NAIINTINDIHAN ko na ang sabi-sabi ng mga matatanda. Kapag mahal mo talaga ang isang tao, kahinaan mo ang lahat sa kanya. Kahit gaano ka pa nasaktan sa mga ginawa niya, patatawarin at patatawarin mo pa rin siya nang paulit-ulit. Hanggang sa maging isang martyr, pero hindi ko naman hahayaang umabot ako sa puntong ’yon. Pagkatapos ng yakap na iyon ni Spon, dinala niya ako sa plaza. Bumili siya ng apat na buknoy at iyon ang kinain namin. Mukhang ito na yata ang hapunan ko. Magbibihis na lang ako nito mamaya at matutulog na. Maaga pa bukas dahil may klase pa kami sa ROTC. “Lumi, hindi ka ba minsan napapagod?” biglang untag ni Spon, nang kumakain na kami ng binili niyang buknoy. Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang baf mood ko sa isang yakap lang na iyon, at hindi ko alam kung bakit wa

