KAKALIMUTAN mo ba ang nangyari kahapon, o uungkatin iyon? Paulit-ulit iyan na tymatakbo sa aking isupan, habang tinatahak ang daan papunta sa Boho. Spon texted me, that he is in his boarding house. Pinapakuha niya ang payong na pinahiram ko sa kanya kagabi.
Alam ko naman na may iba pang rason kung bakit niya ako pinapapunta. Hindi ko alam kung ano iyon, pero malakas ang kutob ko na dahil iyon sa paghalik ko sa kanyang pisngi kagabi.
Habang inaalala ang pangyayari na iyon, hindi ko mapigilan ang mapangiti. Uminit ang pisngi ko na tela ba'y nagdala ng init sa aking buong katawan.
Inayos ko ang aking palda nang medyo umikot ito sa aking baywang. Malapit na ako sa BH ni Spon, tanaw ko na ang pawid na bubong nito. May ginagawa raw siya, kaya't hindi niya maihahatid sa akin. Sakto naman na may bibilhin din ako sa tindahan ni Aling Linda, isinabay ko na lang.
Habang papalapit na papalapit ako't siya namang pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko, parang nanggaling ako sa isang mahabang pagtakbo.
Huminto ako sa tabi ng kalsada. Nahihiya akong dumeritso na lang, lalo na at nandoon ang ilang mga ka-boardmates niya. Kinuha ko ang aking cell phone at agad na nagpadala sa kanya ng mensahe.
Tumingin-tingin ako sa palaigid, para hindi akward sa mga estudyanteng tinatapunan ako ng tingin. Siguro'y nagtataka kung bakit ako nakatayo sa gilid ng kalsada at waring nawawala.
Narinig ko ang boses na tinatawag ang pangalan ko pagkaraan nang ilang sandali. Sumalubong sa akin ang nakangiting si Spon, paglingon ko. Nakasuot siya ng isang kupas na kulay pulang shirt na walang manggas, at naka-slacks ng kulay itim.
Tila bang humugis puso ang aking mga mata nang makita siya.
Shit! Ba't ang gwapo niya?
Lumapit siya sa akin. Hindi ko maiwasang ang ma-pranning sa maaari niyang maaging epekto, kapag mas lumapit siya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, mukha yata akong madedeliryo. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihaan.
“Kanina ka pa ba? Bakit hindi ka pumasok sa loob?” tanong niya, sabay kuha sa mga librong bitbit ko.
Agad kong inilayo iyon sa kanya. “H-huwag na, kaya ko. A-anu, kukunin ko lang iyong payong. Hindi na ako papasok sa loob. May klase pa kasi ako.”
Dere-deritso aang pagsasalita ko para hindi na siya makasingit.
Nang tumingala ako sa kanya'y nababanaag ko ang emosyon doon. Nagtataka siya sa ikinikilo ko, bagama't may kalungkutan doon— mukhang dismayado siya dahil sa sinabi ko.
“Sure ka? May hinanda pa naman akong pagkain sa iyo.” Kumamt siya sa kanyang ulo na tila nahihiya. Nakangiti siya nang tipid habang nakapamulsa.
Tumango ako bilang tugon.
Tumingin siya sa direksyon ng kanyang boarding house saka ulit bumaling sa akin. “Sure ka talaga, mushroom?”
Tumango ulit ako. “Oo, hihintayin kita rito.”
“Sige, saglit lang, a.” Pagkatapos niya iyong sabihin ay nagmadali siyang pumasok sa loob ng kanyang BH.
Bumalik ulit ako sa pagpipindot ng cell phone ko para magkunwaring may ginagawa. Kahit scroll-scroll lang ang ginagawa ko sa home screen. Ang awkward kasi ng mga estudyanteng dumadaan na tinatapunan ako ng tingin, wari bang masama ang tumayo sa gilid ng kalsada. Hindi naman siguro ako mukhang baliw sa kalagayan ko. Sinigurado ko naman kaninang maayos ang itsura ko— actually, nagpaganda ako para kay Spon.
Napahagikhik ako nang bumalik sa isipan ang kaharutan kong ginawa kay Spon. s**t! Naalala niya kaya iyong paghalik ko sa kanyang pisngi?
Nanginig ang kamay ko nang marinig muli ang kanyang boses.
“Lumi, ito o. Maramig salamat talaga sa payong mo.”
