Chapter 19 “Ano ang ibig mong sabihin na nakatakas at hindi totoong patay ang anak na bunso ni Calliesper at Caroline? Hindi ba at nasigurado natin iyon noon?” “Nakatakas, naitakas ni Nathalia, nalinlang niya tayo. Mukhang sa kabilang mundo niya itinago ang bata at doon pinalaki. Ngayon kailangan nating masiguro na patay na nga ang batang iyon.” Sabi niya. Napabuntong hininga si Khalisa, ayaw niyang pag-usapan ang tungkol dito ngayon ngunit mapilit si Gandalf. Nang ipakilala nito ang babaeng bampira na nagngangalang Liah ay nakuha kaagad ng babaeng bampira ang kaniyang atensyon, nararamdaman niya na may kakaiba sa babaeng ito at kailangan niya iyong malaman. Hindi ko maaaring ibigay ang buong tiwala ko, kaya niyang pagtaksilan ang lahi niya at alam kong kayang-kaya rin niya iyong gawi

