Chapter 9 Nang lumabas ng silid si Khia kung nasaan si Robin ang iniwan niya na naroon ay ang tatlong diwata, si Nathalia at pati na ang prinsipe ng tharbun. Nalaman ni Khia na si Nathan ay anak pala ni Nathalia. Kaya pala may pagkakahawig sila. “Nasaan na si Alex?” tanong ni Marcus sa kaniya. Nakasalubong niya si Marcus nang palabas siya ng gusali kung nasaa sila. Kasama ni Marcus si Daemon pati na si Johnny. Wala naman si Alejandro pati na si Xandro. Mukhang hindi pa rin nakakabalik ang magkapatid dahil hindi ng mga ito napilit na bumalik si Alex. “Hindi ko alam, sinundan ni Alejandro at ni Xandro si Alex at naiwan kami ng mga diwata sa silid ni Robin kanina, hindi pa rin bumabalik? Hindi ninyo pa rin nakikita?” tanong niya. Umiling naman si Johnny. Nang maglakad silang apat

