“LUMI? LUMI. . .?” Napakurap-kurap ako nang tawagin ni Lyn ang pangalan ko. Nakatulala lang ako simula kanina, at hindi na ako nakikinig sa mga pinagsasabi ng ka-group mates ko.
Klase namin sa values education, at hinati ni Ma'am ang buong klase para sa isang group activity. Magka-group mates kami ni Lyn, sina Gwen naman at Berlin ay sa magkabilaang grupo, tatlong grupo lang kasi.
“Huh?” tulero kong sagot sa kanya.
Pinaikot niya ang mga mata, saka ini-explain sa akin at sa mga kasama pa ang tungkol sa gagawin. Wala talaga ako sa matinong pag-iisip ngayon. Lutang pa rin ako sa nangyari at mga sinabi kagabi sa akin ni Spon.
Natapos ang klase na wala akong naintindihan. Masama na talaga ang epekto nito kung hahayaan ko pa ang sarili kong mabaliw dahil kay Spon.
“Day! Ano nangyayari sa iyo? Mukha kang naka-shabu.” Niyugyog pa ni Gwen ang balikat ko, pagkaupo namin sa isang bakanteng bench sa meditation hall area.
Nakatingin naman sina Berlin at Lyn sa akin habang iiling-iling.
“Kanina pa ’yan sa group activity. Nilipad na yata ang utak niyan sa kung saan, at parang lutang,” dugtong naman ni Lyn, habang seryoso ang mukha.
Biglang sumingit si Berlin. “Ano nangyayari sa iyo, Luminary?”
Huminga ako nang malalim. “Hindi ko alam, nilamon na yata ni Spon ang isip ko.”
Napasandig ako sa upuang semento. Minsan ngingiti sa pag-alala sa mga binitiwang salita ng lalaki kagabi.
“Oy, ’day, maghunos dili ka, a! May performance pa kayo mamayang hapon. Huwag kang lutang!” huling pangaral ni Gwen, na siyang tinawanan naming lahat.
Napaka-supportive talaga nila sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kung wala silang nagbibigay ng payo at mga pangaral. Siguro, hindi ako nakararamdam nang ganitong kasiyahan kung hindi ko tinanggap ang panliligaw ni Spon; kung hindi ako nag-take ng risk.
Plano ko na sa ngayon, namnamin ang panliligaw ni Spon, at saka ako gagawa ng desisyon. Kung ano ang isasagot ko sa kanya.
Bahala na.
Mabilis ang pagkain namin ng tanghalian nang mga oras na iyon. Kailangan pa kasi naming mag-ayos para sa performance mamaya. Ala una dapat nasa Amphi theater na kaming lahat. Sa ganoonng oras din kasi ang attendance na kailangan naming ma-achieve. Kung hindi ay may penalty kaming matatanggap.
Ganito naman talaga sa mga paaralan. Tinuturuan ang mga estudyante nang tamang asal. Para hindi maligaw ng tamang landas, maging ang values nila ay mapalago at mabago. Ang iba kasi nagagalit dahil sa mga penalty, pero nakatutulong naman iyon para sa performance ng mga estudyante.
Sa ganoong paraan maturuan nang kung ano ang dapat na gawin sa loob ng campus. Isa pa, nasa college na kami, dapat talagang maging reponsable na at matured, kailangang hanapin ang sarili at mapalago.
Humanap kami ng pwesto sa Amphi theater. May mga nakalagay naman pala sa bleachers kung saan kami pupwesto. Naroon na rin ang ibang mga ka-department namin: from Science, Math, Social studies, English at BEEd.
Nang makaupo na kaming apat, agad akong nagpaalam sa tatlo para bumihis. Nakabihis na kasi ang ilang mga kasama ko para sa performance mamaya, at ako pa ang hindi. Madali akong bumaba ng bleachers at tumungo sa rest room, habang dala-dala ang aking bag.
Mabilis akong nagbihis. Marami pa naman ang nakapila sa labas— nagbibihis ding tulad ko. Sila ang makalalaban namin mamaya sa zumba.
Natanaw ng paningin ko si Spon sa canteen pagkalabas ng rest room. Inaayos niya ang bag, at mukhang katatapos niya lang maglagay ng mga gamit doon. Kasama niya si buds RJ. Hindi niya ako nakita dahil agad silang tumungo sa likuran ng Amphi theater. Baka may klase sila, hindi niya pala mapapanood ang pagsayaw ko mamaya.
Lumiko na ako sa gilid ng Amphi theater saka inakyat muli ang bleachers. Nagsimula nang gumulo sa loob, at umingay. Puno nang tawanan at sigawan. Mistulang mga nagbubulungang bubuyog na ang naganap sa loob.
Kinawayan agad ako nila Lyn saka pinakita ang attendance sheet. Madali naman akong humakbang para makarating sa kanilang pwesto.
Mabilis nilapag ang bag at nagperma na roon. Halos kalahating oras pa ang tinagal nang paghihintay namin bago nagsimula ang programa. Punong-puno na rin ang bleachers dahil sa mga ilang estudyante na mula sa iba't ibang kurso. Hindi ko maiwasang kabahan para mamaga sa performance namin.
“Ayos ka lang ba, Lumi?” tanong sa akin ni Lyn, nang mapansin niyang balisa ako sa aking kinauupuan.
Balisa dahil sa kaba, at idagdag pa ang masakit ko nang pwet sa ka-uupo.
“Ayos lang ako, Lyn. Kinakabahan lang ako para mamaya.”
Tumabi sa akin ang tatlo saka ako inakbayan. “Sus, yakang-yaka mo ’yon. Ikaw pa!” ika ni Berlin, sabay tapik sa aking balikat.
Huminga ako nang malalim. “Salamat sa inyo, a. Hindi talaga kayo nawawala sa tuwing gusto ko ng karamay.”
“Ikaw pa ba, dito lang kami palagi sa iyo, Lumi.” ani Lyn, saka kami nagtawanang apat.
Oh, God, thank you for giving me such three wonderful person beside me.
Tumayo ako mula sa aking kinauupuan nang mainip ako. Nang-iinit na talaga ang pwet ko sa kauupo. Nagpaalam muna ako sa tatlo na pupuntang rest room. Pumayag naman sila, gusto pa sana akong samahan ni Gwen, pero tumanggi ako. Hindi naman na siya nagpumilit.
Mas pinili kong dumaan sa likod ng bleachers, kesa sa harap. Malapit lang naman doon amng rest room sa hometech department. Dumaan ako sa mga bench sa meditation hall, at bumaba ng hagdan papuntang HT building.
Maraki rin namang mga estudyante ang pagala-gala sa labas— mula sa mga ibang depatamento. Kaming mga college of teacher education lang kasi ang may program ngayon, kaya't may klase ang iba.
Umakyat ako ng hagdan at agad na tumungo sa rest room. Mahaba ang pila pagkarating ko sa loob. Pang-anim pa sa pila, pakiramdam ko'y sasabog na ang puntog sa mga oras na iyon.
Makaraan ang ilang sandali, nakaramdam na rin ako nang ginhawa. Pagkatapos umihi, lumabas na ako para makabalik sa Amphi theater.
Paakyat na sana ako ng hagdan nang marinig kong may tumawag sa akin. Sumalubong sa akin ang nakangiting si buds Delo Fernandez— isa sa mga kasama namin sa ROTC officer. Isa siyang Forest Agriculture student, kaya't fuchsia green o yellow green ang uniform nila. Nakangiti siya habang may dalang isang supot ng plastic.
Kumunot ang noo ko. “Buds? Ano’ng balita?” tanong ko sa kanya nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin.
“Tatanungin sana kita kung pupunta ka mamaya sa urgent meeting ni Sir Navarra, e.”
Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Hala, hindi ako naka-attend ng drill ilang araw na. Hindi ko alam ang tungkol diyan. Bakit daw may urgent meeting?”
Kumibit-balikat siya. Inabot sa akin ang supot na hawak-hawak. “Hindi ko rin alam. Basta ang meeting ay sa admin. Kita-kita na lang tayo roon mamayang lahat.” Tumingin siya sa supot na hawak. “Para sa iyo buds, nabili ko pala kanina.”
Inabot ko naman iyon. “Hala, salamat dito, a. Hindi ko tatanggihan.”
Ngumiti siya, lumabas ang dimple sa kanyang magkabilang pisngi. Mataas siya, nga nasa six-two yata ang height niya, kaya kailangan ko pang tumingala na nasa four-eleven lang. Kayumanggi ang kulay niya, masasabi kong cute siya.
Mabait silang lahat, isang samahan sila at mga taong hinding-hindi makalilimutan kahit ilang taon pa ang lumipas.
“May program pala kayo?” bigla niyang tanong, mukhang ayaw pang matapos ang pag-uusap namin.
Mabuti naman iyon nang medyo hindi sumakit ang pwet ko roon sa loob. Mainam na itong dito muna ako sa labas.
“Oo, CTE Got talent namin. Kung wala na kayong klase, pwede kayong manood doon sa loob.” anyaya ko pa sa kanya, habang kinakain ang pancake niyang binigay. Mas sumarap iyon dahil sa margarine na nilagay.
Titig na titig siya sa akin habang nakangiti. “Sumali ka?”
“Oo. Zumba.”
Tumango siya saka napapitik. “Sige, manonood ako. Ano’ng oras ang presentation niyo?”
“Hindi ko alam, e. Pero baka mga four-thirty. Alas tres pa lang naman, pwede ka pang pumunta sa gusto mong puntahan”
“Mukhang pinapaalis mo na ako, a? Gusto pa nga kitang makausap.”
Napatawa ako. “Sorry, ano kasi, baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko sa loob.”
“Ay, yun lang! Sige-sige, manood na lang ako mamaya sa sayaw niyo. Good luck, buds.”
Tumango ako. “Salamat, buds.”
Sumaludo pa siya bago sa akin tuluyang tumalikod.
Napatingin ako sa pancake na natira. Nabusog agad ako sa isa pa lang. Sulit ang limang piso. Humakbang na ako para umakyat sa hagdan papuntang meditation hall.
***
PANG-LIMA kami sa magpe-perform ayon sa draw lots na naganap kani-kanina lang. Nilagyan na rin ng spray hair paint ang naka-braid naming buhok. Pandagdag para sa costume at style.namin. Malaki rin naman kasi ang makukuhang puntos doon, thirty percent.
Naka-short kami hanggang ibabaw ng tuhod, smeakers, at CTE department t-shirt na kulay blue.
“Huwag kang kabahan, besh. Sumayaw ka lamg at huwag intindihin ang mga manood,” biglang untag ni Berlin sa akin.
Tumango ako, saka tiningnan silang tatlong nakangiti sa akin. Napaka-supportive talaga ng taglong ito sa akin. Sana ganoon din ang maibigay kong approach sa kanila.
“Salamat sa inyo, a.” Inayos ko ang shoe lace ng aking sapatos na suot.
Inisa-inisa nila akong tinapik nang bumaba na kami ng mga kasama ko sa bleachers para pumunta sa likod ng Amphi theater. Kami na kasi ang susunod, pagkatapos ng grupong kasalukuyang nagpe-perform.
Pwenesto na kami ng aming trainer sa tatlong linya. Sa gitna ako napunta, nasa harapan ko si Laren.
Kinakabahan kaming lahat, ramdam ko ang tensyon na namamagitan sa amin. Ang ilan sa amin ay ginagalaw ang mga kamay at lumulukso. Para siguro, kahit sa pamamagitan no'n, mawala ang kabang nararamdaman. Sumisigaw naman ang ilan, habang malakas na nagbubuga ng hangin.
Kahit siguro sanay nang mag-perform sa stage ang mga performers, hindi pa rin nila maiwasan ang makaramdam ng kaba. Naroon pa rin ang takot nila sa mga manonood; sa maaaring maging feedbacks ng mga ito pagkatapos ng palabas. Takot naman ang lahat sa judgments, at sa bad criticism.
That how society works and deal with those matters.
Kahit ano pa siguro ang gawing maganda ng isang tao sa harapan nang lahat, mangingibabaw pa rin ang kamalian nitong nagawa sa mga mata ng ilan.
And it was so unfair. Sa lahat ng isang libong nagawang kabutihan, kakalimutan dahil sa isang pagkakamali lang.
“Okay, guys! Relax! Isipin niyo lang na sumasayaw kayong mag-isa sa ibabaw ng entablado, walang nanonood sa inyo. Isayaw niyo lang ang kaba ninyo. At kapag tapos na ang performance, just walk out that like there's nothing happened. Okay?” sabi ng tainer namin, para kahit papaano, mawala ang kaba na nararamdaman namin.
Tama siya. . . sumayaw lang kami na parang kami lang at walang nanonood sa amin. That is how it works.
Tinawag na kami pagkatapos ng isang grupo. Umakyat na kami ng stage, pagkatatapos pumwesto na sa designated positions namin lahat.
Napahiyaw kami nang tawagin ang aming section. This is it!
***
NALILIGO kami ng pawis nang matapos na ang aming performance. Hiyawan at palakpakan ang aming narinig nang makababa na kami ng stage. Agad kaming namahinga sa likuran ng Amphi, at pina-relax kami ng aming trainer. Binati niya kami at pinasalamatan.
“You did great! Congrats guys!” hiyaw niya kasabay ang group hug naming lahat.
Samo't saring amoy ang nasinghot ko, pero balewala iyon. Pareho rin naman kaming naliligo sa sariling pawis. Bakit pa naman ako mag-iinarte? Pare-pareho rin naman kaming tao, lahat may bad flaws; may insecurities. Sa tao na iyon kung tatanggapin niya o hindi. In the end, we are still a human being.
Umakyat na kami sa bleachers pagkatapos ng group hug scene namin. Agad akong binati ng tatlo pagkaupong-pagkaupo ko. Nakangiti sila nang malapad at walang tigil ang pagsigaw nila sa pangalan ko.
“Huwag nga kayong maingay! Nakakahiya, o. pinagtitinginan tuloy tayo,” suway ko sa kanila.
“Ah, basta. Congrats, 'day! First na kayo niyan!” ani Gwen saka sinabayan pa ng isang malakas na tili.
Napailing na lamang ako at napatawa sa reaksyon nilang dalawa ni Berlin. Samantalang kalmado naman si Lyn, kumindat lang siya sa akin at nag-thumbs up. Ibig sabihin, I did a good job.
Hiyaw ang namayani nang tawagin ang pangalan naming BEED freshmen sa third placer sa Zumba competition. Yakap-yakap ko ang tatlo habang nagtatalon kami. Nagtapos ang programa pagkatapos i-anunsyo angmga winners from different game categories.
Tinawag pa ako ng mga kasama ko para sa picture taking. Hindi naman nagpahuli ang mga kaibigan ko at nakisali rin.
Worth it ang pagod at pawis naming lahat. Hindi kami talunang umuwi, at kahit papaano ay nai-angat namin ang pangalan na BEED.
May sabi-sabi kasingmahihina kami at talunan pagdating sa mga ganitong programa. Kaya't hindi na rin masama ang maging third place sa zumba competition.
“Guys! We raised BEED's name! Congratulations!” sigaw ng aming classroom president, pagkatapos kami nagtawanang lahat.
Emotional na talagaang ilan, dahil hindi naman namin aakalain na makapapasok sa top five. Ang ilan nga ay sinasabing salin pusa lamang kami at walang maibubuga. But they are all wrong, we are not just BEED students, but we are more than BEED's name.
“Congrats talaga, day!” bati sa akin ni Gwen, kasalukuyan na kaming palabas ng Amphi theater.
“Congrats sa atin! Panalo natin iyon, no.” ani ko, habang malawak ang ngititing iginawad sa kanila.
“Mauna na kayong umuwi, a. May urgent meeting daw kami ngayon sa admin.”
Kumunot ang noo ni Berlin. “Meeting saan beshy?”
“Sa ROTC namin. Baka may meeting about sa POS naming nalalapit at training sa sword.”
“Wala ka nang pahinga. Medyo pumayat kaa na, o.” pansin ni Lyn sa katawan ko.
Medyo chubby kasi ako kaya talagang mapapansin kung nabawasan nang timbang ang katawan ko.
“Kailangan, pinili ko ito. Kaya paninindigan ko.”
“Sige, ’day. Basta ingat ka sa pag-uwi.”
Tumango ako bilang tugon. “Salamat. Mag-ingat din kayo, ha.”
Bumaba na sila at sumakay sa tricycle. Ako naman ay tumungo sa Pili avenue papuntang admin.
Pagkarating ko roon, nandoon na ang ilang mga kasama ko. Ang ilan sa kanila:y hindi ko pa gaano ka-close. Natanaw ko agad si Spon na nakipag-usapa sa senior officer naming babae. Maganda ito, kaya't ang ilang mga kasamahan naming lalaki ay may crush sa kanya.
Biglang may sumagi sa aking isip, na baka. . . isa si Spon sa mga lalaking iyon.
Parang may kung anong pumiga sa puso ko. Parang pinunit iyon nang paunti-unti. Tahimik akong naupo sa isang bench kasama ang iba.
“Buds Lumi!” tawag sa akon ni buds Delo nang makita niya ako.
Nasa madilim na ako pero nakita niya pa rin ako. Samantalang si Spon, abala sa pakipaglandian sa senior officers naminnat ibang ka-offcers na mga babae. Hindi man lang ako napansin, minsan nakatataka tuloy kung totoo bang gusto niya ako. Kung ganito lang din naman pala na nakikipaglandian din siya sa iba.
Tumabi sa akin si buds Delo.
“Kanina pa ba kayo?” tanong ko sa kanya.
Sumandig siya sa pader na nasa likuran namin at maging ako rin. Hindi ko alam, kung bakit ako nanghihina. Ramdam ko na ang pgod ngayong buong araw. Ang lakas na sana na si Spon, ay nandoon sa iba at hindi man lang ako binigyan ng pansin.
“Hindi bago lang. Wala pa si Sir Navarra, nasa loob pa.” ani niya.
Tumango ako bilang sagot.
Nakawawala ng gana. Wala naa namaan ako sa mood, iyong excitement kong nararamdaman kanina para makita si Spon, parang isang bolang naglaho sa ere.
“Ang galing mo pa lang sumayaw,” komento ni buds Delo, na siyang dahilan nang paglingon kong muli sa kanya.
Ngumiti ako. Nahiya nang kaunti. Hindi ko aakalain ma nanood talaga siya sa aming performance kanina.
“Nanood ka pala?” tanong na sagot ko sa kanya. “Salamat, a. Hindi naman masyado.” Kumamot pa ako sa aking ulo, tila nahihiya sa papuring binigay niya.
“Congrats!” sabi niya, sabah tapik sa aking balikat.
Ganoon ang naging tagpo nang tumingin ako sa pwesto ni Spin, kita ko ang pagdilim ng kanyang mukha habang nakatingin sa amin ni buds Delo.
Hindi ko siya pinansin.
Pagkaraan nang ilang sandali, dumating na si Sir Navarra at pina-form na kami as platoon sa kanyang harapan.
Madali kaming kumilos lahat. Puro babae kaming nasa harap, at sinundan ng mga lalaki sa likuran. Pinabilang niya kami pagkatapos naming mag-formation.
Twenty-one kaming lahat nang matapos ang bilang. Pina-drill niya kami ng kaliwa-kanan.
ISINUKBIT ko ang aking bag, para umuwi na mataapo kaming lumansag lahat. Alas nuebe na nang gabi, at gutom na gutom na ako. Kailangan ko nang mamahinga, mukhang hindi na ako nito makakakain pagkarating mamaya sa boarding house at matutulog na lamang.
“Uwi ka na buds?” Lumapit sa akin si buds Delo.
Tumango ako bilang sagot sa kanya. “Oo, buds. Magpapahinga pa ako, e. Pagod na talaga ako.”
Nabasa ko ang paagdaan ng pag-aalala sa kanyang mga mata. “Mukha nga. Siya sige, buds. Hatid na kaya kita?”
Agad akong umiling. “Huwag na, buds. Kaya ko na, umuwi kka na rin at gabi na.”
Kumaway pa siya bago tumalikod sa akin. Ako naman ay nagpatuloy na sa paglalakad palabas ng gate ng ASU.
“Lumi! Sandali!” isang boses ang tumawag sa akin. Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman kung sino ang may-ari no'n.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nagkunwaring hindi ko siya narinig. Wala ako sa tamang pag-uugali ngayon at baka siya ang mabalingan nang pagka-bad mood ko. Hindi lang iyon kundi maging ng pagod.
Nahabol niya ako, at hinawakan sa aking braso. Pagod ko siyang sinalubong ng tingin pagkaharap ko sa kanya.
“May problema ba, Lumi?” tanong niya, habang magkasalubong ang mga kilay.
Umiling ako. “Spon, huwag ngayon please. Pagod ako, kailangan ko nang umuwi.”
“P-pasensya na. Ihahatid na kita.”
“Hindi na. Kaya ko nang umuwing mag-isa. Salamat na lang.”
Hindi ko na siya pinansin at tumalikod na nang tuluyan.
Pero nabigla ako nang hilahin niya ako at niyakap nang mahigpit. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niyang iyon.
Mas lalo akong nanghina. Hindi namalayan ang pagpatak ng luha.