Chapter 31 “Kung ako sa iyo, babaeng bampira, umalis ka na at siguruhin mong hindi na mababalikan ng hari ng mga bampira ang anak ni Calliesper at Caroline dahil tiyak kong kapag nalaman nito na gising na ang prinsesa ay tiyak na iiwan ka na niya at ang buong atensyon nito ay ilalaan na sa taong... totoong minamahal nito.” Mabilis na nilisan ni Hermiliah ang lugar ng mga black wizards nang marinig niya ang sinabi ni Khalisa. Ang babaeng mangkukulam na iyon talaga! Hindi niya alam kung tama ba na pinagkatiwalaan niya pa ang mga ito. Mukhang wala ding mabuting maidudulot sa kaniya ang dalawang nilalang na iyon. Lalo pa ngayon at nasa mga kamay na niya si Alexander. Hindi na niya kakailanganin pa ang tulong ng mga ito upang mailayo si Alexander sa Robin na iyon. Ngunit ngayon na nalaman