Kinuha ko mula sa kanyang kamay ang violet na payong. Hindi ko alam kung napansin ba niya ang pagnginig ng kamay ko.
Tumikhim ako bago nagsalita. “W-wala iyon. Ayos ka lang bang nakauwi saa inyo kagabi?”
Lumawak ang ngiti niya. Mukhang nasisiyahan sa tanong ko na iyon. Umiwas siya ng tingin at pinipigilan ang pagngiti pa nang malapad.
“Ayos lang ako, mushroom. . . nga pala . . . .” Kumamot muna siyaa sa kaanyang batok. Ako nama'y kinakabahan na baka ungkaatin niya ang halik na ginawa ko.
Naagdasal ako sa likuran na isip habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Hinihiling ko na sana mapansin niyang hindi ko gustong pag-usapan iyon. Kasi hindi ko alam kung ano pa ang mukha kong ihaharap sa kanya, pagkatapos ng kalandian kong iyon.
May isang supot ng cellophane siyang inabot sa akin. Isang pancit canton at krem stix sa loob. Napabaling ag tingin ko sa kanya mula roon. Nagtatanong ang mga matang nakatitig sa kanya.
“Para sa iyo, pasensya na ha, iyan lang talaga maibibigay kong pagkain sa iyo.”
Napangiti ako nang malapad. Hindi ko alam kung bakit ko pa siya pinapahirapang manligaw. Sinoba naman ang hindi mahuhulog sa ugali niyang napaka-adorable. Sa lahat ng mga lalaki, siya lang yata ang kakaiba. Simple lang siya, hindi nagpapa-impress, totoo sa kung ano ang kaya niyang ibigay.
“Salamat, Spon. Hindi mo naman kailangan na bigyan ako nito.”
Pero pilit niya pa ring inaabot iyon sa akin. Wala na akong nagawa kundi tanggapin iyon at pasalamatan siya nang buong puso.
Hindi mapigilan ang pusongumibig, lalo na sa isang katulad niya. Napaka-inosente pero matured sa mga bagay. Gusto ko pa siyang makilala lalo, at gusto kong makasama na siya habang-buhay. Para akong mababaliw kung pakakawalan ko pa ang isang tulad niya.
“Salamat dito, a. S-sige alis na ako. Mag-iingat ka,” paalam ko, sala umatras para tumalikod na sa kanya pero agad niya akong pinigilan.
“Sandali, Lumi. Pwede bang maka-usap ka mamaya pagkatapos ng drill natin? Gusto ko lang may kausap.”
Tumango ako saka ngumiti sa kanya. Sino ba naman akong tanggihan siya? If Spon need a shoulder, then I am willing to his shoulder— even it is for forever.
***
KINAIN ko nga ang bigay sa akin ni Spon. Tinukso pa ako ng tatlo kong kaibigan nang mag-lunch time. Palagi raw libre ang pagkain ko, na ang totoo'y dalawang beses lang naman sinagot ni Spon ang tanghalian ko.
Mahilig talaga ang lalaking iyon sa pancit cantoon. Tama nga si Aling Linda, palaging unhealthy foods ang kinakain ng taong iyon.
“Ano ’day? Handa ka na talagang mag-take ng risk?” untag sa akin ni Gwen, nang kasalukuyan kaming namamahinga sa green table, sa ilalim ng malaking puno ng mangga.
Napatingin tuloy sa akin sina Berlin at Lyn. Ito talagang si Gwen napakadaldal. Imbes na iwas ang topic sa akin pagkatapos kumain, binalik na naman.
“Siguro. . . hindi ko pa alam. Natatakot ako, pero nanghihinayang.”
Lumapit silang tatlo sa akin at nasa harapan ko na sila. Pinag-aaralan ang emosyon na naglalaro sa mga mata ko. Maging ang reaksyon ko ay inobserbahan din nilaaa. Napa-ismid tuloy ako.
Hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon. Lalo na at naninibago ako, ngayon lang akp nagkaroon ng mga kaibigan katulad nila Lyn. Noon kasi ay mag-isa lang talaga ako mula elementarya hanggang senior high. May matatawag naman akong kaibigan, pero hindi ganito ka-close saa isa't isa. Kaya hindi mai-aalis sa akin ang manibago.
Hindi ako makapaniwala na unti-unti na akong nagtitiwala sa mga nalalapit na tao sa akin.
“Ay naku, Lumi. Mahirap nga iyan,” komento naman ni Berlin habang mahaba ang nguso.
Nag-aalala rin sila sa akin sa kung anoman ang maaaring mangyari sa magiging gagawing desisyon ko. Hindi ko alam, magulo rin naman ang isip ko sa magiging resulta. Nandoon ang pagtatalo ng isip ko na huwag tanggapon si Spon, at nandoon din na nangingibabaw ang pagkagusto ko sa kanya. Iyong gusto ko siyang angkinin na akin lang siya.
“Wala na, in love na talaga itong beshy natin.”
Mabilis na lumipas ang buong maghapon. Nagpaalam na sina Berlin sa akin. Nauna na silang umuwi at iba ko pang mga kaklase. Ako naman ay dumeritso sa Amphi theater dahil doon napili ng trainer namin na mag-practice ng huling araw para sa zumba.
Oo nga pala, at bukas na ang performance namin. Hindi ko na namalayan ang araw. Pagod din at pawis ang puhunan namin. Sana naman ay kahit makapasok kami hanggang top five para naman may prize kami at mabawi ang lahat.
Dumiretso ako sa Amphi theater. Nandoon na ang ilang mga kasama ko. Lumapit ako sa isang napalapit sa akin na si Laren. Kumaway siya at ngumiti. Tumabi ako sa kanya.
“Kanina ka pa ba?” tanong ko.
Uminom mun ako ng tubig. Abala naman siya sa p*******i ng shoe lace. Napansin kong marami-rami rin pala ang nagpa-practice. Tulad din marahil namin ay kukunin ang space ng stage. Nang maayos ang pwesto namin bukas kung magpe-perform na.
“Hindi, bago lang. Hinihintay pa ng trainer natin ang ilan pa nating kasamahan. May klase pa siguro, saka marami pa naman ang nagspi-spacing sa stage. Hindi tayo makasingit.”
Tumingin ako sa paligid. Marami nga ang mga gustong mag-spacing. Mukhang gagabihin kami nito. Kumibit-balikat ako, saka kinuha ang aking cell phone sa bag.
Limang mensahe mula kay Spon. Tinatanong niya kung saan ako. Sinabi niya ring hihintayin niya ako sa green table sa canteen banda.
Napatingin ako kay Laren at sa trainer namin. Wala akong load kaya't hindi ko mareply-an si Spon. Kailangan ko siyang puntahan. Kanina pang alas kwarto ang text niya, alas sinco na nang mga oras na ito.
“Laren may pupuntahan lang ako. Paki-text na lang ako kung magpa-practice na tayo, ha?” paalam ko sa kanya bago tumayo mula sa aking kinauupuan.
Tumango siya bilang tugon sa akin. “Sige, text na lang kita. Wala pa naman, e. Saka baka mga panlima pa tayo magpo-position sa stage, sabi ng trainer natin kanina.”
Ngumiti ako, “sige, Laren. Salamat. Alis na muna ako.”
Lumabas agad ako ng Amphi theater at malalaki ang mga hakbang na ginawa papunta sa green table. Ang lakas ng t***k ng puso ko habang papalapit ako nang papalapit sa kinaroroonan ni Spon.
Tanaw na tanaw ko siya sa mula sa aking nilalakaran. Nakatalikod siya sa akin, mukhang may ginagawang kung ano sa ibabaw ng sementadong mesa.
Tumikhim ako pagkarating sa kanyang pwesto. Medyo nagulat pa siya nang makita ako sa harapan niya.
Napatingin ako sa mesa, at tama nga ang hinala kong may ginagawa siya. Nakita ko ang mga box-box at table sa yello pad paper na sinulat niya.
“Kanina ka pa ba naghihintay sa akin?” tanong ko sabay upo sa bakanteng sementadong upuan sa kanyang harap.
Medyo nahiya siyang tumingin sa akin, pero pagkaraan nang ilang sandali ay pinasadahan niya ako ng tingin. Isang titig na para bang hinuhukay ang buong katauhan ko. Isang tinging nakatutunaw ng puso.
Tila may dumaang boltahe sa aming pagitan dahilan na magtitigan kaming dalawa. Isang enerhiyang nakakapagbugso ng damdamin sa mga oras na iyon.
“Ang ganda mo, Lumi. Mukhang hindi na ako makasagot nang tama sa activity na ito,” litanya niya sabay ngiti nang marahan.
