Chapter 2

1325 Words
The Sweetes Bite II  By: Pennieee Chapter 2   "Patawad. Natakot akong baka kalaban kayo at hindi kaagad maniwala sa sasabihin ko. Isa pa hindi magkasundo ang mga bampira at mga wizard. Natakot akong itago ninyo ang prinsesa at hindi ako paniwalaan. Ginawa ko lamang iyon dahil ang alam ko'y mas ligtas sa akin ang prinsesa." Jackson closed his eyes. Ang dahilan ng Prinsipe ng Tharbun ay hindi katanggap-tanggap. Napatingin siya sa susunod na Hari ng mga Bampira at hindi niya ito masisisi kung ganoon na lamang ang reaksyon nito. Para sa mga Bampira at sa kanilang mga Wolves walang sino man ang maaring maglayo ng kanilang mga minamahal sa kanila hindi nito iyon maiintindhan kahit kailan. "Pero Prince Nathan iyak ng iyak noon ang Prinsesa dahil gusto niyang makita ang Hari ng mga Bampira, saksi kami noon at nahihirapan din ang aming kalooban makita ang Prinsesa na tuwing gabi ay umiiyak. Muntik pa nga itong tumalon sa bintana para lamang makatakas at hanapin ang Hari ng mga Bampira. Nakakalungkot. Kaya namin tinulungan ang Prinsesa makatakas ay dahil naawa kami. Walang sino man ang matitiis ang Prinsesa kapag nakita na itong umiyak" Sambit ng isang Fairy. Kaagad namang tinakpan ng kasama nito ang bibig at pinatahimik. "Usapan nila iyan wag kang makisabat! Ang kulit kulit kulit mo!"  Sa narinig ni Alex ay mas nakaramdam siya ng lungkot. Hindi niya alam ang mga pinagdaanan ni Robin bago silang magkita muli at sa hindi pa inaasahan na pangyayari. Bumitaw si Alex sa hawak ni Xandro at muling naupo sa harap ni Robin. Tinabanan niya ang kamay nito at tinitigan ang maganda nitong mukha. He will do everything for her. Lahat ay gagawin niya kahit ang buhay niya ang kapalit magising lamang ito. Hindi sa ganito niya gustong matapos ang lahat. Gusto niyang muling masilayan ang mga ngiti nito. Ang tawa nito. "Magpahinga muna kayo." Sabi ni Meredith sa mga nagbabantay sa Prinsesa. May dala itong mga pagkain na kaagad pinagkaguluhan ng tatlong Fairy. Lumabas si Jackson, Xandro at Prince Nathan pati na ang tatlong Fairy matapos kumuha ng mga pagkain.  Naiwan si Meredith at Alex sa silid.  Naupo si Meredith sa tabi ni Alex at hinawakan niya ang anak sa balikat. Nakikita niya ang paghihirap ng kalooban ng anak habang nakatingin ito kay Robin na nakahiga sa kama na napalilibutan ng mga rosa. "Nauunawaan ko ang galit mo sa Prinsipe ng Tharbun pero walang may gustong mangyari ito kay Robin. Hindi rin natin masisisi ito lalo na at tama siya sa sinabing hindi magkasundo ang mga Wizard at Bampira." "Sana ay sinubukan niya. Sana hindi siya gumawa ng ganoong hakbang Mom. Sana hindi sa akin  mawawala si Robin at hindi ito mangyayari."   Naiintindihan ni Meredith ang galit sa puso ng anak niya. Alam niya kung gaano nito kamahal si Robin dahil nakita niya iyon ng unti-unting maglaho sa harap mismo ni Alex ang mahal nito. Lumuha ang kanyang Anak at noon niya naunawaan na maaaring mahirapan ito lalo pa at mapupunta sa Lost World si Robin. Siya rin ay hindi makapaniwala parang kailan lang nang kasama nila ito at masayang kausap. "I don't know what I am going to do if I lose her Mom. I can't. Kahit nawala na ang bond sa pagitan namin ay walang nagbago sa pagtingin ko sa kanya. Siya pa rin iyong Robin ko, siya pa rin iyong minahal ko nung una. Walang magbabago hanggang huli." Kumawala ang mga luhang pinipigilan ni Meredith. Naaawa siya sa kanyang anak habang diretso itong nakatingin kay Robin. Ramdam niya ang matinding pagmamahal nito na kahit sino ay hindi kayang putulin.  "Robin will be alright. Humingi na kami ng tulong sa council at gumagawa na rin ng paraan ang mga Wizard para maghanap ng lunas para mawala ang lason sa katawan ni Robin. Everything will be alright."  Hindi naging madali ang pagpunta ni Aleister at Meredith upang hingin ang tulong ng council. Kinailangan pa nilang tahakin ang dalawang bundok. Pagdating sa lugar ng mga ito ay hindi sila kaagad nakakuha ng sagot at ipapaalam na lamang ang magiging desisyon.  "Alam kong may tutulong sa atin. Magtiwala lang tayo." "Naroon ang Hari ng Verthron, Siguro ay hindi pa rin siya naniniwala na ang kanyang kapatid ay buhay." Napailing si Aleister, wala silang proweba na kahit si Meredith ang nagpaliwanag sa mga ito ay sarado ang tainga at isip ng Hari ng Verthron. "Maraming impostor ang dumating kaya't siguro naging sarado na ang puso ng Hari." Nang gumabi ay si Jackson at Alex lamang ang naiwan sa silid kung nasaan si Robin. Ang taong Fairy ay natutulog sa kandungan ni Jackson habang ang iba ay nasa labas upang magbantay sa kaling may dumating na kalaban.  "Kailan tayo aalis?" Tanong ni Jackson kay Alex. Sinamaan lamang ng huli si Jack. Ayaw niyang humingi ng tulong sa kahit na sino ngayon pero alam ni Alex na sa kanilang sitwasyon hindi niya dapat pairalin ang galit sa kanilang pagitan. "Tomorrow." Maiksing sagot ni Alex kay Jackson.  Kung ano man ang maaaring ibigay na tulong ng kahit sino ay tatanggapin ni Alex lalo na kung para ito sa ikabubuti ni Robin. Ngayon ang nais niya ay malaman ang eksaktong lugar na kinalalagyan ng Black Wizard upang matulungan sila nito sa kalagayan ni Robin. "We need to prepare. Hindi basta-basta na lugar ang north maraming ligaw na kaluluwa ang nandoon at magiging hadlang iyon para makarating tayo sa Black Wizard. May mga ilusyon na magpapakita na kumakain ng mga ala-ala, kailangan natin maging alisto." Sambit ni Jackson. "Alam ko hindi mo na kailangan pang- Napahinto si Alex sa pagsasalita nang biglang may itim na aura siyang naramdaman. Kaagad naman na napatayo si Jackson dahil naramdaman din nito ang itim na aura na pumapalibot sa buong silid kung nasaan sila. "Ano 'yon? ano 'yon?" Maski ang tatlong Fairy ay nagising dahil sa itim na aura na kanilang naramdaman. "Ang prinsesa! Ang prinsesa!" Sigaw ng isang diwata nang makita nila na may pumapalibot na itim na usok sa Prinsesa. Kaagad na nilapitan ni Alex at Jackson si Robin. May kulay itim na portal na lumabas at isang lalakeng naka Wizards robe ang iniluwa 'non. Handa na sana sa pag-atake si Alex at Jackson nang itaas ng lalake ang dalalwang kamay nito. "Yo." "Yo?" Tanong ni Jackson. "Anong 'yo? Alam niyo iyong 'yo?" sabi ng isang Diwata "Hindi... Ano iyong 'yo'?" segunda naman ng isa pang diwata. "I thought you guys need me." Sabi nito at tinanggal ang hood ng Wizards robe nito. Isang lalakeng may kulay abong buhok at may ginintuang mga mata.  "Sino ka?" Tanong ni Jackson  "Akala ko  ay hinahanap niyo ang Black Wizard sa north? Ayaw ba ninyo na ako na mismo ang nagpunta rito para makita ang kalagayan ng Prinsesa?"  Napakunot ang noo ni Alex, paano sila makakasigurado na ito ang taong hinahanap nila? Hindi sila pwedeng magpadalos-dalos dahil baka isa ito sa mga gustong tumapos sa buhay ni Robin. Lumapit ang tatlong Fairy sa bagong dating at inamoy-amoy nito ang lalake.  "Kakaiba ang amoy niyo mahal na Wizard." "Pero hindi ko naaamoy na isa siyang panganib." "Ha... napalilibutan siya ng itim na aura ngunit hindi siya isang kalaban." Dahil sa matagal na na kasama ni Robi ang mga fairies ay nagkaroon na ng tiwala si Jackson sa mga ito. Kaya nang lumapit ito sa bagong dating upang malaman kung isa ba itong kalaban ay gumaan ang loob niya sa mga sinabi ng mga ito. "I am not an enemy Alex, Jackson. I am Maxis the black wizard and to tell you Alex, I am a Damphir.  I am a half vampire and half human."  Nagulat si Alex sa sinabi nito. The way he speak. Nagsasalita rin ito ng ingles at parang sa klase ng tono ay nanirahan na ito sa Human World. "I am also the one who helped Robin when she was chased by a hunger Vampire fifteen years ago. I am the vampire she was looking all this time."                  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD