Chapter 8
“Alex, saan ka pupunta? Ipinapatawag ka ni Mom.”
Hindi pinansin ni Alex si Alejandro nang magsalita ito. Alam niyang nakasunod ngayon sa kaniya si Alejandro at Xandro dahil narinig niya kanina ang kaniyang ina nang utusan nito ang mga ito.
Kailangan kong makahanap ng paraan para makita ang tutulong sa akin upang magising na muli si Robin. Hindi ko pinagkakatiwalaan ang Maxis na iyon, hindi ako naniniwala sa mga sinabi niya.
Alam ni Alex na nauubos na rin ang kaniyang oras at kinakailangan na nilang maging isa ni Robin. Malapit na ang pagsasalin ng trono ng kaniyang ama sa kaniya bilang susunod na hari ng mga bampira.
“I am going to find a way so that Robin will wake up. Hindi ako maniniwala sa Maxis na iyon. Alam kong buhay pa si Robin.” He said.
Hindi niya hinarap ang kapatid at naglakad siya paalis sa lugar kung nasaan sila. Dinala si Robin sa lugar ng mga diwata, malayo ito sa vampire’s haven at ang lupain ay pinorpotektahan ng mga diwata at duwende na naroon.
“Alex, don’t be stubborn, we don’t want to believe him also, but please? Can you just listen to mom right now? Nag-aalala na siya sa iyo, ilang araw ka nang parang wala sa sarili mo. Pagod na pagod na rin ang lahat, hindi ba maaaring makinig kasa mga magulang natin kasi sila ang mas nakakaalam ng mas dapat mong gawin?” Alejandro said.
He didn’t stop from walking. Hindi alam ng mga ito ang nararamdaman niya, kung gaano siya nahihirapan ngayon dahil sa nangyari. Hindi nawalan ng mate ang mga ito para magsalita ng ganoon kadali s akaniya. Napaka hirap tanggapin na sa tagal ng panahon na hindi sila nagkita ni Robin ay ganito ang maging tagpo nila.
“Alex, can you listen? Nag-aalala na si mom at dad, ganoon rin sina Johnny, Marcus at Khia, they’re here and they helped us to find Robin because they’re worried. Puwede bang isipin mo rin kami ng pamilya mo?” sabi ni Alejandro.
Hindi madali sa kaniya ang manatili kung nasaan si Robin, lalo lang siyang nasasaktan kapag nakikita ito na nakahiga sa higaang iyon at hindi pa rin gumigising. Wala na siyang ibang maisip na paraan para muling magising ang babaeng minamahal.
“Don’t follow me, I will go to the wizard’s haven, and look for the strongest wizard who an remove the poison on Robin’s body. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko nakikitang gising si Robin. Hindi rin ako maniniwala na wala na siya.” Sabi niya sa mga kapatid.
Nang mapahinto siya sa paglalakad ay hinarap na niya ang mga ito. Isa sa dahilan kung bakit ayaw niyang manatili roon ay awa ang nakikita niya sa mga mata ng mga ito. Lalo na sa kaniyang mga magulang.
“Alex...” sabi ni Alejandro.
“The old wizard pointed Maxis, he told us that Maxis can save Robin but what happened?” Xandro asked.
Hindi siya kumibo. Nakagat niya an pang-ibabang labi. Ayaw niyang paniwalaan ang sinasabi ni Maxis dahil hindi iyon kayang tanggapin ng pagkatao niya. Nararamdaman niyang buhay si Robin, alam niyang kahit wala na ang bond ay buhay pa rin ito at naroon lamang.
Alam ni Alex na nagtitimpi na lang din ng galit si Xandro base sa eskpresyon na ibinibigay ng mukha nito ngayon. Kanina ay puro si Alejandro lamang ang nagsasalita at ngayon na nagsalita na si Xandro ay ramdam niya ang inis sa boses nito.
I don’t want them to think that she’s dead. Alam kong sinasabi man nila sa akin ngayon na hindi sila naniniwala deep inside naisip na din nila na baka wala na si Robin.
“You know that vampires cannot live without their mate, right? Higit sa lahat ako ang nakakaalam kung buhay pa siya o hindi. I can still feel her! Damn it! I can still feel her, she’s alive and there’s no fckng way that she’s dead.” Alex said.
Nakita ni Alex na umiling si Xandro sa kaniyang sinabi. Nagngalit ang kaniyang mga ngipin at hindi niya napigilan ang umahong galit sa dibdib niya.
“The bond was lost, Alex. You are gonna be destined to other creature by now. Soon you will choose someone who will be your queen, kagustuhan mo man o hindi, mapipilitan kang pumili ng pakakasalan mo. Malapit nang ilipat sa iyo ni dad ang titulo, Alex. Magiging hari ka na ng mga bampira at hindi mo maaaring hintayin na gumising si Robin upang mailipat sa iyo ang trono,”
“Ngayon na nawala na ang bond ay pag-uusapan ng council ang tungkol rito at hahanapan ka ng ipapakasal sa iyo. Hindi ka maaaring maging hari ng mga bampira kung hindi ka magkakaroon ng kapareha at kinakailangan mong inumin ang dugo ng iyong kapareha upang maging ganap na hari ng mga bampira. Alam kong alam mo ang tungkol dito Alex.” Sabi ni Xandro.
Hindi siya nagsalita.
“Nawala ang bond, naglaho na ito, Alex. Kahit pa sabihin mong nararamdaman mong buhay si Robin ay hindi ka nakasisigurado. Huwag mong lokohin ang sarili mo, Alex. Nang mawala ang bond nasa isip mo na lamang na buhay siya. Kung hindi nawala ang bond mas masasaktan ka dahil malalaman mo na nagsasabi pala ng totoo si Maxis,”
“Hindi lang ikaw ang nahihirapan ngayon sa nangyaring ito, Alex, pero nakasalalay sa iyo ang susunod na henerasyon ng mga bampira. Ikaw ang aming susunod na hari. Hindi ko sinasabing kalimutan mo na ang nangyaring ito dahil alam ko kung gaano mo kamahal si Robin, pero sana, sana isipin mo rin ang ibang mganilalang na maaapektuhan sa mga desisyon ginagawa mo.”
Pagkasabi ni Xandro noon ay nawala na ito sa harapan nila.
Nakita ni Alex na napailing si Alejandro at ang sumunod na nangyari ay nawala na rin ito. Sinuntok ni Alex ang puno na malapit sa kaniya at napaluhod siya sa harapan non. Hindi niya nakakalimutan ang kaniyang tungkilin sa mga bampira. Hindi niya nakakalimutan na siya na ang susunod na hari ng mga bampira pero napakasakit para sa kaniya ng mga sinabi ni Xandro.
“Paano? Paano nga kung nasa isip ko lamang na buhay pa rin siya? P-paano kung nasa isip ko lang lahat ng nararamdaman ko na narito pa rin siya?” sabi niya sa sarili.