Hindi napigilan ang pang-init ng aking pisngi— maging nang pagtakbuhan ng kung ano sa aking tiyan. Mukha yatang madedeleryo ako nang wala sa oras dahil sa sinabi ni Spon.
“A-ano. . .” Hindi ko maapuhap kung ano ang sasabihin. Malakas nga talaga marahil ang epekto ng sinabi niya, s**t, mukhang nawawala ako sa sarili.
Kumamot siya sa likuran ng kanyang batok. Napansin niya rin siguro ang awkwardness na namamagitan sa aming dalawa.
“Salamat nga pala sa binigay mong pahkain sa akin kanina, a. Iyon ang ginawa kong lunch.”
Tumingin siya sa akin. Wala na roon ang pagkahiya, kundi kasiyahan na ang nababasa ko sa mga mata niya.
“Unhealthy ang pagkain ng pancit canton, bilang lunch lang, mushroom. Kailangan mong kumain ng kanin at gulay,” pangaral niya, na taliwas din naman sa ginagawa niya sa sarili.
“E, ikaw? Bakit ganoon din madalas ang kinakain mo? Hindi ba dapat mga healthy foods din?” tanong ko sa kanya, dahilan nang pagtawa niya.
Pinisil niya ang aking ilong na siyang ikinabigla ko. Naghatid iyon ng kiliti sa aking puso. Pinukaw no'n ang tila bato kong emosyon, nawasak ang pader na itinayo ko ilang dekadang taon.
idagdag pa ang tila isang musika ang mahinang tawa niya, dahilan para lumutang ako sa ere.
“Ang cute mo, hindi, mas gumanda lalo.”
Hindi ko na napigilan ang pag-alpas ng ngiti sa aking mga labi.
“Bolero ka rin pala, ano?”
“Hindi a, totoo iyon. Nakikita ng puso ko kahit wala namang mata.”
Ako ngayon ang napatawa. “Sana all nakikita ng puso.”
Napatawa na kaming dalawa dahil sa aking sinabi.
“Nga pala. . . may gagawin ka ba ngayon?”
“Oo, may practice kami ngayon sa Amphi theater. Last practice para sa zumba na namin bukas.”
“Bukas na ang zumba niyo?”
“Oo, e. Ang bilis nang araw no? Ako nga rin hindi ko namalayan.”
Kumamot ako sa aking ulo habanh sinasabi iyon. Amused na amused lang siyang nakatitig sa akin.
“Oo nga, hindi ko rin namalayan na hulog na hulog na ako sa iyo.”
“Sira!” Hindi na napigilan ang kilig na lumabas sa pamamagitan ng aking boses.
“Hintayin na kita. Sige na balik ka na sa loob, baka magsimula na kayo. Mapagalitan ka pa ng trainer niyo.”
“Sure ka, a? Pwede ka namang umuwi na, Spon. Baka kasi gabihin kami.”
Ngumiti siya at umiling. “Kahit magpuyat pa ako, wala akong pakialam. Hihintayin pa rin kita.”
Hindi na ako nagsalita pa at tumayo na sa aking kinauupuan.
“Sige, hintayin mo lang ako rito ha. O, kaya pasok ka lang sa loob ng Amphi kapag tapos ka na sa ginagawa mo.”
***
Ilang ulit kaming nag-position sa stage hanggang sa mapulido ng aming trainer ang lahat. Madilim na sa labas at hindi ko alam kung anong oras na. Pero sa hinuha ko'y mga ala sais na nang gabi.
Pinauwi na kami ng aming trainer. Mabilis akong nagpaalam kay Laren. Nag-aalala na kasi ako kay Spon. Kanina pa ang paghihintay no'n at baka nainip na siya. Baka pinagpipiyestahan na siya ng mga lamok.
Luminga-linga ako sa buong paligid ng Amphi theater. Wala siya roon, ibig sabihin hindi siya pumasok simula nang iwan ko siya kanina.
Isinukbit ko ang aking bag saka nagsuot ng jacket. Mabuti na lamang at hindi lowbat ang cell phone ko. Wala naman siyang text sa akin. Nandoon pa rin kaya siya sa green table?
Puno naman ng ilaw ang ASU kaya't maliwanag na maliwanag pa rin ang buong paligid kahit gabi na. May mga street lights din sa Pili avenue, kaya hindi problema ang dilim.
Tumungo agad ako sa green table pagkalabas ng Amphi theater. Wala roon si Spon, iyon ang problema. Wala pa akong load, umuwi na kaya siya?
“Tapos na kayo mag-practice, mushroom?”
“Ay kabayo!” biglang sigaw ko nang bigla lamang may magsalita sa likuran ko.
Sumalubong sa akin ang nakapamulsang si Spon. Napahinga ako nang maluwang nang makita na siya. Nag-alala ako kung napano na siya rito sa labas.
“Oo, katatapos lang. Akala ko umuwi ka na.”
Ngumiti siya saka kinuha ang bag kong nakasukbit sa aking likuran. “Ako na magdadala niyan. Mukhang bigat na bigat ka na, o.”
Agad akong lumayo sa kanya. “Naku, hindi na. Kaya ko na ito.”
“Sure ka?” tanong niya ulit.
Tumango ako saka ngumiti. “Oo, sure ako.”
Lumakad na kaming dalawa pababa ng hagdan patungo sa Pili avenue road.
“Hinanap mo ba ako?”
“Oo, akala ko kung napaano ka na sa green table. Nag-alala ako nang wala ka roon.”
Ilang sandali ang lumipas bago siya nakasagot. “Pasensya ka na, a. Pumunta lang ako saglit sa boarding house para magbihis at iwan ang mga gamit.”
Pinasadahan ko siya ng tingin. Kaya pala naka-cargo short na siya at white plain t-shirt. Hindi na siya naka-uniform tulad kaninamg iwan ko siya. Hindi ko man lang napansin, dahil sa pagka-attract ko sa kanya.
“Okay lang. Saka pasensya na rin, pinaghintay kita ng isang oras.”
“’Nu ka ba, willing naman talaga ako maghintay. Umuwi lang talaga ako para makapagbihis.”
Naglakad kami sa gitna ng kalsada ng Pili avenue. Maliwanag ang paligid dahil sa tulong ng street lights. May naririnig kaming tunog ng mga ibon, hampas ng hangin sa mga puno at ilang mga kuliglig.
This is so romantic. Kahit hindi naman kami magkarelasyon ni Spon, napaka-romantic ng tagpong ito. Kahit sa panliligaw pa lang ay sobrang memorable na.
“Mushroom, ano'ng gusto mo sa isang lalaki?” bigla niyang untag nang paliko na kami sa guard house.
Wala si manong guard doon, pero nandoon ang bisikleta nito na nasandig sa hagdan. Baka romonda na sa campus.
“Tinatanong mo ako? Para saan?”
Nagpakawala siya nang marahan na tawa, siguro para mawala ang hiyang nararamdaman niya. “Para rito. . . para sa panliligaw ko. Alam mo na, kaming mga lalaki, kailangan na makuha ang matamis ninyong 'oo'. Pero ayaos lang kung hindi, at least, naibigay namin ang best para roon.”
Tumango-tango ako, kunyari naniniwala sa sinabi niya. May punto naman siya, lahat ng lalaki gagawin ang lahat para mapa-impress ang babaeng nililigawan nila.
Mostly, nagkukunwari na pero taliwas naman pala sa totoong ugali. At ayaw ko nang ganoon, gusto ko iyong nagpapakatotoo.
“Hindi mo naman kailangan na magpa-impress, e. Ipakita mo kung sino ka ba talaga. Kung mahal ka talaga ng isang babae, hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo. Masama ang nagustuhan ka lang niya sa taliwas mong pagka-tao.”
Huminto siya sa paglalakad, kaya't napahinto rin ako. Tinigala ko siya, sumalubong sa akin ang malawak niyang ngiti; nag-aalab ang mga mata niya at parang may nagbabadyang pumatak na isang butil ng luha mula roon.
“Kakaiba ka talaga, Lumi. Hindi ko na alam kung paanong makakaahon pa. Para akong isang bngkang palutang-lutang at nang makita ka sa gitna ng karagatan, bigla akong nalubog. Natangay ng katauhan mo at napaibig nang labis sa iyo. Hindi ko na alam kung paano pa mapipigilan ang pag-ibig ko para sa iyo. Nakababaliw ka, Lumi. Gusto kitang iapgdamot ngayon pa lang.”
“S-spon?”
Mukhang nabaliw na rin yata ako sa mga binitiwan niyang salita.