Chapter 56 “Kung ganoon ay anong oras kayo aalis?” Napatingin si Robin kay Khia, nasa harapan niya ngayon ang mga ito at si Alex ay nasa tabi naman niya. Ang usapan nila ngayon ay ang pagpunta nila ni Alex sa mundo ng mga tao. Nais sumama ni Khia at Daemon upang maging bantay sa kanilang dalawa sakaling magkaroon ng di inaasahang pagsalakay ng mga itim na wizards at mga bampira. “Siguro ay mamayang hapon na, sigurado ba kayo ni Daemon na sasama kayo sa akin? Hindi ba nakakaabala pa kami sa inyo?” tanong niya. Umiling naman sa kaniya si Khia, “Hindi, ano kaba? Saka nami-miss ko na rin ang mundo ng mga tao at ang simoy ng hangin doon saka isa pa, gusto kong dalawin si Conny at ang pamilya nito. Iyon din ang nais mo hindi ba?” Napatango siya kay Khia, nang banggitin ng knaiyang kapat

