Chapter 47 Mabilis ang lakad na tinungo ni Hermiliah ang silid ni Khalisa sa malaking gusali na pagmamay-ari nito. Hindi na siya hinarang ng mga itim na wizard na tauhan nito dahil kilala na siya sa lugar na iyon. Umalis si Alex at hindi niya ito napigilan, umalis si Alex at pumunta ito sa lugar ng mga diwata. Ngayon, hindi niya alam kung babalik pa ba sa kaniya si Alex dahil tiyak na malalaman na nito na gising na si Robin. “Nasaan si Khalisa?” tanong niya sa isang itim na wizard na nakabantay sa tapat ng silid ni Khalisa. Kailangan nang maibigay sa kaniya in Khalisa ang gagamitin niya upang maisalalim si Alex sa mahika, kailangan na niyang gumawa ng paraan para hindi na nito maaalala pang muli si Robin. Tiyak niya na kapag tumagal ang pananatili nito sa lugar ng mga diwata ay hindi

