Chapter 27 “Kamusta ang pakiramdam mo, mahal na prinsesa? Grabe! Miss na miss na miss na miss ka naming nila Liva at Lixa! Sobra kaming nag-alala sa kalagayan mo. Akala naming talaga ay wala ka na! iyon kasi ang sabi sa amin ni Maxis! Naku, kung alam mo lang, mahal na prinsesa, galit na galit na galit ang susunod na hari ng mga bampira— Napatigil sa pagsasalita si Lica nang takpan ni Liva at Lixa ang bibig nito. Ngayon ay nasa hapagkainan siya at kaharap ang mga naroon. Sina Khia, Xandro, Alejandro, Maxis, Jackson, Callia at ang tatlong diwata na sina Lica, Liva at Lixa. Wala sina Aleister at Meredith dahil kasama ang mga ito sa pag-aasikaso sa nalalapit na pagsasalin ng titulo kay Alex biglang susunod na hari ng mga bampira. Mamaya lang din ay aalis na sina Khia, Alejandro at Xandro

