Chapter 30 “Masamang balita! Masamang balita! Masamang balita!” Napatingin si Khalisa sa uwak na lumilipad palapit sa kaniyang kinaroroonan. Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay at tumigil ang uwak doon. Narito siya ngayon sa veranda ng kaniyang gusali at umiinom ng alak. “Ano ang masamang balita na tinutukoy mo?” tanong ni Khalisa sa uwak. “Gising na! Gising na! Gising na ang mahal na prinsesa! Buhay! Buhay! Buhay ito!” Ang hawak na kopita ni Khalisa ay naibalibag niya dahil sa narinig mula sa uwak. Sinasabi na nga ba niya! Kaya hindi maganda ang kutob niya nitong mga nakaraang araw ay dahil magigising ang anak ni Calliesper! Nang umalis ang uwak ay nagpakawala ng itim na mahika si Khalisa. Galit ang nararamdaman niya ngayon para sa balitang iyon. Dapat talaga ay nanigurado

