Chapter 35 Hindi maialis ni Robin ang kaniyang tingin sa matangkad na lalake na ngayon ay nasa kaniyang harapan. Nakasuot itto itim na balabal at nang tanggalin nito iyon ay lumantad sa kaniya ang mukha ng lalake. “K-King Hexus...” Napatingin si Robin kay Maxis nang magsalita ito. Kung ganoon. Ang lalake sa kaniyang harapan ay ang... ang kaniyang nakatatandang kapatid? Nagulat si Robin nang lumuhod ang mga naroon at siya lamang ang nananatiling nakatayo. Nang igawi niyang muli ang tingin sa lalake ay nakangiti ito sa kaniya at ang mga mata nito ay malamlam na parang sinasabing ‘Sa wakas, sa matagal na panahon, nagkita na rin tayong muli.’ Hindi alam ni Robin ang kaniyang gagawin ang lahat ng nilalang na naroon ay nakayuko habang nakaluhod at siya naman ay nakatayo nang luluhod n

