sa earphone," mahina kong sagot. Ewan ko kung narinig niya iyon dahil sa malakas na tugtog. "Halatang matalino ka. Malalim ang iniisip mo. Maraming bumabagabag ba diyan sa isipan mo?" Muli niyang tanong na ikinagulat ko. Hindi iyon isang klaseng tanong kundi para bang sigurado siya roon. Puno ng pagtataka ang ibinigay kong titig sa kanya. Ngumisi na naman siya sa akin. Ang mga mata niyang kulay-kape ay ngumingiti rin. Puno iyon ng kaningningan; nagbibigay ng pag-asa. "H-hindi naman," sagot ko. Pilit na kinukumbinsi ang sarili na totoo iyon. Na hindi naman ganoon karaming bumabagabag sa isipan ko. "Isa kang BEED student. Wala pa naman siguro kayong thesis?" Tumango ako. Medyo nag-a-adjust ako kasi nakapapanibago. Ngayon lang kasi may kumausap sa akin na lalaki, maliban sa mga kaklase ko. Isa pa hindi ko kilala! Ang nakakatuwa at nakakaba roon ay crush ko pa siya! Nakakatakot na baka sabihin niyang wala akong kwentang kausap! Baka sabihin niyang boring ako! Isa pa, kanina pa ako nagtataka kung bakit niya ako kinakausap? Hindi naman kami magkakilalang dalawa. Muli siyang nagsalita nang hindi ako nakasagot sa tanong niyang 'yon. "Pasensya na, mukha yatang nagulat kita- kung bakit kita kinakausap gayong hindi naman tayo magkakilala. Base kasi sa nakikita ko sayo'y gusto mong may ka-kwentuhan." Ibinuka ko ang aking bibig para lamang itikom iyon. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Natawa na siya nang tuluyan dahil sa reaksyon ko. Napatigagal ako dahil sa boses nang pagtawa niya. Ang swabe lang na nakakaakit sa pandinig. "Kung gusto mong may ka-kwentuhan, pumunta ka lang dito. Sa ganitong oras at sa ganito ring pagkakataon. Pero kung gusto mo, mga alas sais ng gabi, mas maganda." Tumayo siya mula sa kinauupuan niya't humarap sa akin. Inabot niya ang isang palamig na kanina pa niya hawak. "Para pala sa iyo, kanina ko pa sana 'yan ibibigay. Salamat kung tatanggapin mo. Huwag kang mag-alala, wala naman 'yang lason." Napatingin ako roon, parang nagda-dalawang isip kung tatanggapin ko ba iyon o hindi. Sa huli ay kinuha ko naman at kiming ngumiti sa kanya. Magpapasalamat na sana ako nang mabilis na siyang tumalikod sa akin at tumakbo patungo sa dalawang lalaking malapit sa fountain. Pagkatapos no'n ay umalis na sila hanggang sa mawala na sila sa aking paningin. Napatingin na lamang ako sa palamig na aking hawak-hawak. Sa puntong 'yon isang malapad na ngiti ang umukit sa aking mga labi. Hindi ko napigilan ang aking sariling mapatili kasabay ng isang malakas na tugtog sa paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD