Chapter 1

1007 Words
Disclaimer: This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. *** Chapter 1 AKO SI . . . NANUNUMPA bilang isang kawani ng . . . Halos liparin ko na ang hallway banda sa may harapan ng library ng Aklan State University (ASU), dahil sa malakas na panunumpang iyon. Iisa lang kasi ang ibig sabihin no'n- late na ako sa flag ceremony at patapos na! Kailangan kong makahabol para makakuha ng stub sticker para sa attendance. Kung hindi ay madadagdagan na naman ang bayarin ko pagkatapos ng semester! "Sorry!" mahina kong sambit nang may nabunggo akong isang lalaki na paalis na yata ng pila sa kanilang department. Hindi na ako nag-abala pang tingnan siya't tingalain dahil nagmamadali ako at hinahabol ko ang oras. Ingat na ingat ang ginagawa kong pagtakbo dahil sa natatakot akong masira ang heels ng black shoes ko. Isa pa, masikip ang pixel skirt na uniporme kong suot. Hindi ako makahakbang nang maayos! Kung bakit ba naman kasi ganito ito kasikip? Feeling teacher na talaga ang peg ng uniporme naming ito. "Excuse me! Excuse me . . ." Panay na sabi ko habang nakikipagsiksikan sa mga ilang estudyante nang nag-aalisan sa kanilang mga pila. Hindi rin ako tumitigil sa kakatingala para hanapin ang mga kaklase ko. Mahirap talaga kapag nasa five feet lamang ang taas, dehado kapag matataas na ang makakasalamuha mo. Hindi agad makikita ang hinahanap. Kailangan pang tumingala at maglukso-lukso! "Luminary! Dito!" Isang sigaw ang nagpatigil sa aking pakipagsiksikan sa kumpulan ng estudyante. Mabuti na lamang at nakita ako ni Locsy, kung hindi ay baka mamaya pa ako nakasingit sa pila. Kumakaway siya sa akin sabay turo sa likuran niya na wala nang kasunod. Nakangiti akong lumapit sa kanya. Hindi lang pala siya nag-iisa kundi kasama niya rin pala ang isa sa kaklase namin; sina Gwen at Berlin. Mukhang late rin yata silang tulad ko. "Oy, buti naka-abot pa tayo! Jusko, kung hindi sayang na naman ang bente sinco pesos natin." Reklamo ni Berlin habang nakasunod sa isang babaeng chubby na cute, hindi namin ka-department dahil iba ang uniporme nito. "Saan na ang iba?" tanong ko sa kanila. Tinutukoy ko ay mga kaklase namin. Hindi ko kasi nakita ang ilan sa kanilang nakapila. Humarap sa akin si Gwen habang nakataas ang kilay. Mukha yatang bad mood ito ngayong araw. Hulaan ko, masama ang bumungad dito kaninang umaga. "Naku! Nandoon na sila, alam mo naman mga kaklase natin early bird. Hindi katulad natin na palaging late," sagot niya na may diin ang bawat salita. Napatawa na lamang kami nina Locsy at Berlin. "Anyare sa iyo, day?" tanong ko sa kanya habang natatawa. Medyo umuusad na rin ang pila at malapit na rin kaming maabutan ng stubs na binibigay ng isa sa mga USC (University Student Council) officers. Natatawang sumagot si Locsy na nasa aking harapan. "Naku! Hindi 'yan nakaligo at hanggang ngayon ay bangag pa dahil sa k-drama na pinanood niya kagabi." "K-drama pa!" asar pa lalo nina Locsy at Berlin kay Gwen samantalang ako ay napatawa na lamang. Ilang minuto ang lumipas nang makakuha na rin kami ng stubs at tumungo na sa CTE (College of Teacher Education) building. Late na kami ng limang minuto sa first subject namin na Filipino 1A. Habang naglalakad kami sa Pili Avenue hallway ay naisipan naming bumili munang apat ng fried siomai sa cafeteria, na madadaanan din namin papunta sa CTE building. Kada hallway ng ASU ay may tawag para hindi maligaw ang mga estudyante, lalo na tulad naming mga baguhan. Eco-friendly pa ang campus dahil sa maraming mga nagtataasang puno sa tabi ng hallway. May mini park pa na may mga gazebo sa harapan ng library. May taniman din ng palay, gulay at mga iba pa sa East side ng campus para sa mga agriculture students. May rancho rin sa north side ng campus sa unahan ng napakalawak na field. "Steam or fried sa iyo, Lumi?" Biglang untag sa akin ni Gwen nang abala ako sa kakalikot sa loob ng bag ko. Hinahanap ko iyong wallet ko para ilagay ang maliit na stub doon. Mahirap nang mawala iyon, lalo na at napakaliit lamang iyon na sticker. Ididikit ko na lamang iyon sa attendance notebook namin mamaya kapag makarating na kami sa room. "Steam na lang sa akin," sagot ko sa kanya. "Huwag mo nang lagyan ng sili, ha!" Pahabol ko pa sabay kuha ng wallet ko at inilagay roon ang stub. "Bilisan natin, baka nandoon na si Ma'am sa room," sabi ni Locsy habang ngumunguya ng fried siomai. Inabot naman ni Gwen sa akin ang isang plastic cup nang matapos na niya akong paglagyan ng steam siomai. Inabot muna namin ang aming mga bayad sa tindira na bente pesos bago naglakad muli. "May student convention daw mamaya sa Amphi. Jusko, kung saan pa naman ang wednesday roon pa nila isiningit. Akala ko pa naman makakauwi ako mamaya nang maaga." Reklamo ni Berlin habang papaakyat na kami sa second floor ng CTE building. Nasa room ten pa kasi ang klase namin kaya't kailangang umakyat. Mabuti na lamang at two storey lamang ang mga building dito sa ASU, kung hindi, ewan ko na lamang kung makakayanan pa ng heels namin ang umakyat pa ng dalawang hagdan. "Bilisan niyo! Nandoon pa lang daw si Ma'am sa banyo!" Pagmamadali ni Gwen. Halos takbuhin na namin ang room ten nang marinig ang sigaw niya. Kaya pala kanina pa siya pindot nang pindot ng cellphone niya dahil nag-c-chat siya sa group chat ng section namin. Mukha yata mabibilaukan ako ng siomai nang wala sa oras, para lamang hindi mamarkahan ni Ma'am Sora na late sa attendance. Hindi maikakaila na nakatatakot talaga ang mga guro sa college. Hindi tulad sa elementarya at high school, mababait ang ilan. Ang ilan naman ay may mala tigreng mukha. Sino ba naman ang hindi matatakot doon? Nakakabahag ng buntot! Jusko! College life is real!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD