Chapter 14 “Maaari ko siyang tingnan muli kung inyong pahihintulutan. Maaaring tama ang sinabi ng babaeng bampira na nagngangalang Khia, may posiblidad na naglakbay ang kaluluwa ni Robin at hindi pa nito nahahanap ang daan pabalik.” Nakatingin lamang si Xandro kay Maxis nang magsalita ito. Narito sila ngayon sa sala at kaharap sina Nathalia, ang kanilang mga magulang, si Prince Nathan, si Jackson pati na si Johnny at Marcus. Naiwan si Khia at Daemon at ang tatlong diwata upang bantayan si Robin. “Hindi pa rin naaalis ang lason hindi ba?” tanong ni Johnny. “Wala na ang lason, nang sumuka ako ng dugo ay hinigop ko ang lason paalis sa katawan ng mahal na prinsesa, masyadong malakas ang lason na itim na mahika na napasuka ako ng dugo. Ngunit totoo ang sinabi ko nang wala na ang ka

