Chapter 15 Natahimik ang lahat sa sinabi ni Nathalia. Hindi inaasahan ng mga naroon ang sinabi nito na si Khalisa ang huling nakipagkasundo sa hari ng mga demonyo. “Ginawa iyon ni Khalisa nang malaman nito na pinakasalan na ni Haring Calliesper si Reyna Caroline. Isa ako sa saksi kung paanong snubkan ni Khalisa noon na makapasok sa palasyo upang makausap ang hari.” Sabi ni Nathalia. Tandang-tanda pa ni Nathalia ang pangyayaring iyon. Hinding-hindi niya makakalimutan kung paano sinubukan ni Khalisa na kausapin si Haring Calliesper, kung paano it magmakaawa sa mga guwaridya at mga wizards na nasa harapan ng kastilyo ng verthron. Noon ay hindi pa siya kanang kamay ng reyna, nakita niya si Khalisa na nakaluhod sa harapan ng kastilyo at ang sabi-sabi ng ilang mga nasa nayon ay naroon si

