Chapter 21 “Robin…” “Robin…” Naidilat ni Robin ang kaniyang mga mata nang marinig ang boses ng babaeng iyon. Iyon ang boses ng babae na narinig niya noong bata siya, noong hinahabol siya ng isang hunger vampire sa gubat. “Robin, naririnig mo ba ako?” Napabangon si Robin sa pagkakahiga, nang igala niya ang kaniyang mga mata ay magandang tanawin ang kaniyang nakikita. Maraming mga iba’t-ibang klase ng mga bulaklak. Maraming mga paru-paro na iba iba ang kulay na nagliliparan sa kaniyanng paligid. Mayroon ding iba’t-ibang klase ng mga hayop siyang nakikita. “Nasaan akong lugar?” tanong niya at tumayo siya. Hindi pamilyar sa kaniya ang lugar kung nasaan siya. Ngunit napakaganda roon at para bang nais niya pang maglibot dahil sa ganda ng tanawin na kaniyang nakikita. “Robin...”

