Chapter 2

1081 Words
Chapter 2 MAHABA ang pila ng mga estudyante para bumili ng kanilang lunch sa cafeteria. Iyon ang bumungad sa aming eksena ni Locsy nang matapos ang apat na oras naming klase. Sa apat na oras na iyon ay dalawang subject ang nakapaloob- ang Science saka Mother Tongue. Tig dalawang oras kada isa kaya't inabutan na kami ng tanghali. Agad akong naghanap ng bakanteng upuan saka mesa. Si Locsy naman ay pumila na sa may counter para magbayad ng ulam na binili namin; pritong hotdog na may chesse whiz at pritong manok. Sakto bente pesos ang nagastos ko sa pananghalian. Luminga-linga ako sa paligid. Nagmamasid sa mga ibang estudyante na kumkain na ng kanilang lunch. Mga estudyanteng galing sa BSBA (Bachelor of Science in Business Administration), CAFES (College of Agriculture, Forestry and Environmental Science), VETMED (College of Veterinary Medicine) at ang CTE. Wala pa ang ibang department marahil ay sa labas ang mga ito nag-lunch o kaya naman ay tapos na silang mananghalian. "Locsy!" tawag ko sa kanya nang matapos na siyang bumayad sa counter. Tumingin naman agad siya sa direksyon ko saka ngumiti. Dala niya ang isang maliit na board na may numerong nakasulat. Number two. Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. "Hintayin daw natin after five minutes. Iluluto pa lang ni Manang Beng." Tumango ako bilang tugon sa sinabi niya. "Mag-a-attend ba iyong sina Gwen at Berlin?" untag ko sa kanya habang nagpipindot siya sa cellphone. Napaangat ang tingin niya sa akin sabay kibit-balikat. Napabuntong hininga na lamang ako. Kapag ganito talagang nakahawak na ng cellphone si Locsy ay hindi na siya makakausap nang matino. Mabuti na lamang at gawin ko na lang ang essay namin para sa Purposive Communication. Para mamayang gabi ay mag-r-review na lang ako para sa quiz. Hindi ko alam kay Ma'am Jonah at talagang paborito niya mag-quiz kada may meet up kami sa kanya. Ayon sa kanya, mas mainam daw iyon para hindi mawala sa isip namin ang mga lesson. Kung sabagay may punto naman siya, para ma-refresh naman ang mga pinag-aralan namin. Huminga ako nang malalim sa isiping iyon. Pero minsan hindi maiwasan ang mataranta at ang maguluhan, lalo na kapag sabay-sabay ang siyam na subject sa pag-q-quiz at exam. Lalo na kapag nalalapit ang mid-terms at finals. Jusko! Ayaw ko nang maranasan ang naranasan ko noong senior high school. Halos apat na oras na lang ang tulog ko kapag nag-e-exam. Kung bakit ba naman kasi Accountantcy, Business and Management (ABM) ang kinuha kong track noon? Nahirapan tuloy ako sa accounting na subject, akala ko madali lang ang mag-balance-balance ng mga sales sa balance sheet pero hindi pala! Halos pugpugin ko na ang ulo ko sa sobrang prustasyon kong nararamdaman. Iyong feeling na ginawa mo na ang lahat ng paraan; mula sa formula hanggang sa technique, pero hindi mo pa rin ma-balance ang accounts. Kaya siguro eye bags ang napala ko noong senior high school, simula grade eleven hanggang twelve, e. Tapos hindi ko naman napala iyong pagiging ABM student ko dahil bumagsak naman ako sa field ng mga guro. Gustuhin ko man sanang ipagpatuloy ang pangarap kong maging accountant pero hindi ako pwedeng makipagbakbakan sa realidad. Kulang na kulang talaga ang kita ni Mama sa pagiging isang house wife, at ni Papa bilang isang magsasaka. Pero kahit na ganoon ang trabaho nila . . . hindi ko iyon ikinakahiya. I should be proud, dahil ginagawa nila ang lahat para lamang matustusan at maibigay ang mga pangangailangan naming magkapatid. Imagine how they sacrificed for nineteen years just to feed and support us. From being fetus until now that we are teens. Kung ini-push ko ang pagiging accountant ko sa isang buwan, kulang ang income nila Mama at Papa na limang libo. Sa isang semester kasi ay nasa seventeen thousand ang tuition fee sa GCT (Garcia College of Technology). Lalo pa at hindi lang ako ang nag-aaral at may dalawa pa akong mga kapatid. Kaya't pinili ko ang maging realistic kaysa maging idealistic. Dahil doon, nandirito ako sa Aklan State University- ang nag-iisang university sa probinsya ng Aklan- na libre pa ang tuition fee- iskolar daw kami ng bayan. Naalala ko pa noon na pahirapan pa ang pag-enroll. Kailangan magpasa ng mga requirements na talagang required talaga. Tapos ang pagkuha ng entrance exam kung qualified ka ba sa university. Halos isang buwan pa ang hinintay ko noon para sa resulta! Akala ko noon hindi ako nakapasa dahil wala naman ang pangalan ko sa dalawang choices ko na pinili. Nag-isip na ako ng ibang campus na papasukan noon, pero mabuti na lamang at nakita ng kakilala ko ang pangalan ko sa ibang kurso. Jusko! Paano ba naman napunta ang pangalan ko sa kursong wala naman sa dalawang choices ko? Anong connect ng Bachelor in Elementary Education, sa Bachelor of Science in Accountancy na first choice ko, at Bachelor of Science in Education major in English na second choice ko? Pero tinanggap ko naman ang kapalaran kong iyon. Sabi ni Mama ay magreklamo raw ako sa council ng school, ngunit tumanggi ako. Ayaw ko nang mag-aksaya ng oras at makipagdiskita sa mga tao roon. Ang importante ay nakapasa ako at wala nang problema sa matrikula ng pag-aaral ko. Isip at pagod na lamang ang puhunan. Marahil talaga ay rito ako itinadhana; na may rason kung bakit ako napadpad sa kursong iyon. I-pursue ko na lang ang pangarap ko na pagiging accountant kapag makapagtapos na ako ng pag-aaral bilang guro, o kaya ay baka hindi na. Mas importante iyong maibalik ko ang pinagpaguran nila Mama. Ang masuklian ang paghihirap nila para lamang bigyan kami ng isang magandang buhay. Kaya't focus na focus ako sa pag-aaral ko. Hindi naman ako ganoon katalino, kung sa level lang naman pagbabasehan ay pasok ako marahil sa katamtaman lang. Hindi ganoon katalino, hindi rin ganoon kabobo. Pero kailangan kong maging matalino sa lahat, kasi iyon ang expectation nila simula elementarya hanggang ngayon. Kaya't nakakatakot na baka masira ko ang expectations na iyon- na baka hindi ko ma-meet. Baka sa isang pagkakamali lang ay mapunta na lamang sa walang saysay ang lahat ng sakripisyo ko. Marami na silang sasabihin, na hindi naman pala ako matalino, na baka naging sipsip lang ako sa mga guro ko noong elementarya hanggang junior high. Kaya nagiging honor student ako dahil sa pagiging sipsip ko na hindi naman totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD