Chapter 58 Ang mga mata ni Robin ay nakatingin sa nilalang na nasa tabi ni Maxis. Nang mapansin ng nilalang na nakatingin siya rito ay yumuko ito sa kaniya at tipid ng ngumiti. Dahil sa hiya at nahuli siyang nakatingin ay ngumiti na lang din si Robin dito. “Maaari na ba tayong umalis?” tanong ni Khia kay Maxis. Tumingin si Maxis sa mga kawal na nandoon at tumango ito pagkatapos ay umalis ang mga kawal sa lagusan. Nang tumingin siya kay Alex ay nakita niya itong diretso lamang ang tingin sa lagusan habang hawak siya nito sa baywang. Mukhang malalim ang iniisip nito base sa itsura nito na nakikita niya. “Ano ang problema, Alex? may iniisip ka ba?” tanong niya. Nang tumingin sa kaniya si Alex ay ngumiti lamang ito at pagkatapos ay umiling, nang bumukas ang lagusan ay hinawakan ni Al

