Chapter 26 “I-Ikaw iyong batang lalake na nagligtas sa akin sa isang hunger vampire?” Tumango si Maxis habang may ngiti sa mga labi nito. Hindi niya inaasahan ang kaniyang nalaman ngayon! Oo at nais niyang malaman kung sino ang batang lalake na nagligtas sa kaniya noon sa isang hunger vampire ngunit hindi niya inaasahan na ngayon niya ito makikita at isa pala itong wizard! Pero, hindi ba at bampira ang batang nagligtas sa kaniya noon? “Nang malaman ko ang nangyari sa iyo ay kaagad kong tinungo ang lugar ng mga diwata nang malaman ko na dito ka dinala. Huli na ako para maprotektahan ka pa sa Black Witch na si Khalisa,” “Isa ako sa mga nilalang na naatasan na bantayan ka ng palihim sa mundo ng mga tao. Hindi nagkataon na naroon ako ng gabing iyon sa gubat para iligtas ka sa isang h

